13

93 17 0
                                    

"KAMUSTA GALA NIYO KAGABI? Sorry kung 'di ako sumama,"

Masaya ba? Well, masaya naman, kaso pakiramdam ko may ginawa akong katangahan na naman na hindi ko maalala.

Papasok na naman kami ngayon sa kaniya-kaniyang classroom, kahit may hangover nagawa ko pang pumasok ngayon ng maaga. Imagine? Nag-inom ako kagabi tapos maaga pa akong nakapasok! Buti na lang talaga pinaalala sa 'kin ni Cai na uminom ng tubig pagkagising. Binalak niya akong ihatid kanina pero 'di ako pumayag kasi may sasakyan naman ako, ano'ng silbi ng sasakyan ko kung lagi akong magpapahatid sa kaniya, 'di ba? Kaya hindi na lang.

"Sobrang saya! Mainggit ka! Pinagpalit mo kami!" Umirap si Cath.

"Ba't naman ako maiinggit? Hello? May maganda kayang nangyari sa 'kin kagabi! Oh my God!" 'Tsaka tumalon-talon sa tuwa!

"Oh my God! Don't tell me nadiligan ka?!" Gulat na tanong ko kaya napahinto siya at binatukan ako. "Aray, ha!" Reklamo ko.

"Grabe ka naman! Ang judgemental, huh! Hindi ba pwedeng may ibang nangyari bukod sa iniisip niyo?"

"E, kasi naman, hindi mo masisisi 'yang si Shiene, sis, lagi kasing bukambibig mo ay sana madiligan ka na, eh. Actually, ganon din 'yong naisip ko," singit naman ni Cath, pabiro pa niyang sinabunutan si Nic.

Hindi na natuloy ang pag-uusap namin dahil biglang nagkaroon ng announced "kuno" sa Court. Kaya pala ang daming pumupunta doon kasi may announcement, kami lang yata ang walang alam. Nalaman lang namin dahil kay Erick na nakasalubong namin. Lagi naman updated ang isang 'to dahil Vice President siya ng students council. Hindi na rin ako magtataka dahil ang daming nagkakandarapa sa kaniyang mga babae kaya nanalo siya, 'tsaka magaling din siyang mag-handle ng problema at mamuno.

"Ano'ng meron?" Naiinip na tanong ko kay Erick habang papasok na kami ng Court. Hindi naman kami nahirapan makihalubilo sa mga dumadaan dahil para kaming reynang binibigyan ng daan. Pinapagalitan kasi sila ni Erick pagbinabangga kami o inuunahan sa daan.

"Hoy, Daddy Erick! Bakat bet mong bitiwan ang kamay ko, 'di ba? Hindi naman ako batang mawawala, tseh!" Reklamo ni Cath at binitawan ang kamay nito.

Ako, hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko dahil wala namang kaso 'yon sa 'kin dahil kaibigan ko naman siya. Si Nicole naman at busy sa pakikipag-high five at pakikipag-chikahan sa mga nakakasalubong na kakilala.

Medyo maingay ang buong paligid dahil ang dami ng tao kaya lumapit ako kay Erick para bumulong. "Ano ba'ng gagawin namin dito? Tutunganga ganon? Bakit hindi mo na lang sabihin sa 'kin 'yong announcement, eh, alam mo naman," bulong ko sa kaniya. Tinignan niya 'ko, napaiwas agad siya ng tingin dahil sobrang lapit ko sa kaniya.

"Fun run for next week para daw ganahan mag-aral," sagot niya at nagkibit-balikat.

"Totoo ba talaga 'yan? Sure na 'yon walang bawian?" Napataas ang kilay ko, natawa siya sa tanong ko.

"Oo, bakit? Lilipad ka ba sa fun run?" Natatawang tanong niya.

Napairap ako. "Hindi, gagapangin ko lang. Masyadong hassle pag nilipad ko dahil wala naman akong pakpak, unless angel ako," ngumisi ako.

"Ay? Sure ka'ng sa langit ka mapupunta sa lagay na 'yan? Ang sama mo kaya,"

"Hindi. Syempre gusto ko sa impyerno para kasama ka, masama rin ugali mo 'wag ka'ng tanga!" Tinawanan ko siya at sumabay kay Cath na umupo sa unahan.

Dahil wala naman akong interest sa mga sinasabi sa unahan nag-cellphone na lang ako kahit nasa unahan pa, kitang-kita ng nagsasalita. Itinago ko lang ito ng pinagalitan ako ni Erick. Sinamaan ko agad siya ng tingin pero tinawanan lang ako!

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now