Chapter 39

57.1K 1K 176
                                    

Chapter 39

 

 

“kaya kong umuwi mag-isa Andie” Hinila ko ang kamay ko para matanggal ang pagkakahawak niya saakin. Namumula na at mahapdi ang bahaging hinawakan niya.

“Friday ngayon kaya ako ang magpapasya kung saan ako uuwi at kung anong oras ko gusto umuwi” tuloy ko pa. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Natatakot ako sakanya. Baka pag tumagal pang ganito, baka mapaiyak na ako sa harapan nila.

Matagal kaming nanahimik. Wala ni isa ang nagtatangkang magsalita saamin.  Ni hindi din ako makatingin sakanya ngayon. Gusto ko siyang tignan pero hindi ko kaya.

“Sasamahan ako ni Zydn kay lola. Pasabi nalang kay papa” mahina ang pagkakasabi ko sakanya. Tinago ko ang mga kamay ko sa likuran ko dahil nararamdaman ko ang pangininig ko. Hindi sa galit kundi dahil sa takot.

Ramdam na ramdam ko ang masamang tingin niya saamin ngayon.

“Bahala ka.”

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nung makaalis na siya. Hanggang ngayon hindi pa din nagsasalita ang kasama ko.

“Tara” nginitian ko siya kahit na alam kong pansin niya na pilit lamang ito.

Katulad ng sinabi ko, nagpasama ako kay Zydn papunta sa bahay ni lola. Sinamahan na din niya ako dito noong araw kung kailan ako pinakilala ni papa bilang anak niya. Nakilala din ng lola ko si Zydn.

Walang nagsasalita saamin ni Zydn sa byahe. Mabuti na din at hindi siya nagtatanong tungkol sa nangyari kanina dahil hindi ko siya kayang sagutin.

Gabi na nang makarating kami sa bahay ni lola. Malaki ito kumpara sa bahay namin ni mama. Nasa labas lang si lola pati na din ang anak kong si Shin.

“Andrea” bati ni lola saakin na may ngiti pa sa mukha. Nakakapanibago pero malamang dahil lang din yun sa presensya ni Zydn.

“baby” kinuha ko si Shin sa pagkakakarga ni lola. Kahit pa hindi ko ginusto ang nangyari saakin, mahalaga saakin ang anak ko.

“namiss ka ni mommy” hinalikan ko siya sa pisngi

“ma ma” napangiti nalang ako sa sinabi niya. bihira ko siya marinig magsalita sapagkat di naman ako nakakauwi dito masyado. Bumibisita pero sandali lang din. Noong una hindi pa niya ako kilala, pero buti nalang ngayon kilala na niya ako.

Nagpumiglas siya at nagpumilit na ibaba ko siya kaya naman ibinaba ko siya. Tumakbo siya papunta kay Zydn.

“da-da!” sabi niya sabay taas ng kamay para magpabuhat sakanya.

“namiss mo ba ang daddy hah?” binuhat niya ang anak ko at saka hinalikan sa pisngi. Sa unang tingin akala mo mag-ama nga sila. Pero kung titignan mong mabuti hindi talaga.

“Zydn” suway ko sakanya.

“nagsusungit nanaman ang mommy mo o. ayaw mo ba akong maging daddy? Haha” biro niya kaya inagaw ko sakanya si Shin.

“tsk! Masasanay ang bata. Baka isipin niya ikaw talaga ang tatay niya”  reklamo ko sakanya. Hindi na din namin napansin na pumasok na pala kanina si Lola kaya naman pumasok nalang din ako. Halata naman kay lola na gustong-gusto niya si Zydn kaya naman ganun nalang siya kung makangiti. Kahit kailan talaga hindi ko siya kayang intindihin.

“kumain muna kayo.” yaya niya saamin. Nakakapanibago talaga kapag kasama ko si Zydn pumupunta dito. May special treatment akong natatanggap.

Pinakain ko na din si Shin at saka siya pinatulog. Pagod na din naman siya kaya hindi siya naglilikot masyado. Ang totoo niyan gusto ko na siya kunin kay lola pero hindi pa pwede. Walang magbabantay sakanya at baka mapabayaan lang siya.

Nasa sala lang sila lola at Zydn. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Ang alam ko lang wala naman pakialam ang lola ko saakin. Mas may pakialam pa siya sa taong hindi naman niya nakitang lumaki.

“kapag lumaki ka, alam kong tatanungin mo ako kung sino ang papa mo. Pero Shin, hindi ko na siya nakita pa mula nung mangyari iyon. Hinanap ko siya para pagbayarin pero nauwi lang sa wala ang lahat. Ngayon, mahina na ang kaso. Hindi ka din isang malakas na pruweba para patunayan ang kasalanan niya.” hinalikan ko muli ang anak ko at saka lumabas na.

Kahit na bunga pa siya ng isang kasalanan, hindi pa din pupwedeng idawit ko pa siya. Anak ko siya at saakin siya nanggaling. Kaya gustuhin ko man o hindi, mamahalin ko pa din siya. Dahil ayaw ko siyang matulad saakin na salat sa pagmamahal ng magulang.

“alam kong mali ang interpretasyon niya sa mga nagawa ko noon. Pero Zydn hijo, apo ko pa din si Andrea at mahal na mahal ko sila ng mama niya. Ingatan mo ang apo ko” mula dito sa itaas, naririnig at nakikita ko sila. “alam kong hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman mo sakanya.” Nakangiti lang si lola samantalang halata kay Zydn ang kaba.

“haha. Teka po. Parang ano naman” napakamot siya sa ulo niya at saka nagseryoso “Tama, mahal ko po ang apo niyo” huminto siya at saka pilit na tumawa. “pero ano ha! Di ko naman sinasabi na liligawan ko siya. Kaya ano. Kaibigan ko kasi siya saka---“ tumawa si lola dahil sa mga sinabi ni Zydn. Ngayon ko nalang ulit nakita ang lola ko na tumawa.

“alam alam ko. O siya sige. Baka naririnig na tayo ng apo ko” tumingin siya dito sa itaas kaya naman agad akong nagtago. Alam kong sasabihin nanaman niya na masama ang makinig ng usapan.

Bumalik muli ako sa kwarto ng anak ko para tignan siya bago umalis. Mahimbing na ang tulog niya at maayos naman siya.

“maghahanap ka kaya ng daddy?” tanong ko sa natutulog kong anak.

Mahal ako ni Zydn.

Kung wala lang sana siyang nalalaman baka nahulog na ako sakanya dati pa at hindi kay Andie.

*******

pagpasensyahan niyo na ang aking UD T^T

sana naman isupport niyo pa din

vote and comment. Zyreen all the way na nga ba ito? pero nakakatakot na daw si Andie :O

comment comment naman LOL

saka ano, LOL!!! sa mga basher/hater out there OKAY PAYN salamat binabasa niyo pa din hanggang dulo MGA story ko hahahahaha! XD

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon