"I'M SORRY. Dito ko siya dinala sa 'yo dahil alam 'kong kilala mo naman siya."
Napatingin ako kay Thalia na lasing na nakahiga sa kama. Saan naman kaya nag-inom 'to? Akala ko naman kanina okay lang siya, lasing pala. Hindi ko nahalata dahil ngumiti pa siya sa 'kin, syempre iba talaga iisipin ko dahil nakakapit siya sa braso ni Drix.
"Sorry na, okay? Hmm? 'Wag ka nang magalit." Ngumuso siya.
Halos matawa ako sa ginawa niya, hindi ko alam na parang bata pala siya minsan.
"Hindi talaga kayo magkasama?" Tanong ko.
"Nope. Nakita ko lang talaga siya sa tapat ng isang Vendor na nangungulit. 'Yun lang,"
"Hoy, kayo d'yan. 'Di pa ba kayo lalabas? Kakain na." Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bumukas ito at magsalita si Nicole.
"Don't worry, palabas na rin kami." Ngumiti ako.
"Naku! Kayo talagang dalawa, ah! Bakit kasi hindi nalang maging kayo? Tutal naman ay halos dalawang buwan ka na niyang nililigawan." Saad niya matapos umirap. "Oh, siya sige, lumabas na kayo," dagdag niya, napapailing pa.
"Opo, Mommy Nicole." Sabay kaming natawa ni Drix.
"Si Erick naman, dali!" Saad ni Cath.
Pagkalabas namin ay naabutan namin na nag-uusap sila habang kumakain.
"Bakit ako na naman?!" Badtrip na tanong ni Erick.
"Oh, tara kain na." Alok samin ni Nicole.
"Anong pinag-uusapan n'yo?" Tanong ko agad pagkaupo.
"Well, gusto lang namin malaman kung may nagugustuhan na ba ulit 'tong si Erick, si Nicole kasi meron na ulit 'e." Natawa si Cath.
Ngumisi ako. "At sino naman 'yon, Nic?" Mapang-asar na tanong ko.
"E, 'di sino pa ba? Syempre kilala mo na, ha-ha. Nahulog na talaga ang kaibigan natin." Sagot ni Cath. "Sabi niya hindi raw siya mahuhulog, pero anong nangyari? Sinalo ka ba?" Pang-aasar ni Cath.
"Siraulo ka talaga 'no? E, ikaw nga hindi maka-move on kay Jay. Tuwing lasing ka hinahanap mo-"
"Kumain ka nalang. Matabil 'yang bunganga mo." Natahimik si Nicole nang salpakan siya ni Cath ng isang buong manok sa bunganga.
Dahil sa ginawa ni Cath ay sinamaan siya ng tingin ni Nicole.
Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta si Erick na maghugas ng plato.
"Hoy, tara! Manood tayo ng Movie pagkatapos ni Erick mag-hugas." Masayang suggest ni Cath habang nakaupo sa sahig, nakataas pa ang paa sa sofa.
"At ano naman? Porn? Bold?" Sarcastic na tanong ni Nic.
"Gaga ka ba? Movie nga 'e 'di ba? May movie ba na Porn? Kung meron 'e 'di sana nanood na ako buong magdamag, siraulo 'to." Masama ang tingin niya. "Hay, ewan. Maka-cr nga muna."
Kinabukasan, pagkagising ko may naamoy agad akong mabangong pagkain. Naabutan ko si Thalia sa kusina na nagluluto, mabilis ko siyang nilapitan.
"Bakit ka nagluto? Sana nagpahinga ka nalang." Awat ko sa kaniya, pero huli na dahil last na pala 'yung niluluto niya. "Naku... Sana hindi ka na nag-abala pa, kaya ko naman magluto." Dagdag ko.
"No. It's okay, nakakahiya nga kung aantayin pa kita para lang magluto ng pagkain para sa mga kaibigan ko." Ngumiti siya at nagpatuloy na ulit sa pag-hahanda.
"What?! What did you say...?" Napakunot ang noo ko sa gulat. "Tama ba ang narinig ko?"
"Yes. Dito kami kakain ng mga kaibigan ko-"
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...