Chapter 6

99.5K 1.8K 222
                                    

A/N: GIF file sa gilid ay si ANDIE at si ANDREA hihi.


Chapter 6

 

 

“hindi ako magpapakatanga” sagot ko sa sinabi niya. Sa paniniwala ko, hindi kailangan maging tanga para malaman kung mahal mo nga ang isang tao. Hindi din kailangan masaktan para lang masabing mahal mo nga siya.

“ibig sabihin lang kapag ikaw ay nasaktan, ikaw ang nagbigay ng lubos. Hindi iyon tama. Mali iyon. Dapat patas” Tumayo ako para mag-inat. Namamanhid na ang mga paa kong nakaupo lang.

“ganun ba? Ang hirap mo din pala paniwalain sa isang bagay. Kung sabagay hindi mo pa kasi naranasan, pero kapag  ikaw mismo ang nakaramdam sinasabi ko na maniniwala ka din saakin” halatang sigurado siya sa mga sinasabi niya. sa tono ng boses niya nakatitiyak siyang mapapaniwala din niya ako. In time, maybe.

Hindi kami nagkikibuan ni Zydn nung hinatid niya ako sa bahay. Hindi din siya nangungulit.

“Next time ulit Andrea”

“okay” pumasok na ako sa bahay at hindi na ulit nilingon pa siya. Weird siya, maingay siya pero biglang nagiging seryoso. Totoo kayang nabasted siya? Parang imposible. Why do I care anyway?

“Sino nanaman yung kasama mo?” entrada ni mama pagkapasok ko palamang sa bahay.

“Kaklase ko”

“na sinusulot mo nanaman?” medyo tumaas ng kaunti ang boses ni mama.

“Yuck! Kung susulot lang din ako ng lalaki sisiguraduhin kong yung may girlfriend naman Ma!” padabog akong umakyat sa kwarto ko. Si mama ay isang kabit. Si mama na nagpapakatanga sa tatay ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya nung nagpakatanga siya sa sinsabi niyang mahal niya. Ito ang isa sa mga rason kung bakit hindi ako naniniwala sa mga salitang I love you na galing sa mga lalaki. Hindi porket sinabi niyang mahal ka niya may pinanghahawakan ka na para matali mo siya saiyo.

Sa sitwasyon palang ng mama ko wala na. kahit na nabuntis siya ng papa ko, nabalewala pa din siya. 13 ako noong una kong nakilala ang aking ama. Mayaman siya kaya imposible talagang magustuhan niya ang mama ko. isa pa, ang mama ko ay isang pampalipas oras lang niya kapag nag-aaway sila ng asawa niya. Second option parati ang pamilyang ito. Masakit man isipin pero yung ang totoo.

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon