17

90 18 4
                                    

Trigger Warning: Suicide

BASANG-BASA ang mukha ko nang bumaba ako ng unit niya. Nagmamadali akong pumunta sa sasakyan. Nasubsob ko ang mukha sa manibela pagkapasok ko.

Kinalma ko muna ang sarili bago umalis, hindi ko alam kung saan ako ngayon pupunta. Kahit nagmamaneho ay panay pa rin ang pag-punas ko ng mukha ko dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Wala, eh, nasaktan talaga ako.

Hindi ko alam kung tanga ba talaga ako o nagtatanga-tangahan lang. Ilang beses ko nang nakita siya kasama si Thalia pero tumahimik lang ako, natatakot na baka tuluyan niya akong iwan.

Paano pa ngayong malinaw ang pagkakarinig ko na hindi ako ang mahal niya? Napahagulgol ako pagkababa ko ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit at paano ako napunta dito sa lugar kung saan ko siya sinagot noon. Parang may kung anong nag-utos sa 'kin na dito pumunta.

Napaupo ako sa upuan, luhaang pinagmamasdan ang Christmas light at street light. Mapait akong ngumiti. Sana ganito rin kaliwanag ang mundo ko. Kung sino pa 'yung pinagkatiwalaan at minahal ko ng lubos, 'yon pa ang mananakit sa 'kin ngayong kaarawan ko. He is the one who gave color to my world and he also ruined it and returned to the former dark world I was used to.

"Bakit kasi hindi mo na lang sinabi sa 'kin noon pa na hindi mo talaga ako mahal?!" Sumigaw ako, wala naman akong pakialam kung may makarinig sa 'kin at ipakulong ako dahil sa pag-e-eskandalo ko ng ganitong oras. I bent down, my two arms resting on my two knees as I let out the resentment. "Gusto mo talaga akong saktan...?" Bulong ko habang umiiyak.

Napaayos ako ng upo nang may marinig akong yabag ng paa sa mga tuyong dahon. Tiningnan ko ito pero mabilis akong nag-iwas ng tingin sa lalaki.

"T-Tam..." He called softly but I didn't look at him. I don't want to see his face. Tuwing makikita ko ang mukha niya, mas lalo lang akong masasaktan dahil naaalala ko 'yung mga salitang binitiwan niya kanina.

"Ano'ng ginawa mo dito?" I tried myself not to stutter and I did, but I still didn't look at him. "Dapat tinuloy niyo ang ginagawa niyo," I said coldly.

"I-I... want to talk to y-you...." Doon ko lang siyang binalingan. Medyo natuyo na rin naman ang mukha ko dahil sa hangin kaya matapang ko siyang hinarap.

Parang gusto ko nalang ulit yumuko nang makita ko ang pasisising dumaan sa mga mata niya. No, Shiene, harapin mo siya. I took a deep breath before standing up and bravely facing him. You can do this, Shiene.

"Para saan pa?" I asked coldly.

"I'm so s-sorry-"

"Ano pang magagawa ng sorry mo? Nasaktan mo na 'ko, eh. Ano? Masaya ba? Nagtagumpay ba kayong dalawa?" I smiled bitterly. Naluluha na naman ako sa tuwing naaalala ko 'yung nangyari kanina. How can I keep these tears na huwang na munang bumuhos? Baka pwedeng bukas naman dahil birthday ko pa ngayon... at gusto kong maging masaya. Kahit ngayon lang, kahit pansamantala lang.

He shooked his head. Feeling disappointed to me. "Walang nangyari sa amin..."

"Okay lang, hindi naman masakit." I lied again. Kahit ilang beses ko na silang nakitang naghahalikan sa personal o sa picture, nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako dahil mahal ko siya, eh, tapos makikita kong nakikipaghalikan siya sa ibang babae. "Hindi rin naman 'yon ang unang beses kong nakita kayong naglalampungan, kaya ayos lang sa 'kin." Tinitigan ko siya sa mga mata. Parang kinurot ang puso ko nang makita ang kaniyang reaksyon.

Bakit siya nagulat sa sinabi ko? Bakit? Dahil ba hindi niya alam na may alam ako sa nangyayari sa pagitan nila ni Thalia? Baka naman i-deny niya pa 'yon kahit huling-huli ko na sila kanina. Mapait akong ngumiti, fine, ako na ang mag-a-adjust. Kakalimutan ko na lang for the fifth time! Hindi una, hindi pangalawa, kung hindi pang-limang beses!

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now