02

329 40 352
                                    

INIS NA INIS AKONG LUMABAS NANG RESTAURANT. Ramdam ko rin ang paninitig ng ibang mga costumer sa 'kin. Ano naman sa kanila kung galit akong lumabas ng restaurant? Wala na sila doon.

"Hey... Shiene." Napapikit ako nang may magsalita sa likuran ko pagkalapit ko sa sasakyan. Pilit akong ngumiti nang tawagin ako ng lalaking kinaiinisan ko ngayon dahil unang tingin pa lang ay mukhang mayabang at babaero na. Sorry for the words, 'yon lang talaga ang naramdaman ko. 

"What?" Pinilit kong 'wag tumaas ang boses. I really hate babaero and arrogant people.

"Do you know me?" I frowned at his question. The nerve!


"Probably not. I just know your name today. I saw you just today."


"I want to talk to you—"


"I'm not interested." Putol ko sa kaniya. "Sorry, I'm busy." Ngumiti ako bago pumasok sa loob ng sasakyan.


Tinext ko rin si Lawrence na aalis na 'ko at mag-commute na lang siya pauwi. Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil alam kong hindi papayag ang isang 'yon.

Lumipas ang araw ay naging paulit-ulit lang ang naging routine ko everyday. Sobrang saya nang sinabi na magsisimula na ang schooling sa susunod na Lunes. Syempre may pagkakaabalahan na ako pag nagkataon na nagsimula na talaga ang klase. At least 'di na 'ko boring dito sa unit.

"Excited na excited ka talaga, huh?" Isang araw sabi ni Lawrence. Dahil wala na naman siyang girlfriend tumambay muna siya dito sa condo. Kawawa naman siya, single!

"Oo, naman 'no! May pagkakaabalahan na 'ko," Masayang sabi ko.

"Siguraduhin mo lang na wala kang magiging boyfriend doon," Napatingin ako sa kaniya bago natawa.

"Kahit kailan hindi ko naisipan na umibig sa isang lalaki. Ang pag-ibig nakakabobo," Natatawang sabi ko. "Anong mapapala ko do'n? Ni wala nga akong alam sa mga love-love na 'yan, eh." Kibit-balikat na dagdag ko.

Noong sumapit ang araw ng Lunes ay parang hindi na ako natulog dahil sobrang aga 'kong nagising. Nagawa ko pang kumanta at sumayaw-sayaw habang kumikilos dahil sa excitement na nararamdaman.

"Wow..." Napangiti ako nang makita ang labas ng University na papasukan ko.

Nang mapansin na maraming nakatingin sa 'kin ay napailing na lang ako at pumasok sa loob. Since bago pa lang ako dito, medyo hindi ko pa saulo ang buong sulok sulok. Hindi ito katulad ng dating University na pinasukan ko. Ibang-iba ito, mas malaki, mas malawak.

"Ah! Hi?" Sabi ko sa isang babaeng naglalagay ng make-up sa hallway.

Parang nahiya naman ako para sa kaniya. Kasi, bakit dito niya pa naisipan na maglagay n'yan? Ang dami kayang dumadaan.

She hid her things before looking at me, she raised an eyebrow at me. I wanted to raise an eyebrow too but I remembered that I was new here. I have to be kind.

"Anong gusto mo, babae?" Tanong niya. Napairap ako pero 'di ko ipinahalata sa kaniya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Nasaan 'yong..." Panimula ko at tumingin sa listahan ng hawak kong papel. "'Yong section na 'to?" Turo ko sa papel ko. Natawa siya bago ako tinalikuran. Agad ko siyang hinabol. "Miss, nagtatanong ako nang maayos," medyo naiirita kong sabi.

"Sumunod ka na lang," utos niya. Napakagat ako sa labi dahil sa kahihiyan. Tahimik akong sumunod sa kaniya. Napaatras ako nang may apat na babaeng lumapit sa kaniya.

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now