"UY! AYOS KA LANG BA? Kanina ka pa tulala d'yan 'e." Tanong ni Nicole.
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa Library kaya natutulala ako. Wala nga ako sa sariling pumunta sa room 'e. Pakiramdam ko panaginip lang ang lahat nang nangyari.
"Hmm. Ayos lang naman ako," sagot ko. "Ahh! Bakit kasi ako pumikit!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"Ha? Anong pumikit? May nangyari ba?" Tanong niya.
"Hindi ko alam... Hindi ko alam 'kung nababaliw na ba ako," parang-sira na sumbong ko sa kaniya. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kaniya, as if naman alam niya ang nangyari.
Unang beses pa lang 'to nangyari sa 'kin kaya hindi ko alam ang gagawin, sa totoo lang ako nalang nahihiya sa sarili ko, halos lahat ng kaklase ko nakatingin sa 'kin.
Yumuko ako at inalalang mabuti ang nangyari.
Mabilis ko siyang tinulak sa gulat. Nasampal ko rin ang sarili ko dahil sa nagawa ko. Talaga ba'ng ginawa ko 'yon?
"Bakit?"
"H-Ha? Anong bakit? Hindi mo ba naisip na nasa Library tayo? Paano kung may nakakita at i-post sa social media? Wala lang sa 'yo 'yon gano'n?" Mahinang saad ko.
Parang mas lalo akong nahulog sa kaniya nang bigla siyang napangiti. Ngiti pa lang 'yan, hulog na 'ko paano pa kaya kung iba na? Charot.
"So gusto mo din?" Nakangising tanong niya.
"Yes-ay shuta nadulas." Napakagat ako sa labi sa kahihiyan. Bakit naman kasi hindi ko agad napigilan ang sarili ko?
"Tayo na ba nito?" Tanong niya bigla, mas lalo 'kong ikinakilig.
Hindi ko inaasahan na ganito na pala ang tama ko sa lalaking 'to.
"H-Ha? Hindi pa-ligawan mo muna ako."
"Sure, no problem." Determinadong sagot niya.
Huh? Talagang confident siya na sasagutin ko siya. Talaga lang ha. Well, kung p'wede nga lang ngayon, ginagawa ko na 'e. Joke.
Sabay kaming lumabas ng Library kaya halos lahat ng students sa library ay napapatingin samin, siguro ay nagtataka kung bakit kami magkasam pag-labas samantalang kanina ay hindi kami magkasama.
"P'wede bang 'wag mo na akong ihatid hanggang sa room? 'Wag ka'ng mag-alala magkikita naman tayo sa next subject." Pang-aasar ko sa kaniya.
Psh. Alam ko naman na gusto niya lang akong makasama buong araw, pero sorry hindi p'wede marami rin akong dapat gawin. Charot!
"Hindi ko naman sinabing ihahatid kita 'e, sasabay lang ako sa 'yo papuntang Building II dahil nando'n din ang room ko. Room 302 ka, ako room 315, remember?" Saad niya.
"Ah... Oo nga pala. Natatandaan ko." Napapahiyang sagot ko.
Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating ako ng room, hindi ko alam kung magpapaalam ba ako sa kaniya o hindi na. Pero mas pinili 'kong pumasok nalang nang hindi nagpaalam. Akala ko maghihintay siyang magpaalam ako pero hindi, umalis rin siya agad.
"Hoy, umayos ka na nga d'yan, parating na si Sir. Baka maabutan ka'ng gan'yan." Pagtawag sa 'kin ni Nicole.
Tamad akong umayos ng upo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga makalimutan ang nangyari kanina, lalo na 'yung kahihiyang sinabi ko.
"Pakisampal nga ako dito?" Turo ko sa kaliwang pisngi ko.
"Ha? Bakit? Okay, sabi mo 'e-oh ayan." Sampal nga talaga niya sa 'kin. "Gusto mo dagdagan ko pa sa kabila? Para tuluyan ka nang magising sa katotohanan." Saad niya.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...