NAGISING LANG AKO NANG maramdaman kong parang umaandar ako. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Bumungad sa 'kin si Drix na seryosong nagmamaneho.
"How are you? Are you still dizzy? Just sleep if you want so you can rest. If you feel nauseous tell me." Napangiti ako sa tanong niya.
Kahit naka-iglip na ako ay pakiramdam ko lasing pa rin ako. Well, naparami naman kasi ang nainom kong alak kaya ganon.
"I want water..." Mahinang sabi ko.
Ginilid niya ang sasakyan at huminto sa isang convenient store. Seryoso siyang tumingin sa 'kin.
"Dito ka lang, bibili lang ako ng tubig para sa 'yo." Seryosong utos niya bago lumabas ng sasakyan at naiwan akong mag-isa. Dahil wala naman akong magawa ay kinuha ko ang phone ko na nasa pouch ko, nadismaya ako nang makitang lowbat. Oo nga pala, kanina pa ito lowbat. Nasa loob pa lang ako ng Bar.
Hindi naman siya nagtagal at bumalik agad na may dalang dalawang bottled water at dalawang cup noodled Ramen. Napaayos ako ng upo dahil bigla akong nakaramdam ng gutom sa nakita. Pobirito ko ang Ramen!
"Kumain ka nang mabuti... para na rin mawala ang lasing mo," mahina siyang natawa. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Sumeryoso ulit siya na parang may naalala na kung anong kinainis ng mood niya.
Napakunot ang noo ko. "May nangyari ba kanina? Wala akong maalala..." Sumimangot ako.
Binuksan niya ang chopsticks bago ibinigay sa 'kin ang mainit at mabagong Ramen. Pinagmamasdan ko lang siya habang hinihintay ang magiging sagot niya.
"Next time don't drink too much if you're not with me... I'm the one who's nervous for you that someone might be rude to you when you're not in a trance." Baritono ang boses niya.
My eyes widened. Does that mean... I did something?
"May g-ginawa ba akong hindi maganda?" Napakagat ako sa labi. Iniisip ko pa lang na may ginawa na naman akong hindi kaaya-aya ay kinakabahan na 'ko. Hindi talaga nakakabuti ang alak sa sistema ko.
"Forget it,"
Tumahimik na lang ako nang magsimula siyang kumain. Gaya nang ginawa niya ay tumahimik na rin ako. Nang matapos kaming kumain ay nagsimula na ulit siyang magmaneho.
Being sleepy and feeling hilly, I couldn't stop myself from falling asleep. I'm trying not to fall asleep because I want Drix and I to be able to talk during the trip. Dahil hindi ako malakas sa Kaniya, my prayer was not fulfilled.
Kinaumagahan pagkagising ko ay medyo nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo. Nasuka rin ako. Dahil wala pa naman akong kinakain ng umagahan ay walang nilabas ang sinusuka ko.
"Kamusta ka na kagabi? Lasing na lasing ka daw sabi ni Erick!" Bungad sa 'kin ni Zach pagkapasok ko ng building. May dala-dala pa siyang karton ng cake.
Nilagpasan ko siya, nginitian ko ang mga tauhan ko bago pumasok sa elevator. Mabilis naman na sumunod ang lalaki.
"Akala ko hindi ka papasok ngayon dahil may hangover ka pa... 'yon kasi ang sabi ni Mr. Vallarta. Hindi ka raw papasok kasi dahil sa hangover." Kwento pa niya.
"Pero pumasok pa rin ako," I said weakly. I smiled at the clients I passed by until I got to my office. I smiled at my secretary who smiled widely at me.
"Good morning, Architect Meres!" Masayang sambit niya.
"Good morning." Nginitian ko ulit siya bago pumasok sa loob ng opisina ko. Zach was still following me like an idiot. Lumapit ako sa table ko at umupo sa swivel chair. "May sasabihin ka ba?" Mataray na tanong ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...