"AYOS KA LANG?"
Dalawa kaming lumabas ni Erick sa balcony. Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magtanong.
"Haha! Bakit mukha ba akong hindi okay? Chill. Hindi lang talaga ako sanay na may ibang tao dito sa Condo ko."
"Hindi naman. Naisip ko lang,"
"Kakain na! Isama mo na rin 'yung boyfriend mo!"
Sabay kaming napatingin kay Thalia nang magsalita siya.
"How many times do I have to tell you ha? He's not my boyfriend, okay? Kaibigan ko lang siya."
"Ugh! Okay fine! But you know... Bagay kayo haha!"
"Thalia, stop-" Napahinto ako nang bigla siyang umalis habang tumatawa. Medyo naririnig ko pa ang tawa niya dahil sa lakas. Napatingin ako kay Erick dahil natawa siya pero agad rin na sumeryoso.
"So hindi mo talaga nililigawan ang Pinsan ko? Bakit parati kayong nag-uusap sa phone?" Tanong ni Lawrence sa gitna nang hapunan.
"Lawrence, enough-"
"Absolutely, yes. Hindi ko pa siya nililigawan-"
"Hindi pa? Ibig sabihin may balak ka? Bakit hindi pa ngayon?!" Sabay-sabay kaming napatingin kay Thalia. "Oops! Sorry." Natatawa siya.
"Ano ba?! Nasa hapag tayong lahat, bakit ganiyan ang pinag-uusapan niyo?" Sa inis ko ay mabilis kong tinapos ang pagkain at dumeretso sa kwarto.
Nagmukmok ako ng ilang minuto bago ko naisipan na ayain na lumabas si Nicole. Kahit gabi na ay naboboring pa rin ako. Kung aalis na sila maaaring hindi ko na ituloy ang balak ko.
"Shiene, gising ka pa ba? Aalis na kami." Napabalikwas ako ng sumigaw si Lawrence.
"Talaga? Ibig sabihin maiiwan na akong mag-isa! Yes!" Tuwang-tuwa na bulong ko, halos mapunit na and labi ko sa tuwa.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto, nagkusot-kusot pa ako ng mata para kunwari ay nagising lang ako.
"Nagising ba kita? Nagpaalam lang ako na aalis na kami. Tinext ako ni Mom na baka pwedeng doon muna kami ni Kylie sa bahay tumira dahil mag-isa lang na maiiwan si Katelyn pagalis nila mamayang madaling araw."
"Hindi, okay lang. Kaya ko naman mag-isa. Mas mabuting ang kapatid mo ang pagtuunan mo ng pansin ngayon." Antok kunwaring sabi ko.
At least magagawa ko na ang gusto 'kong gawin dahil ako nalang mag-isa ang maiiwan.
"Si Erick? Umuwi na ba?" Tanong ko.
Gusto ko sanang tanungin kung umalis na ba si Drix pero hindi ko masabi dahil kaharap namin si Thalia. Baka isipin ni Thalia na may gusto ako doon, at magalit pa sa 'kin. Mukhang matagal na siyang may nararamdaman kay Drix 'e. Ayaw kong maging hadlang sa kanila.
"Ah! Kakalabas lang. Gusto mo ba tawagin ko para makapagpaalam ka?" Sagot ni Kylie, ngumiti ako at mabilis na umiling.
"Sige. Alis na kami, mag-ingat ka dito ha? Tumawag ka kaagad pag may problema, okay?" Paalala ni Lawrence sa 'kin.
"Yep! Sige, ingat kayo!"
Pagkaalis nila ay halos tumalon ako sa saya! Gusto ko ng privacy sa mga gagawin ko kaya ganito nalang sayang nararamdaman ko nang umalis sila. Hindi sa ayaw ko silang nandito, pero may mga bagay rin akong dapat gawin sa sarili 'kong Condo 'no.
Kinuha ko ang speaker at cellphone ko sa kwarto, kinonek ko ang cellphone sa speaker at pinatugtog ang kantang 'Driver license by Olivia Roderigo'. Nakangiti akong pumasok sa kusina at naghugas hanggang sa matapos ay nakangiti lamang ako. Mukhang nagmamadali talagang umalis sina Lawrence dahil hindi na nagawang makapaghugas, pero ayos lang naman dahil kaya ko naman gawin 'yon.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...