24

117 18 9
                                    

A/N: Hello, my dishes! This is the last chapter in this story and I hope you like it. I am very grateful because I finished this story and I also learned something while I was writing Shiene and Drix's story. I hope you also learned something somehow.

***

DAHAN-DAHAN AKONG NAGMULAT nang may marinig na mga nag-uusap. Hindi ko naman gaanong naiintindihan dahil mukhang malayo sila sa 'kin. Hindi ko alam ang huling nangyari pero basta ang natatandaan ko ay may sinabi sa 'kin si Nicole. Umayos ako ng upo nang maalala ang anak. Nagbaba ako ng tingin sa tiyan ko. Nakita ako ni Cath na umupo kaya mabilis siyang lumapit sa 'kin kasama si Glaiza.

"Gising na siya! Tigilan niyo muna 'yan." Utos ni Cath sa mga kasama. Nagulat pa ako ng makita silang lahat dito sa loob ng hospital. Si Zach, Niel, Erick, Glaiza, Cath, Nicole at Drix. "Ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ako nakatingin sa kaniya dahil na kay Drix ang atensyon ko. His eyes looking at me were angry mixed with concern as if I had done something wrong.

"A-Ang... a-anak ko? Ayos lang ba? Hindi ba ako n-nakunan?" My lips trembled when I spoke. Nang ngumiti si Cath ay nabuhayan ako.

Thank God. Ilang beses akong nagpasalamat sa Diyos dahil sa magandang balita. At least, hindi pinabayaan ng Panginoon ang anak ko.

"Don't worry, friend. Ayos na ayos lang ang anak mo. Hindi ka naman tuluyan na bumagsak sa sahig dahil nasalo ka agad ni Drix." Ngumiti ulit siya.

"Mabuti na lang raw ay bumaling siya sa 'yo dahil tumahimik ka raw..." Singit ni Nicole na parang guilty. "Sorry... dapat pala hindi ko na sinabi sa 'yo. Hindi ko naman kasi knows na preggy ka pala..." Yumuko siya nang makalapit.

Kahit sino ang magsalita sa kanila ay hindi ko magawang alisin ang paningin kay Drix. The earlier anger was replaced by a cold look like an ice. Bakit? Anong problema ng isang 'to? Baka naman dahil hindi ko sinabi sa kaniya agad ang totoo? Bigla akong kinabahan sa naisip. Para akong tanga na nangangapa na agad ng maisasagot kung sakaling tanungin niya ako.

Napabuntong-hininga ako nang mag-iwas ng tingin sa lalaki. Ang dalawang kamay ay pinagsalikop ko. Ngumiti ako sa mga kaibigan na halatang nag-aalala sa 'kin. Dinapuan ako ng guilt. Ayaw kong nag-aalala sila sa 'kin pero ito na naman ako, pinag-aalala silang lahat.

"Thank you. Nag-abala pa kayo," mahinang sambit ko.

"Nah! Ayos lang kaya. Syempre, kaibigan ka namin kaya mag-aalala talaga kami sa 'yo." Ngumiti si Glaiza sabay haplos sa kamay ko. "Mag-relax ka lang. Ang sabi kasi ng Doctor mo, dahil lang sa stress kaya ka nawalan ng malay. Don't think about anything so that it doesn't happen again." Ngumiti siya at umiling-iling pa. Nasisiguro kong inaasar ako nito kahit sa tingin lang niya.

Napatingin ako kay Zach at Niel nang lumapit sila sa 'kin. Nakangisi agad sa 'kin si Zach, samantalang si Niel ay halatang nag-aalala.

"Congrats, pre. Ninong ako, huh?" Nakangiting salubong ni Niel sabay kindat. Natawa ako sa kaniya.

Kinausap muna nila akong lahat bago umalis dahil may kaniya-kaniyang gagawin. Nang maiwan kaming dalawa ni Drix ay halos hindi na naman ako mapakali. What should I do? I really don't know what to do!

"Are you okay?" Napabaling ako sa kaniya nang lumapit siya sa 'kin. Umupo siya sa gilid ng kama kung saan ay may upuan. "Masakit ba ang tiyan mo? The Doctor said that nothing bad happened to you even as a child... do you feel something strange? Tell me para matawag ko ang Doctor mo." Seriously, but it's obvious that he's really worried about my condition and the... child of course. I smiled to let him know I was fine.

Napabuntong-hininga ako. Pakiramdam ko ay kailangan ko na talagang magpaliwanag sa kaniya ng maayos kung bakit hindi ko sinabi sa kaniya agad ang totoo. Kahit hindi niya ako tanungin tungkol doon, alam kong gusto niyang malaman pero halatang pinipigilan niya ang sariling magtanong dahil bawal raw ako ma-stress sabi ng Doctor.

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now