Chapter 30
“eat” tinitigan ko lang si Ivy. “please Coreen, kumain ka na” ibinaba ko ang kubyertos at saka ininom ang tubig ko.
“Coreen naman e” nasa bahay kami ngayon. Kaming dalawa lang.
“lumipas ang kaarawan mo ng hindi ka man lang namin nakita. Wala ka sainyo, wala ka sa boyfriend mo. Hindi ka din pumasok. Nalulungkot ako kasi hindi ko alam ang nangyayari sayo”
“ayokong kumain” inilayo ko ang plato ko at saka nagtungo sa sala.
“hindi ko alam kung anong nangyayari sayo Coreen”
“yung cellphone mo kanina pa din tumutunog. Tinatawagan ka ni Andie o” pinakita niya saakin ang cellphone ko pero hinayaan ko lang ito at saka binuksan ang TV.
“may problema ba? Nag-away ba kayo ni Andie?” muling tumunog ang cellphone ko at muli nanaman niya itong pinakialaman para tignan kung sino ang caller.
“oh! Si Zydn naman ngayon tumatawag.” Kinagat ko ang labi ko at saka pumikit.
“shut my phone off, I’ll sleep” iniwan ko siya sa sala at saka umakyat sa kwarto ko para matulog at mapag-isa.
“hindi ko alam kung bakit bigla ka ulit nagkaganyan, pero hindi ko din kasi alam kung nag-away ba kayo ng boyfriend mo. Lalong hindi ko naman alam kung bakit. Andrea, kaibigan mo ako. Pwede mo namang sabihin”
Kinuha ko ang nag-iisang teddy bear ko at saka niyakap ito.
Hindi kami nag-away ni Andie at lalong wala siyang ginawa para layuan ko siya. Wala silang ginawa. Sadyang ganito lamang ako. Ito na ang pangalawang taon na nagkakaganito ako.
Kailanman, hindi ko na magawang icelebrate pa ang birthday ko.
I was raped. Anong masaya sa araw kung kelan ako nagahasa?
Anong masaya doon?
“Andrea anak?” malumanay ang boses ni mama.
“tita, hindi ko po alam kung bakit po siya ganyan.”
“ako na ang bahala. Salamat sa pagbantay sakanya habang wala ako”
Hindi ko alam pero bigla nalang akong humikbi nang marinig ko ang boses ni mama.
“Andrea anak, papasok ako” nagtaklob ako ng kumot at saka pumikit. Humihiling na sana mawala ang sakit na nararamdaman ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, ang paglapit ni mama at ang pag-upo niya sa kama.
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...