04

270 35 412
                                    

"HINDI NAMAN NIYA SINASADYA 'YON,"

Paulit-ulit ko nang sinasabi sa kanila na nabigla lang si Drix kaya niya kami nasigawan kahapon. Pero hindi pa rin nila ako tinitigilan.

"Sino ba siya para umasta na parang magulang mo, ha?" Nagtatakang tanong ni Nicole.

"Oo nga..." Sang-ayon naman ni Cath pati ang iba pa nilang kaibigan.

Napayuko sa table ng canteen. Naguguluhan rin ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko kahit nand'yan lang naman ang sagot.

Ano ko ba siya?

"Wala... Nabigla lang rin daw siya..." Mahinang sagot ko.

"Baka naman may gusto sa 'yo 'yon!" Singit ni Jay. Boyfriend ni Cath.

Napaangat ako ng tingin sa kanila.

"Posible ba 'yon. Mukhang mapili naman 'yon. Mukha pang bad boy," nakasimangot na sagot ko.

"Tara na nga, 'wag na natin 'yon pag-usapan." Aya samin ni Nicole. "Sa court muna tayo,"

"Ha? Bakit? May klase tayo 'di ba?" Gulat na tanong ko.

"Walang klase ngayon oras. Ano ka ba, hindi ka ba nakikinig kahapon? Sinabi naman ni Sir." Natatawang sagot ni Cath.

Ha? Pa'no nangyari 'yon? Nakatutok lang naman ako kahapon kay Sir. Bakit hindi ko alam?

"Tara doon tayo!" Hila sa 'kin ni Nicole. Nagulat ako sa ginawa niya.

Nang makarating kami sa upuan na gusto nila ay mabilis niyang binitawan ang kamay ko bago umupo.

Nagulat ako nang may lumabas na dalawang team. Mukhang magkalaban. Ibig sabihin ay manonood lang kami ng basketball?

"Saan ka pupunta? Magsisimula na," nagtatakang tanong ni Nicole nang tumayo ako.

"Cr lang ako. Babalik din agad ako," nakangiting paalam ko at mabilis na lumabas ng court.

Papasok na sana ako ng Girls restroom pero bigla kong nakita si Drix. Masaya siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Mukhang kasali rin siya sa basketball dahil naka-uniform siya ng kulay Blue na sando at short. May tatak na Vallarta 05 sa likod. Bigla akong naisip kung bakit 05. Birthdate niya ba 'yon o anniversary nila ng Girlfriend niya?

Bigla akong napangiti pero agad ding naglaho nang magtama ang paningin namin. Mabilis akong pumasok sa cr para huminga. Parang nakalimutan kong himinga nang magtama ang paningin namin.

Naghilamos ako at nalagay ng kaunting pulbos sa mukha at leeg.

"Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit bigla na lang akong kinabahan sa tingin niya?" Naguguluhan na bulong ko.

"Baka may gusto ka sa kaniya." Gulat akong napatingin kay Nicole nang bigla siyang magsalita.

Naguguluhan ko siyang pinagmasdan. Pa'no siya nakapasok? Bakit hindi ko namalayan? Gano'n na ba ako kalayo ang iniisip ko?

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Ano bang ginagawa dito?" Tanong niya pabalik.

Napapikit ako dahil sa hiya. Inayos ko na lang ang sarili ko, lalabas na sana ako pero bigla siyang nagsalita.

"Sino ba yung tinutukoy mo?" Tanong niya.

Imbes na sagutin siya ay mabilis akong bumalik sa court at tahimik nanood kahit sobrang ingay ng paligid dahil lamang ang Blue team.

"Huy! Cheer mo 'yung blue ano ka ba!" Utos ni Cath sabay bigay sa 'kin ng dalawang balloon na kulay Blue.

Kahit labag sa loob ko ay sinunod ko na lang.

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now