05

232 23 404
                                    

"ANONG GINAGAWA N'YO?"

Mabilis kong tinulak si Drix nang may magsalita. Nagulat ako nang makita si Nicole na kasama si Glaiza. Wala naman silang nakita 'di ba?

"Shiene? Hendrix? Anong ginagawa n'yo dito?" Gulat na tanong ni Nicole sabay tingin sa 'kin. Pinanlakihan niya ako ng mata.

"W-Wala! Wala kaming g-ginagawa." Kinakabahan na sagot.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako kinakabahan, wala naman kaming ginagawang masama kaya bakit ako kinakabahan?

"E, bakit kayo nand'yan? 'Tsaka bakit kayo magkasama?" Sunod-sunod na tanong niya.

Napakagat ako ng labi sabay tingin kay Drix na nakatigtig sa 'kin. Gusto ko siyang saktan dahil sa kaniya may ibang iniisip si Nicole sa 'kin ngayon! Ugh! O baka naman ako lang 'yung may ibang iniisip.

"Accidentally lang kaming nagkita-"

"Nakita ko siyang mag-isa kaya sinamahan ko," sagot ni Drix dahilan nang pagtigil ko.

Inis ko siyang tiningnan pero iniwasan niya lang ako. Anong karapatan niya para sabihin 'yon? Tama naman ako, ah? Aksidente lang kaming nagkita kanina! Ugh! Nababaliw na siguro siya!

"Sinamahan ko siya dahil may pupuntahan rin ako dito na isang tao," patuloy pa niya.

Sarap talaga nito sakalin, e. Manhid ba siya o sad'yang wala lang siyang pakialam? Hindi ba niya alam na may iba nang iniisip ang mga 'to sa 'min dahil nakita kaming magkasama sa madilim!

"Tara na nga, Nicole!" Sabay hila ko kay Nicole.

Mas mabuting umalis na kami dito kaysa may masabi pang iba ang lalaking 'yon! Nakakainis talaga siya kahit kailan!

"Hoy, sabihin mo nga sa 'kin, nililigawan ka ba ng lalaking 'yon? Nililigawan ka ba ni Drix?" Tanong agad niya nang makalayo kami, actually nasa labas na kami ng School. Gabi na rin kaya kaunti na lang ang mga tao.

"Hindi, ah! Hindi nga kami close 'di ba?" Depensa ko. Kasi totoo naman na hindi kami close nung lalaking 'yon.

"Yung totoo, bakit kayo magkasama? Plano n'yo ba 'yon, ha?" Hindi talaga siya naniniwala pero mabuti na 'yon dahil hindi siya naniwala sa lalaking 'yon. At least may pag-asa pa akong mas maniwala siya sa 'kin ngayon.

"Hindi. Hindi ko nga alam na pupunta rin siya do'n, akala ko ako lang mag-isa pero laking gulat ko nang magkita kami. Hindi ko rin inaasahan na makikita mo kami at... Kasama mo pa si Glaiza." Sagot ko. Nag-isip ako ng p'wedeng gawing topic para mawala sa 'kin. "Ikaw? Bakit kayo magkasama ni Glaiza? Bati na kayo, ha?" Tanong ko sa kaniya.

Nando'n ako pero hindi ko narinig ang pinag-usapan nila dahil kay Drix! Pinigilan niya kasi akong lumapit! Kahit kailan talaga puro pambubwisit lang ang ginagawa niya sa 'kin. May galit ba siya sa 'kin? Lagi niya nalang akong akong iniinis, e.

"H-Hindi, ah... Kinausap ko lang siya na 'wag na akong guluhin, 'yun lang 'yon," sagot niya. Tumango na lang ako kahit hindi sang-ayon.

Halata naman kasing okay na sila, e. Pero kung hindi pa siya handang sabihin, naiintindihan ko.

"Sabi mo, e. Sige, uwi na 'ko. Bye! See you!" Paalam ko at mabilis siyang iniwan.

Madilim na kaya kailangan ko ng umuwi. Mamaya nando'n pala si Lawrence sa Condo, e. Sermunan pa 'ko no'n. Kahit naiirita ako sa mga sermon niya sinusunod ko dahil alam kong nag-aalala lang siya para sa 'kin.

"Shiene, bakit nandito ka pa?" Napatingin ako kay Erick nang masalubong niya ako.

Hindi pa rin ba tapos ang practice nila kaya nandito pa siya?

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now