06

192 17 12
                                    

"HINANAP MO RAW KAMI KAHAPON? Sayang hindi tayo nagkita!"

Napatingin ako kay Nicole, bungad niya sa 'kin kinabukasan. Sa itsura niya ngayon parang hindi siya umiyak kahapon. Ngumiti nalang ako pabalik para hindi niya mahalata na may iniisip ako.

"Wala 'yon, nagkita naman tayo ngayon!" Tumawa siya sa sinabi ko at hinila ako papasok ng classroom.

"Shiene!" Napatingin ako kay Erick nang tawagin niya 'ko, bigla tuloy akong napaisip kung anong pinag-usapan nila ni Nicole kahapon.

Lumapit siya sa 'kin, napansin 'kong bahagya siyang napatingin sa likuran ko. Mabilis niyang ibinalik ang paningin sa 'kin bago ngumiti.

"Sige, maiwan ko muna kayo," biglang paalam ni Nicole. Nagulat ako at nagtatakang napatingin sa kaniya.

"O-Okay..." Naguguluhan na sabi ko. Tumango siya at umupo sa kaniyang upuan.

Kahit naguguluhan ay inintindi ko nalang siya. Parang may nangyari sa pagitan nila na hindi ko alam. Nagkibit-balikat nalang ako.

"Lunch tayo mamaya, treat ko." Napatingin ako kay Erick nang bigla siyang nagsalita. Nakalimutan kong kausap niya pala ako.

"Ah... Ano... Sige, isama natin sila Nicole at Cath." Sagot ko. Ngumiti siya at tumango bago bumalik sa kaniyang upuan.

Dahil wala pang nagtuturo, magulo ang buong klase. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa mga students dito, sa US hindi naman ganito kagulo pag wala ang Teacher.

Dahil wala akong magawa, binasa ko nalang 'yung naging lesson namin kahapon since wala pa namang nagtuturo.

"Uy! balita ko mag-iiba daw ang schedule starting today!" Napatingin kaming lahat sa harapan nang magsalita ang Vice President ng klase namin, mukhang absent ang Pres. namin kaya siya ang nag-announce.

"Talaga?"

"Bakit raw?"

"May mali ba sa schedule na 'tin?"

"Ay sayang naman! Hindi ko na makikita ang girlfriend ko!" Napatingin kaming lahat kay James dahil sa sinabi niya.

"Wag kang OA d'yan, Mr. Tuazon! Wala kang girlfriend!" Nagtawanan kaming lahat nang bigla siyang prinangka ng VP namin.

Natahimik kaming lahat nang biglang dumating si Prof. Umayos kami ng upo, 'yung iba naman ay nagsibalik sa kani-kanilang upuan.

"Sir, totoo ba na babaguhin ang schedule namin?" Tanong ng isang kong classmates. "Sabi ni..."

"Yes. That's what Dean wants so we have to follow,"

Maraming students ang nagbulungan dahil do'n. Kahit kami ni Nicole ay napaisip.

"Shiene, what do you think? The new schedule is okay with you?" Tanong sa 'kin ni Erick habang sabay-sabay kaming naglalakad papunta sa cafeteria.

"Ah... Yeah, it's fine." Maikling sagot ko.

Hindi ko alam kung anong meron sa 'kin at wala ako sa mood ngayon, pakiramdam ko ay may kulang. Halos buong araw ko nang hindi nakikita ang taong gusto kong makita. Naiinis ako sa sarili ko dahil parang pinagsisihan ko ang mga sinabi ko kahapon sa kaniya. I know I shouldn't regret those words but... but I'm guilty.

Nang matapos kaming kumain ay hindi ko pa rin nakita si Drix, pati na rin sa ibang klase namin ay wala siya. Siguro nga ay hindi talaga siya pumasok.

Tahimik akong umuwi sa Condo, naabutan 'kong nagluluto si Lawrence ng hapunan.

"I'm home," bati ko at pumasok sa kwarto. Pagkalabas ko ay saktong tapos nang magluto si Lawrence, naghahanda na rin Kylie.

"Time for dinner," nakangiting sabi ni Kylie.

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now