"GINAWA KO TALAGA 'YON?"
Naisubsob ko ang mukha sa transparent kong table. Hindi pa rin ako makapaniwala na hinayaang kong halikan ako ni Drix matapos nitong magsalita! Bakit hindi ko nagawang tumanggi man lang o umiwas? Talagang hinayaan ko ang sariling mahalikan ng lalaking may karelasyong ibang babae! Ayaw kong maging kabit 'no!
"Oo, ilang beses mong sinabi sa 'kin na hinalikan ka ng ex mo." Narinig kong natawa si Cath.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, naabutan kong siyang nagbabasa ulit ng magazine tungkol sa mga product na minodel ko.
Siya agad ang tinawagan ko dahil baka sakaling matulungan niya ako kung ano'ng dapat gawin ko pag nagkita ulit kami ni Drix sa hindi inaasahan! Baka magmukha akong tanga at iniisip pa rin ang halik ng lalaki.
"Cath, hindi nakakatulong!" Sambit ko at sumimangot. Binitiwan niya ang magazine at hinarap akong mabuti.
"Ano'ng magagawa ko? Gwapo ang ex mo kaya hindi ka nakatanggi. Kahit naman siguro ako 'yong nasa posisyon mo mas-startruck talaga ako. Sino ba naman kasi ang tatanggi kung ganon naman kagwapo ang hahalik sa 'yo, 'di ba?" Ngumisi siya. "Sana tinawagan mo agad ako para ako ang sumalo ng halik," tumawa siya. Humagalpak pa siya ng tawa nang batuhin ko siya ng ballpen. Inasar muna niya ako bago siya umalis.
Ang daming gumugulo sa utak ko hanggang sa gumabi na. Oras ko na para umuwi pero parang wala akong gana, hindi ko alam kung bakit. Natatakot ako na baka paglabas ko ng opisina ay inaabangan ako ni Drix at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin matapos ang nangyari.
Umiling ako. "Imposible namang nandito ang lalaking 'yon. Hindi naman ako epesyal sa kaniya para hintayin akong umuwi. May girlfriend 'yon kaya doon niya itutuon ang atensyon." Napanguso ako sa sariling sinabi. Makasabi akong may girlfriend siya ngayon, samantalang kanina ay hindi ko naisip 'yon nang halikan ako.
"Sinong kausap mo?" Sinamaan ko ng tingin si Zach nang bigla siyang sumulpot. Hindi talaga marunong kumatok ang isang 'to.
"Ano bang pake mo? Ikaw, hindi ka marunong kumatok!" Sermon ko 'tsaka niligpit ang gamit. Mabuti na lang dumating ang isang 'to, at least may makakasabay akong umuwi.
"Bakit na naman?! Wala ka namang kasama para gumawa ng "kababalaghan", ah?" Sumimangot siya para itago ang ngiti.
"Tigil-tigilan mo nga 'yan. Hindi ako natutuwa ngayon."
Hinintay niya akong matapos maglipit 'tsaka kami sabay na lumabas ng building. Dahil hindi naman kami same ng tinitirahan ay naghiwalay din kami. Kinabukasan ay may ibinalita agad sa 'kin si Trisha at Manager ko na may bago akong palabas pero hindi ko makakasama si Glaiza. Hindi na 'ko nagulat nang maka-love team ko ulit si Jake. Nasisiguro kong iingay na naman ang love team namin dahil ilang buwan na ring hinihiling ng mga fansclub namin na ipagsama ulit kami sa iisang palabas.
Ang sarap sa pakiramdam na maraming taong humahanga at naniniwala sa 'yo 'no? Kaya nagpapatuloy akong maging actress dahil sa kanila. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan maging actress dahil may-ari na ako ng isang company at model pa. Sobra-sobrang biyaya ang bininigay sa 'kin ng Diyos.
"Nag-iingay na naman ang fans club niyo ni Jake dahil sa balita!" Ngumisi si Nicole.
Niyaya nila akong mag-celebrate dahil may bago na naman akong project. Gastos nila lahat dahil hindi ko naman alam na pinaghandaan pala nila.
"Ano pa nga ba aasahan mo? May mga comment pa nga na ginalaw na daw ang baso! Ship talaga nila kayo 'no? Baka naman i-bash nila ang lalaking magugustuhan mo." Napairap si Cath sa naiisip. Nago-overthink naman ang mga 'to. Pero syempre, hindi talaga maiiwasan 'yon.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...