"GRABE! NAKAKAPAGOD TALAGA ANG BUMIYAHE!"
Bulong ko pagkababa ng eroplano. Isang taon lang akong nawala dito sa Pilipinas ang dami nang nagbago! Nakakaloka, feeling ko tuloy di ako lumaki dito. Kung dati marami ng mga Building ngayon mas dumami pa!
Naghanap ako ng isang condominium at binili agad 'yon, dahil naibenta ko na 'yong dati 'kong tinitirahan, 'kala ko kasi mag-i-stay ako ng matagal doon, eh, pero uuwi rin pala agad ako dito.
Bago matulog ay inayos ko muna 'yong mga gamit ko. Kinagabihan naman ay mas pinili kong bumili na lang ng pagkain kaysa magluto pa. Hassle pa 'yon lalo na't magulo pa ang buong paligid. Siguro bukas na lang ako mag-aayos ng maigi.
Kinabukasan ay naisipan kong bumili ng sariling sasakyan para hindi na ako mahirapan pang mag-commute araw-araw pag-aalis. Namili na rin ako ng pang-kain ko para sa araw-araw. Marunong naman akong magluto kaya okay lang.
I learned how to cook, so I knew. Duh! Because I know I can use that too someday at ngayon 'yong araw na 'yon. In the past, I had an assistant but now I don't have one. That's better too and at least I can practice on my own.
Habang naglalakad ako palabas ng Robinson's may naaninag akong isang pamilyar na lalaki. Mukhang may problema siya sa makina ng sasakyan niya.
Agad ko itong nilapitan para makita nang malapitan. Ayaw ko siyang tawagin dahil baka nagkakamali lang ako at mapahiya pa.
"Hey... Lawrence" Mahinang tawag ko nang makilala siya. Sigurado akong siya nga ito. Ang laki ng pinagbago niya, ah? Mas naging mature siyang tingnan! Isang taon lang akong nawala nag-bago na si kumag.
"I have a girlfriend—" Napahinto siya nang tumingin siya sa 'kin. "Shiene? Ikaw ba 'yan? Bakit bumalik ka kaagad?!" Sunod-sunod na tanong niya.
Pinsan ko ba talaga 'to? Parang hindi, eh. Hindi nga nakilala ang boses ko.
Nagpagpag pa siya ng kamay bago tuluyan na lumapit sa 'kin para kausapin ako.
"I just got home last night. Ang harsh, ha?! You thought everyone who came near you ay interested na sa 'yo, huh?Yuck! 'Di kita type 'no!" Pang-aasar ko sa kaniya.
Lumapit ako sa sasakyan niya at nilagay sa loob ang mga pinamili ko. Wala pa akong sasakyan, eh, siguro bukas bibili na 'ko.
"Nag-iingat lang." Depensa niya. "By the way, wala ka bang sasakyan? Dapat inuna mo muna 'yon para hindi ka mahirapan." Saad niya habang nakatingin sa mga pinamili ko.
"Wala pa, eh. Can you come with me? I decide to buy a car tomorrow," ngumuso pa 'ko para pumayag siya. "Libre kita ng Chinese Food!" Offer ko pa para mas pumayag siya.
Papayag 'yan, mahilig din sa libre 'to, eh.
"Oo na, oo na! Basta siguraduhin mong ililibre mo 'ko, ah?" See? Papayag agad 'yan basta may libre. Adik sa libre si kumag.
"'Yan! Mabuti pumayag ka din! Akala ko pahihirapan mo pa ako, eh!"
Ngumisi siya. "Why don't we eat first before I take you to your condo. By the way, mayroon ka na ba'ng Condo ulit dito? Balita ko kasi mo 'yong dati mo, eh." Tanong niya habang nililigpit 'yong mga ginamit niya. Unti-unting binabalik sa likod.
"Yes, meron na 'kong Condo, mas malaki siya kaysa noon." Sagot ko. "Ililibre mo ba 'ko?" Nakangising tanong ko.
"Ay, hindi. Libre mo, malamang oo! Kaya nga kita inaya, 'di ba? Ang slow mo rin minsan 'no?"
Tinawanan ko lang siya bago niya ako hinatak. Hawak pa niya ako sa palapulsuhan na parang mawawala naman ako. Matanda na 'ko, oh!
Kumain kami sa isang Chinese Food dahil mas nagustuhan niyang doon kami kumain. It's okay with me because I also often eat Chinese food in the US. I'm used to it.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...