"WHY SHOULD I DO THAT? Para maging kayo, ha?"
Mahinahong tanong ko sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatitig sa 'kin. Minsan ay ngumingiwi siya dahil seryoso lang din akong nakatingin sa kaniya.
Hiwalayan ko si Cai? At bakit? Magulang ko ba siya? Sino ba siya? Kaibigan lang naman siya ni Cai... kaibigan lang siya kaya dapat hindi siya nangingialam samin!
"Break up with him. Hiwalayan mo siya ngayon pa lang. Halos dalawang buwan pa lang naman naging kayo kaya dapat hiwalayan mo na siya agad ngayon para hindi na lumalim ang nararamdaman niyo sa isa't-isa!" Mariing sabi niya. Nagtaas ako ng kilay.
Ininom ko agad ang tubig na hiningi ko kanina nang ilapag ng waiter. Hindi ko inalis sa kaniya ang paningin ko kahit umiinom ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit at lungkot. Well, hindi naman ako maaawa sa kaniya dahil lang nakakakita ako ng lungkot sa mga mata niya. Never.
"I don't." Matigas na sabi ko matapos uminom.
Nagtiim ang panga niya dahil sa sinabi ko. Masama ang tingin niya sa 'kin pero ako tinaasan lang siya ng kilay. Kahit ano'ng sabihin niya, hinding-hindi ko hihiwalayan si Cai dahil lang sa gusto niya. Mahal na mahal ko si Cai kaya hinding-hindi ko siya iiwan.
"But you have to! Kailangan mo itong gawin para sa 'kin! Makipaghiwalay ka kay Drix para sa 'kin!" Galit na sigaw niya kaya napatingin samin ang mga tao.
Eskandalosang babae.
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Sino ka ba? E, hindi nga kita kapatid o kaibigan." Ngumisi ako. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako luluhod sa harapan niya para magmakaawa na hayaan kaming mamuhay ni Cai ng payapa.
Hindi ako pinanganak sa mundong ito para lang maging alipin ng ibang tao. Hindi tayo nabuhay ng ilang taon para lang maging alipin. Oo, nag-paapi ako sa stepmother ko noon pero hanggang doon na lang 'yon, hindi na mauulit 'yon ngayon. At hinding-hindi mauulit 'yon dahil lang sa babaeng 'to!
"Bakit hindi mo na lang gawin?! Hindi ka naman talaga niya mahal! Ako ang mahal niya! Simula pa lang noong mga bata pa kami sinabi niya sa 'kin na ako ang gusto niya! Alin doon ang hindi mo maintindihan at para mapaintindi ko sa 'yo, huh?! Ano?!" Sigaw niya. Galit na galit siyang tumingin sa 'kin. Kung siya ay galit na galit at sumisigaw na, ako naman ay walang imik. Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya.
Nakaupo lang ako ng maayos at nakalagay ang dalawang kamay na magkahawak sa ibabaw ng table habang pinagmamasdan siyang hingal na hingal na nakatayo sa harapan ko dahil sa pagsigaw niya. Mabilis ang pag-angat ng dibdib niya dahil sa ginawa niya.
Pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil sa eskandalong ginawa niya. Napaupo siya dahil masama ang tingin sa kaniya ng ibang costumer.
"You mean 'noon', right? E, ano'ng magagawa ng past kung ako ang present? 'Tsaka, iba ang 'gusto' sa 'mahal' ikaw ang gusto niya noon, pero ako ang mahal niya ngayon," Natatawang sabi ko, nakita kong mas lalong nagalit ang mga mata niya. Ngumisi lang ako. "Oh, come one, Thalia! Just accept the fact na ako ang mahal ni Cai at hindi ikaw. Siguro nga noon ikaw ang gusto niya, hindi mo ba naisip na masyado pa kayong mga bata? Hindi mo ba naisip na magbabago ang utak niya?" Mas lalo akong ngumisi.
Umiling siya. Mukhang nanghihina sa mga pinagsasasabi ko sa harapan niya ngayon. Hindi niya siguro inaasahan na ganito ako magsalita dahil mukha akong mahinhin sa panlabas na anyo tuwing magkakasama kami sa Condo ko. Halatang gulat na gulat siya sa mga nilalabas bibig ko.
Unti-unting nawala ang ngisi ko dahil sunod-sunod na lumandas ang luha sa mukha niya. Galit siyang nakatingin sa 'kin kahit patuloy ang pagbuhos ng kaniyang luha, samantalang ako ay seryoso lang siyang pinagmamasdan na umiiyak. Kahit umiyak siya o lumuhod sa harapan hinding-hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...