16

93 17 0
                                    

LUMIPAS ang isang linggo naging maayos ang lahat. Pero hindi pa rin maiwasan ni Nicole na hindi tarayan si Cai dahil sa nangyari. Hindi ko na rin naman binanggit kay Cai 'yon, gaya nang dati, tumahimik ako.

I can't understand myself why I'm doing this, I'm a vocal person but when it comes to Cai I seem to be afraid to be vocal in how I feel because maybe with just one answer to my questions my world collapsed. I'm afraid.

"GRADUATE NA TAYO!!! Saan kaya pwedeng mag-celebrate 'no?" Tuwang-tuwa si Nicole, pumalakpak pa siya sa tuwa.

Nakatambay kami ngayon sa isang garden kung saan ginanap ang Graduation namin. Hindi pa kami nagbibihis dahil gusto pa namin ma-feel na talagang graduate na kami at nakasuot ng itim na toga. I am so grateful because my hardship as a College Student is over even though I have gone through a lot.

"BGC naman tayo para malapit sa amin!" Napaangat ang tingin namin kay Glaiza. Napataas ang kilay ko.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Umalis ka na agad sa graduation niyo?" Natatawang tanong ni Cath 'tsaka tumayo.

"Duh, of course! Ako pa ba? Matapos ibigay sa 'kin lahat ng award ko, umalis na 'ko sabi ko may emergency," tumawa siya sa sariling kalokohan.

"Hija," we all looked behind us when someone called me, when I saw Dad I immediately smiled.


Tumayo ako at lumapit sa kaniya na may malaking ngiti. Niyakap ko si Dad, hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang kasama kong umakyat sa stage kanina. Since we haven't been together for a long time, I feel like everything that is happening to us is just a dream.


"Congratulations, my Shine." He greeted me for the tenth time.

Ngumisi ako dahil hindi maitago ang sayang nararamdaman.

"Shiene, picture-an ko kayong dalawa ni Tito para remembrance!" Natutuwang sigaw ni Nicole, sumang-ayon din 'yung dalawa sa kaniya.

Ngumisi at tumango naman ako. Lahat ng award ko ay isinabit ko kay Dad. Kaya halos maiyak siya sa saya.

"I'm so proud of you," mangiyak-ngiyak na bulong niya sa 'kin.

"Mas proud ako sa inyo ni Mom, Dad. Because if you and Mom weren't here, I wouldn't be here where I am today."

Sabay kaming napatingin kina Nicole nang tawagin nila kami para makuhaan ng litrato. Ngumiti ako sa unang picture habang yakap si Dad, sa pangalawang picture, hinalikan ko si Dad sa kaliwang pisngi.

Bago kami mag-inom sa BGC, kumain muna kami sa Condo dahil ipinagluto kami ni Dad nang napakaraming pagkain. Nag-aasaran pa nga kami dahil baka raw magsitabaan sila sa luto ni Dad. Natahimik lang kami sa pagtatawanan nang biglang dumating si Cai na kasama si Erick.

Tumayo ako para salubungin ang dalawa, gano'n din sila. Binati pa nila si Dad bago umupo. Umupo sa tabi ko si Cai, si Erick naman ay sa gitna nila Nicole at Cath. Samantalang si Glaiza ay walang katabi, napangiwi siya.

"Bakit naman umalis ka na agad kanina, Erick? Parang may tinatakbuhan ka naman," tumawa si Cath.

"Kailangan, eh, inaasikaso na kasi ang pag-alis ko sa susunod na linggo," malungkot siyang ngumiti.

"Ay... talaga? Parang ang bilis naman!" Ngumuso siya. Napansin kong kinalabit niya si Nicole na busy na nakatingin sa cellphone.

"Oo nga... nakakalungkot," saad nito pero hindi inaalis ang paningin sa cellphone.

Matapos kumain sa Condo ay nagkayayaan kaming pumunta sa BGC dahil doon ang gusto ni Glaiza, 'yun naman pala, kaya gusto ni gaga doon dahil narinig daw niya kanina sa usapan ng tropa ng crush niya na doon sila magse-celebrate. Grabe talaga ang isang 'yon, gagawin lahat mapansin lang.

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now