"DOES IT HURT?"
Hindi ako makatingin kay Tam dahil sa nangyari, bigla akong nakaramdaman ng hiya. Parang bumalik na sa katinuan ang utak ko dahil sa nangyari! Hindi ako makapaniwala na nagawa namin 'yon... at dito pa sa sasakyan niya! Malamang pulang-pula na ang pisngi ko ngayon dahil sa kahihiyan.
Tumango ako. "It's probably my first time doing such a thing..." Inirapan ko siya at isinuot ang damit kong walang hirap niyang tinaggal kanina. Kung kanina ay alak ang laman ng utak ko, ngayon ay katinuan na at 'yung kababalaghang nangyari dito.
Gaya nang inutos ko kanina, sa Condo niya ako tumuloy. Hindi na naman ako bago dito kaya may damit na rin ako dito.
"I want to be with you for Christmas, even if it's just Christmas so that we can spend a little time together, Tam. I planned this the other day, all I need is your approval, Tam." Gulantang akong napatingin sa kaniya habang naglalagay ako ng lotion sa hita ko. Napaiwas din naman agad ako ng tingin dahil wala siyang suot pang-itaas.
"S-Sure. Mapapaalam na din muna ako kay Dad para alam niya." Sang-ayon kong medyo nautal pa. Napahinto ako sa paglalagay ng lotion nang umupo siya sa tabi ko, sa kama niya. Binalingan ko siya, mabuti na lang dahil may suot na siyang damit kaya hindi na ako gaanong naiilang. Niyakap niya agad ako nang akmang tatayo na. "Hey..." Tampal ko sa braso niyang mahigpit ang hawak sa baywang ko.
Bigla siyang natawa sa ginawa ko. "Kahit ano'ng gawin mo hindi ko tatangglin 'to." Bulong niya.
"At bakit?" Pagtataray ko. Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin. Habang nakayakap siya ay pinaglalaruan niya ang mga daliri ko.
"Kailangan ba may dahilan? Hindi ba pwedeng dahil gusto kong akin ka lang?" Hinuli niya ang paningin ko gamit ang daliri niya, "Mahal na mahal kita lagi mong tandaan 'yan," malambing na saad niya pero ramdam kong seryoso 'yon.
Natulala ako sa mukha niya. Ilang beses ko na itong naririnig sa kaniya pero iba ang dating ngayon sa 'kin.
"Mahal din kita," tanging nasabi ko.
Bago natulog, tinawagan ko muna si Dad na hindi ako uuwi ngayon, pumayag naman siya basta raw ay umuwi agad ako bukas. Kinabukasan umuwi na agad ako, hindi na nga ako nakapagpaalam kay Tam dahil ang sarap ng tulog niya, nilutuan ko na lang siya ng pagkain bago umalis.
"Dad, good morning!" Salubong ko sa kaniya pagkapasok ko ng Condo. Nakangiti niya akong sinalubong.
"Did you eat?" Tanong niya agad.
Ngumisi ako at umiling. "Hindi talaga ako kumain para mabusog ako sa luto mo!" Tumawa ako.
Pumasok kami sa kusina at pinaghanda niya ako ng pagkain. Sinabayan niya na rin ako dahil hinintay niya raw talaga ako para may kasabay. Nagpaalam din ako na magbabakasyon kami ni Cai sa Christmas, sobrang saya ko nga dahil pumayag siya.
Dumating ang Christmas masaya kami ni Cai. Hindi ko inaasahan magiging masaya ako nang kasama siya. Unang beses lang naming nagsama ng Christmas. Umuwi rin agad kami dahil gusto kong makasama si Dad na mag new year. Gusto kong lubusin ang oras naman ngayon dahil uuwi na ulit siya this year.
"In 10...9...8..." Natatawa akong nakatingin kay Dad dahil hindi pa siya ready, as in. "Dad, come on! It's okay kahit amoy pawis ka pa! Tatay naman kita nahiya ka pa!" Tumawa ako.
Pero hindi siya nagpapigil, nagpatuloy pa rin siya sa pag-aayos ng kaniyang polo shirt. Tuwang-tuwa siya nang matapos at lumapit sa 'kin.
"3...2...1... Happy new year, Dad!" Sigaw ko.
"Happy new year, my shine." Ngumiti siya at niyakap ako, sabay naming pinanood ang mga iba't-iba at magagandang fireworks na tanaw sa terrace ng Condo ko. Kahit dalawa lang kami masaya na, feeling ko kumpleto na.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...