Chapter 4
“ano nanamang ginagawa niyan dito?” umiwas ng tingin si Ivy saakin. Alam ko na, hindi nanaman niya napigilan ang ungas na ‘to.
“makikikain ng lunch. Pahingi nga niyan” ang buong akala ko bestfriend niya si Ivy pero sa kinikilos niya parang siya naman ang bully sa buhay ni Ivy.
Tahimik lang kaming kumakain habang si Ivy ay nag-aaral at ako naman ay nagtetext. Si Andie kasi nangungulit, magkita daw kami mamaya. Isa pa si Carl text din ng text saakin. Sabi ko na ngang wala siyang mapapala saakin. Heto ang mahirap kapag nilalayuan ko na sila. Ang kukulit nila. Well except for Andie, we’re cool.
“hindi ka ba natatakot sa karma?” tanong ni Zydn. Halata namang interesado din si Ivy sa isasagot ko. but then again, sino ba sila para sagutin ko? I have the right to remain silent anyway. So why answer?
“HUY!” but then again Zydn is makulit. Tumingin ako sakanya at tinignan siya ng masama.
“Bata ka pa para alamin ang lahat” pang-aasar ko sakanya saka ako ngumisi.
“Ang batang curious dapat sinasagot ng tama. Hindi ba ate?” sabi niya ng may nakakabwisit at mapang-asar na ngiti. Inirapan ko nalang siya at saka ko inubos ang pagkain ko. Sayang, nagtitipid pa naman ako ngayon.
Hindi nalang ako nagsasalita para tumigil na siya. Dati ang peaceful ng lunch break ko. lahat ng free time ko noon ay peaceful not until dumating ang batang surot na ‘to. Kung kuto lang talaga ‘tong lalaking ‘to baka matagal ko na siyang pinisa. Kunsabagay isa siyang kuto, laging kinakain ang pagkain ni Ivy. Bully talaga siya at hindi isang tunay na kaibigan ng kawawa kong kaklase.
“Ate Andrea naiintindihan mo ba yung tinuro kahapon? Hindi ko kasi magets e” nahihiyang tanong saakin ni Ivy. “heto o” pinakita niya saakin yung notebook niya. Malinis siya magsulat, in fact complete notes siya parati. Kaya nga kahit di ako magjot down ng notes okay lang kasi nandyan naman si Ivy.
“hindi” sagot ko nalang. Tinatamad ako. gusto ko nalang umuwi para makipagkita na din kay Andie.
“Ako alam ko” singit ni Zydn. Mukha na siyang singit laging sumisingit.

BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...