19

91 18 0
                                    

"ANG LAYO NANG INIISIP MO, AH?"

Napatingin ako kay Nicole. Umupo siya sa tabi ko habang busy kakatingin sa mga folders na nasa table niya. Ang busy naman niya today.

"Bakit? Nasundan mo ba?" Biro ko.

"Oo, ginapang ko nga lang." Mayabang na sagot niya sabay kindat. Sabay kaming natawa sa kalokohan.

Nandito ako ngayon sa Condo niya dahil nabobored ako sa Condo ko. Dalawang linggo na rin ang lumipas simula no'ng pumunta ako sa Laguna para sa bahay nila Andrea at dalawang linggo na rin lumipas pero wala pa ring sinasabi sa 'kin si Erick tungkol sa pagiging head engineer niya sa bahay nila Drix. Wala siyang binabanggit kahit gabi-gabi kaming nag-uusap.

"May nabanggit ba sa inyo si Erick?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala. Lagi yata siyang busy. Kailan ba uuwi ang isang 'yon?" Ngumisi siya. "Pakiramdam ko may kinahuhu-"

"Girls! trending na naman si Shiene!!" Sigaw ni Cath, galing sa kusina. Pati si Glaiza ay napalabas agad sa CR dahil sa sigaw niya. Nagmamadali siyang lumapit sa amin. "Trending ka na naman, girl!" Tuwang-tuwa siya.

Napairap lang ako at umiling. Ano na naman ang ginawa ko? Halos hindi na nga ako lumabas ng unit buong araw, minsan lang pag may commercial o di kaya ay may mga i-momodel na product. Tapos naging trending pa 'ko ngayon?!

Tinignan nila ang kani-kanilang cellphone samantalang ako ay patuloy sa pagkain ng chips. Wala akong pake kung ano na naman 'yan. Baka mamaya mga bashers lang 'yan.

"Sino 'to, 'te? May non-showbiz boyfriend ka na ba?!" Sabay-sabay nilang tanong na parang pinagplanuhan.

"Siguro, 'di ko lang ramdam. Ang galing niyo naman kung may kilala kayong boyfriend ko samantalang ako walang alam." Umirap ako. "Baka ghost boyfriend ko," pilosopong dagdag ko.

"Gago! May lalaking kasama sa picture mong trending ngayon! Kada-refresh ko thousands agad ang dagdag, sis." Mahina akong sinabunutan ni Cath.

"Wala akong alam na nakasama ko ngayon linggo na lalaki," tanging saad ko. "Baka edited nga tao lang 'yan," tamad kong dagdag.

"Check mo nga 'to," sabay hagis niya sa 'kin ng cellphone.

Kinuha ko 'yon at tinignan. Napataas ang kilay ko sa nakitang picture. Kahit dalawang linggo na ang lumipas, hindi ko 'to nakalimutan. The man in the picture with me is Drix. Ito 'yung gabi na pumunta ako sa bahay nila. Dahil nakatalikod ang lalaki, hindi nila makilala, mukha ko lang ang kita.

Binasa ko ang mga comments. May mga magaganda pero may mga bashers din at sinasabing dapat si Jake na lang daw ang boyfriend ko kaysa sa lalaking nasa picture. Si Jake ay naging love team ko na rin kaya ganiyan na lang ang reaction nila. Pero wala pa rin silang pakialam kung sino 'yung kasama ko sa picture, dapat nanahimik na lang sila.

People are really quick to judge. They don't think to find out the truth before judging other people. Before they judge, they should first know if it is true. When they see a famous celebrity with someone, iisipin agad nila na may relasyon ang mga ito kahit wala naman talaga. If we don't learn to know the truth, we will only be ashamed in the end.

"Si Mr. Vallarta lang 'yan," walang ganang sagot ko at ibinalik sa kaniya ang cellphone. Gulat na gulat ang reaksyon nilang tatlo.

"Oh my gosh!! Really? Ibig sabihin kayo na ulit?!" Mabilis kong binatukan si Glaiza sa pang-aasar niya. Tumawa pa ang gaga. "May pa "Mr." ka pang nalalaman pero mahal mo pa rin, 'wag ako Shiene, kilala kita." Panunukso niya.

"Hindi ba pwedeng inabutan lang ako ng jacket dahil manipis ang suot ko? Ang judgemental, huh?" Umirap ako.

"Baka naman kasi sinadya mong nipisan ang damit mo para easy to access?" Humagalpak ng tawa si Nicole pati si Cath.

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now