Chapter 29

62.9K 1K 156
                                    

Chapter 29

 

 

Ilang araw na ang lumipas, naninibago ako. Habang tumatagal napapalibutan na ako ng madaming tao. Madami na din kumakausap saakin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sa tingin ko may kinalaman ang trip namin last week sa beach.

“Waaaah Coreen! Di ko na alam ang gagawin ko! nahihirapan na ako mag-aral. Ang dami dami” umupo siya sa tabi ko at saka isunubsob ang ulo sa lamesa.

“antok na antok pa ako. Ni hindi pa ako nakakapag-aral ng maayos”

“Good Morning Andrea” napatingin ako sa mga bumati saakin. Mga kaklase ko. weird.

“tell me, may ginawa ka ba?” I asked Ivy. Agad niya akong tinignan saka nginitian.

“wala, si Zydn meron. Pero ako, ayun nanuod lang noon. Alam mo ba, pag-alis mo noon grabe kasi yung iba! Ang daming satsat! E ayun, naasar yata si Zydn sinigawan niya yung mga chismosang babae tapos may mga nasabi siya. Na kesyo hindi ka naman nila kilala, wala silang karapatan pagsalitaan ka”

Tumigil siya at saka napa-isip ng ilang Segundo “alam mo ba, kung hindi ka siguro niya kaibigan, pag-iisipan ko talagang gusto ka niya, pero kasi pag may kaibigan si Zydn, ganyan talaga siya. Though, medyo parang mas naging protective siya ngayon. Pero ganyan kasi talaga siyang tao. Minsan hindi inaalala ang sarili. Hahaha! Bakit ko ba sinasabi sayo yung mga yun? Mag-aral na nga tayo”

Talaga lang ah.

Pagkatapos ng klase, agad akong sinundo ni Andie.

“sabi ng mama at step dad ko, gusto ka nilang makilala”

“paano kung ayoko? Andie, I’m not good at this.”

“hindi pa naman ngayon, hindi pa din naman ako handa” umiwas siya ng tingin nang titigan ko siya sa mga mata.

“sa ngayon, ayaw pa din kitang ipakilala.”

“then good. Hindi ko Gawain ang kilalanin kung sino ang mga magulang ng mga dati kong naka---“

“iba tayo Andea” singit niya bago ko pa man matapos ang sasabihin ko. tumayo siya at saka nagpunta sa cashier counter.

“iba nga pala kami”

May dala dala na siyang pagkain pagbalik niya.

“kain ka muna”

Nakangiting pinagmamasdan lamang niya ako habang kinakain ko ang binigay niya saakin.

“hindi ka ba nahihiyang ako ang girlfriend mo?”

“Why would I? proud ako na ako ang unang boyfriend mo”

“AHHH” ibunuka niya ang bibig niya at tinitigan ko lang siya na dahilan kung bakit siya tumawa.

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon