"GUSTO MO IHATID NA KITA?"
Napatitig ako kay Drix ng bigla niya akong tanungin nang makalabas kami ng Tapsilugan. Nabusog ako sa libre niya. Ang sarap talaga!
Well, masarap naman kasi talaga pag-libre, 'di ba? Sabihin n'yong hindi.
"Hindi na, may mga paa naman ako 'no." Tanggi ko. "Kaya kong maglakad,"
"Alam ko. Gusto ko lang na ihatid ka." Pagpupumilit niya.
"May sarili akong sasakyan,"
Kahit anong gawin niyang pilit ay hindi siya nag tagumpay. Hindi ako pwedeng magpahatid sa kaniya dahil sa pinsan ko. Ano na lang ang iisipin ng kumag na 'yon pag nakita niya akong may kasamang lalaki umuwi? Hindi ako sigurado kung nandoon siya ngayon pero nahuhulaan ko. Madalas na siya sa condo ko, eh. Parang gusto na niya akong damayan sa pag-iisa ko
Pagkauwi ko ay wala akong nakitang anino ni Lawrence. Nagtaka ako bigla. May problema kaya 'yon?
Dumeretso ako sa kwarto at naligo bago nagpahinga. Dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok, napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto at manood sa sala ng TV. Nang wala akong makita na magandang palabas ay naglaro na lang ako sa Cellphone.
Habang naglalaro ako ay biglang may nag notif sa 'kin sa Instagram. Nanlaki ang mata ko nang makitang finallow ako ni Drix.
drix_vallarta started following you.
Napakurap-kurap ako. Paano niya nalaman na may account ako? Hindi naman niya ako tinanong.
Kinabukasan, dahil ako lang mag-isa ay umorder na lang ako ng pagkain bago pumasok. Naguguluhan talaga ako kung bakit 'di pumunta dito si Lawrence.
"Oh. Bakit nakabusangot ka?" Tanong ni Nicole.
"Wala. May iniisip lang," sagot ko.
"Uy! Alam n'yo ba? Bumalik na daw si Glaiza dito!" Biglang singit ni Cath.
Napatingin ako sa kaniya. Bigla akong napaisip sa sinabi niya. May kilala ba akong Glaiza dati?
"Talaga? Sana 'di na siya bumalik," biglang nag-iba ang mood ni Nicole.
"Bakit? Magkaaway ba kayo nung Glaiza? Sino ba 'yon?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Siya yung babaeng artista. Maraming humahanga sa kaniya pero itong si Nicole galit na galit kay Glaiza kasi-"
"Ang daldal mo naman!" Inis na sabi ni Nicole. Napahinto si Cath dahil biglang tinakpan ni Nicole ang bibig ni Cath. "Wala. Basta galit ako sa babaeng 'yon! Dapat nga 'di na siya bumalik dito, eh!" Sabi niya bago umupo sa upuan.
'Di na lang ako nagsalita at naghintay na lang na dumating ang subject teacher. Naging maayos naman ang umaga ko ngayon. Habang kumakain kami ng lunch biglang may nagsigawan. Napakunot ang noo ko.
"Ano 'yon?" Tanong ko kay Cath.
Tumingin siya sa entrance bago tumingin ulit sa 'kin. "Nand'yan na 'yung sinasabi ko kanina..."
"Wag n'yo nga pag-uusapan ang babaeng 'yan pag nasa harapan ko kayo. Naiintindihan n'yo ba 'yon?" Inis na tanong ni Nicole. Sabay kaming napatingin sa kaniya ni Cath.
Gaya nang ginawa ni Cath ay tumingin din ako sa entrance. Nakita ko siyang nakikipag-usap sa isang student. Mukhang kaibigan niya kasi nakakapit sa braso niya.
"Magiging kaklase ba natin siya-"
"Ano ba?!" Nagulat kami ni Cath nang biglang tumayo si Nicole at sumigaw. Biglang nagbulungan ang mga student habang pinagmamasdan siya.
Nagtataka akong napatingin sa kaniya.
"Nicole... umupo ka muna, okay? Maraming nakatingin, ano ka ba?!" Sermon sa kaniya ni Cath. Sumang-ayon naman 'yung tatlong kaibigan niya.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...