Chapter 34

56.3K 980 169
                                    

Chapter 34

 

Nagpababa nalang ako sa hindi kalayuan. Ayokong ihatid pa niya ako sa mismong tapat ng bahay namin dahil hindi ko naman alam kung nandoon ba si Andie para hintayin ako.

“salamat dahil hinayaan mo akong sainyo muna ng ilang araw.” Pagpapasalamat ko.

“walang anuman, nag-enjoy naman ako” bumaba ako mula sa motor niya at saka tinanggal ang helmet kong kulay pula. “salamat sa paghatid”

“sigurado ka bang dito nalang? Bakit hindi nalang sa tapat ng bahay niyo?”

“gusto ko lang” naglakad na ako papaalis pero bigla pa niya akong tinawag

“Heto” abot niya saakin nang mahabol niya ako. Isa itong paperbag na para sa mga babae.

“para saan naman ‘to?” inusisa ko ang loob. May laman itong kahon ng sapatos. “suhol ba ito dahil hindi ka mapakaling iniwan mo ako kagabi?” I asked him smirking.

“hindi, matagal ko na yang binili. Kung hindi man kasya sayo, ibalik mo nalang saakin para mapalitan. Late birthday gift” BIRTHDAY.  

“I hate birthdays, Zydn. I really do.” Akmang ibabalik ko sakanya ang binigay niya pero pinigilan niya ako.

“Fine. Sige dahil guilty ako na iniwan kita kagabi.” Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

“that’s better” naglakad na ulit ako palayo sakanya, pauwi sa bahay. Hindi ko na siya hinintay pang umalis at hindi ko din alam kung umalis na ba siya.  Hindi na ako tumingin sa likuran ko.

“Emotional attachment is and will not be needed. Keep that in mind, Andrea. Please. “I whispered to myself.

“Andrea!” inangat ko ang ulo ko para makita ang tumawag saakin.

“Andie?” hindi na ako nagulat pa dahil inasahan ko naman na ang sitwasyon na ito. Niyakap niya ako ng mahigpit at hindi na pinagsalita pa.

“I’ve been looking for you! Hindi mo din sinasagot ang cellphone mo. I thought something happened to you. Then suddenly I can’t reach your phone! Goddamnit. Pumunta din ako sa bahay niyo pero walang tao. Saan ka ba nagpunta? Bigla ka nalang nawala.”

“Relax, I’m here” sabi ko pero lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya. Parang ayaw na niya akong pakawalan pa. ayaw na niya akong bitiwan pa.

“nawala ka nga ng ilang araw. Paano ako magrerelax?” he buried his face on my neck. I can feel him breathing. I can feel his sincerity, his feelings. I can feel everything but I cannot give him what he’s giving to me. Not that I cannot give exactly. It’s just that, I don’t want to. I just can’t. And will never. Maybe.

“Andie maybe you’re overreacting.” Tinulak ko siya ng bahagya para pakawalan na niya ako.

“I’m not” nag-iba bigla ang tono ng boses niya. Matigas at buo ito. Hindi ko mabasa kung galit na ba siya saakin dahil sa pinapakita kong ugali sakanya.

“nawala ka ng ilang araw ng walang pasabi tapos ngayon sasabihan mo akong nag-o-overreact? Who am I to you anyway? Andrea I’m your fucking boyfriend! Of course I’m worried!” ibinaba niya ang tingin niya hanggang sa makita niya ang hawak ko. “you went shopping?” inagaw niya saakin ang hawak kong paperbag. Hindi makapaniwala sa nakikita.

“No. someone gave it to me”

“And you happily accepted that fucking gift without even telling me where you off to? That’s what you call frustrating Andrea.”

“t-that’s from a friend” nabubulol kong sabi sakanya.

“who? Ivy?” hindi pa din nagbabago ang tono ng boses niya. Galit siya.

“I’m tired Andie” inagaw ko ulit ang paperbag na hawak na niya. Naglakad na ako papalayo dahil totoong pagod ako. Hindi ko kayang makipag-away ngayon. Hindi din ako sanay na magpaliwanag sa isang tao. Sanay akong ginagawa ang gusto ko. Sanay akong ako lang ang nakakaalam ng lahat.  

“really? ‘Cause I’m freaking tired too. I want to understand you but you won’t even let me. I want to be with you but you were never with me mentally. I’m fucking tired of this one-way relationship Andrea.” Halos pabulong na niyang sinabi saakin ang mga ito. Gusto kong maglakad papalayo pero hindi ko magawang maglakad pa. Ang tanging nagawa ko nalang ay umupo at umiyak ng tahimik.

“pumunta naman ako sayo nung una. Pero wala ka. Kapag kailangan kita wala ka kaya iba ang sumasalo saakin, Andie. Tingin mo gusto ko ito? Tingin mo ba ginusto ko ang lahat ng ito? Hell no! Wala naman akong ginustong nangyari sa buhay ko!”gusto ko pigilan ang pag-iyak ko pero hindi ko magawa.

Ramdam ko ang paglapit niya saakin. “hwag na hwag kang pupunta sa harapan ko.” banta ko sakanya. Ayaw kong makita niya akong umiiyak. Hwag ngayon na dahil sakanya pa. “I hate emotional attachment, Andie. I hate it and I freaking hate that I like you so much” hindi ko din alam kung bakit ko nasasabi ang mga ito. Gusto kong pigilan ang sarili ko sa patuloy na pagsasalita pero hindi ko mapigilan. Lahat ng gusto kong sabihin na hindi ko masabi, tingin ko masasabi ko na. “why you, Andie? I hate that you are you, Andie. I hate it.” Nakayuko ako habang umiiyak dahil hindi ko pa din ito mapigilan. Itinago ko ang mukha ko sa pamamagitan ng pagyakap sa mga tuhod ko. alam kong nasa harapan ko na siya pero hindi siya nagsasalita. Basta niyakap nalang niya ako. Matagal kaming ganun.

“wala akong maintindihan sa sinasabi mo Andrea. Pero I’m trying”

“I hate you for being Andie Lim. I hate you because I like you. I hate you Andie” naalala ko nanaman ang masayang family picture nila. “I hate you, Andie. I hate you” I said sobbing while hugging him back. I really do hate whatever I’m doing right now.

“ssshhh. I’m in love with you too, Andea.” Naramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko na lalong nakapagpaiyak saakin. “just cry, baby. I’m here for you”

Hindi, dahil alam ko iiwan mo din ako. Kung hindi man, ako ang mang-iiwan sayo. Dahil hindi pwede, dahil hindi mo matatanggap. Dahil maski ako, hindi ko tanggap.  


****

sa mga nagtatanong kung bakit ang tagal wala ni Andie, si Andrea ang nawala hindi si Andie. :)))) LOL si andrea ang pumipili ng gusto niyang gawin at hindi si Andie mehehehehe

vote and comment. hindi ko alam kung bakit sila nag-aaway. first time ni Andrea yung gantong situation *O* wawa andie. wawa andrea. oh wawa Zydn T^T

sorry if pangit ang UD XD

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon