Chapter 49

49.2K 964 206
                                    

Chapter 49

 

“ZYDN DALIAN MO!”

Ilang taon na nga ba ang nakalipas mula nang magpasyang umalis si Andie? Ilang taon na nga din ba kaming laging magkasama ni Zydn?

Hindi ako galit kay Zydn sa kung anong ginawa ng pinsan niya saakin at sa kung anong ginawa ng kaibigan niya saakin. Walang kasalanan si Zydn. Wala siyang kinalaman sa plinano ng pinsan niya.

“Aish! Ang bilis mo naman!” Reklamo niya.

“Si Shin! Baka umiyak yun!”

Masayang kasama si Zydn. Ganun din naman si Ivy. Napapatawa nila ako at talaga namang natutuwa ako sakanila.

“Yang anak mong yan! Magpapabuhat nanaman saakin kapag nakita ako.”

“Ha! Nagrereklamo ka ba?”

Hindi ko alam kung kailan pa ako naging kumportable sakanila. Nakakasigaw ako, nakakapagbiro ako at naaway ko din sila minsan.

“Sabi ko naman kasi sayo gustong-gusto niya akong maging daddy. Ikaw lang kasi e!”

“Zydn bilis sabi!”

“Aish! Kung kailan tumatanda doon naging maingay.” Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Komplikado ang buhay ko at hanggang ngayon hindi pa din nareresolba ang mga nangyari noon. Hindi ko sila magawang patawarin. Hindi ko pa kaya.

“Daddy!”

Dalawang taon nanaman ang nakalipas. Si Celine ay pinsan ni Zydn. Si Celine na iniwan ako nung panahong kailangan ko siya. Hindi ko siya kayang patawarin. Hindi ko yun magawa-gawa.

“Kumusta ang baby? Namiss mo ba ang daddy?” Sinampa niya sa likuran ang anak ko at saka nag-umpisa na siyang maglakad. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay may kinikilalang ama ang anak ko. Ayaw ko siyang magaya saakin na lumaking hindi kasama ang papa ko.

Ayaw kong mangyari sakanya na magalit din siya sa mga magulang niya. Nagalitl ako sa mga magulang ko. May lamat, oo. Hindi naman iyon mawawala.

Ang mga sikreto ay nananitiling sikreto lang. Hindi nalaman ng pamilya na may naging relasyon kami ni Andie.

“Aish! Andrea bilisan mo nga! Nagugutom na kami ni Shin! Magluluto ka pa!”

“Hindi kita asawa para pagsilbihan.” I said while crossing my arms.

“Baby sino ako?” Tanong niya sa bata habang naglalakad sila.

“DADDY! DADA ZY!”

“Narinig mo yun babaeng reklamador? Daddy ako ni Shin.”

“Ikaw talaga!” Bago ko pa man siya mabatukan ay tumakbo na siya.

“Mag-ingat ka! Kasama mo si Shin!”

“Weeeee! SUPERMAN!” Minsan iniisip ko pa din kung bakit ba ako pumayag na isipin ni Shin na siya ang daddy niya. Alam kong mali pero natatakot akong lumaki siyang walang kilalaning ama.

“HOY NANAY NA REKLAMADOR! BILISAN MO MAY EXAM PA TAYO BUKAS!”

Kung pinigilan ko si Andie, siya ba ang kikilalaning ama ng anak ko? Graduate nab a siya? Kumusta na kaya siya? Hindi ko na siya nakausap simula ung umalis isya. Wala din balita sakanya sina tita at papa.

“Kapag nahatid na natin si Shin mag-date naman tayo. ANg tagal na nating hindi nagagawa yun e.”

“Zydn.”

“Fine. Friendly date.”

“Zydn naman.”

“May liligawan ako.”

“WHAT?”

“Ayaw mong makipagdate saakin pero ayaw mo din akong manligaw.” Tahimik lang kaming naglakad pabalik sa bahay nila Zydn. Pansamantala ay dito muna si Shin. Salitan kami sa pag-aalaga sakanya dahil mahina na si lola at hindi na niya kayang mag-alaga pa ng bata.

“Fine! Magdate tayo. Hwag ka lang tatahimik.” Hwag ka lang manligaw ng iba. What am I thinking? Like I care kung manligaw siya ng iba? This is so unreal!

“Ihatid mo si Shin mamayang 5’oclock sa bahay!” Agad akong naghanap ng taxi para makaalis na at makauwi. Kailangan ko pang puntahan sila tita ngayon dahil may party daw silang gaganapin mamaya.

Hindi pa din ako tanggap ng buong pamilya nila pero wala naman silang magagawa dahil gusto ako nila tita. Anak pa rin naman kasi ako ni daddy at yun ay isang katotohanan na hindi nila pwedeng ibalewala lamang. Parte ako ng pamilya sa ayaw at sa gustuhin man nila.

Tumulong lang ako sa paghahanda at pagkatapos ay agad din akong umalis. Kahit naman tanggap ako nila tita ay hindi pa din naman ako tanggap ng karamihan. Ang tingin pa din nila ay isa akong sampid sa pamilya.

“Zydn. Nahatid mo nab a si Shin kay mama?”

(Papunta palang. Nasaan ka na?)

“papunta sa park.”

(Hintayin mo nalang ako doon. Malapit na din naman ako sa bahay niyo.)

Minsan napapaisip ako kung bakit ako nagbago?

Nagbago nga ba akong maituturing? Ginagamit ko ba si Zydn para may maituring lang na ama ang anak ko? o sadyang ayaw kong makita siyang may kasamang iba?

Kalat sa University na may anak kami ni Zydn. Kalat din na boyfriend ko daw siya. Pero ni minsan hindi kami nag-abalang ayusin ang kumakalat na kwento dahil alam naman namin kung ano ang totoo.

“Ang lalim nanaman ng iniisip mo. Kailan ka ba magbabago?” Inangat ko ang ulo ko para makita ang taong kumakausap saakin. Napahinto ako sa paglalakad at saka matagal siyang tinitigan.

“Kumusta na?” Nakangiti lang siya at tila alam na alam niyang magiging ganito ang reaksyon ko ngayon sakanya.

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.

“Andie.” Umiling lang siya ng tawagin ko siya.

“Kuya. Kuya dapat ang itawag mo saakin.”

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon