sorry sa update TToTT
Chapter 25
“Coreen” malungkot na tawag saakin ni Ivy. Wala ngayon ang teacher kaya nandito siya ngayon sa tabi ko at halos mangiyak-ngiyak na. “Paano na si Zydn?” umiwas ako ng tingin at saka nag-abalang basahin ang mga text saakin ngayon ni Andie. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Ivy. Lalo na’t ako ang dahilan kaya simula bukas hindi makakapasok si Zydn.
“Coreen naman e!” inirapan ko siya at saka nagsalita
“hindi ko alam. Okay? Happy?” Hindi ko naman talaga alam kung bakit ginawa iyon ni Zydn. Wala naman akong nagawang mabuti para tulungan niya ako. Wala din naman talaga dapat siyang pakialam saakin. Ni minsan hindi ko siya pinahalagahan. Tapos heto siya umaarte bilang isang superhero ng isang taong nangangailangan.
Lumipas ang araw na hindi ko na ulit nakausap si Zydn. Parang may isang pumapagitna ngayong araw na ito tuwing kakausapin ko siya. Kaya naman natapos ang araw na pauwi na ako hindi ko pa din siya nakakausap.
“Andrea, okay ka lang ba?” tumingin ako sa kasama kong kanina pa nag-aalala.
“Si Zydn” I retorted “siya yung sumira nung mga camera pati na din ang mga memory card. Bakit niya ginawa yun?”
Huminga muna ng malalim si Andie bago niya ako sinagot.
“ang totoo niyan, ayaw ka niyang pasamahin saakin na umuwi” tumigil siya sa pagsasalita at saka din ipinark ang kotse niya. Nanatili akong tahimik at hinintay muna siyang magpatuloy.
Bumaba siya at saka naman niya binuksan ang pintuan sa side ko. Nasa apartment niya kami ngayon.
“paano mo siya napapayag na ikaw ang maghahatid saakin?” tanong ko nung makaupo ako sa sala niya.
“dahil ayaw namin parehong makita mo yung gulo na mangyayari. Orange Juice o Ice tea?”
“cake” sagot ko nung makita ko yung cake sa loob ng ref niya habang kumukuha siya ng tubig.
“ikaw talaga” kinuha nalang niya ito at saka ibinigay saakin.
“bakit ayaw niyong makita ko yung gulo? Ako ang involved bakit iba ang lumulutas? Ako ang gumawa ng eksena pero bakit dapat may nangingialam?”
“kasi ayaw ka naming masaktan.” Umupo siya sa tabi ko at saka binuksan ang TV pero inagaw ko yung remote at saka pinatay ulit ito.
“ayaw NIYO akong masaktan?” sadyang idiniin ko ang salitang ‘niyo’ dahil hindi ko maunawaan kung bakit nila ginagawa ‘yun. Never ko silang pinahalagahan. Ni hindi nila ako kilala ng lubusan. Maski pangalan ng magulang ko hindi nila alam.
“tama ayaw ka naming masaktan, for once, nagkasundo kami ni Zydn sa isang bagay”
“and so? What for? I mean, why?” kinagat ko ang lower lip ko at hindi nakatingin sakanya.
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Roman pour Adolescents[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...