Chapter 38
Nauna na ako bumalik kina papa. Lahat sila nakatingin saakin. Nagtataka kung bakit ako hinila ni Andie. Ngayon, nandito kami sa silid kung saan ako naghintay kanina.
“Umamin ka Andrea. Bakit ganun nalang ang reaksyon ng anak ko kaninang nakita ka niya? may relasyon ba kayo? Ikaw ba ang sinasabi niyang---“
“Kapag sinabi ko bang hindi, maniniwala ba kayo? Ngayon palang nga hinuhusgahan niyo na ang paghila saakin ni Andie kanina. Ganyang utak ba ang meron ang mayayaman?” nginitian ko lang sila at hinihintay ang sasabihin nila.
“Hindi?”
“of course not! Magkakilala kami. Galit siya saakin at ganun din ako sakanya. What more ngayon na nalaman niyang magiging kapatid niya ako. Halata naman sa hitsura niya kaninang galit na galit siya, hindi ba?”
Kailangang tanggapin ni Andie ang sitwasyon namin. Dahil bago ako pumunta dito tinanggap kong hindi na magiging kami. Dahil magkapatid kami kahit pa hindi pareho ang dugong dumadaloy saamin.
“Ano? Okay na ba? pwede na ba akong umalis?” tumayo ako kahit pa hindi sila sumasagot sa tanong ko.
“Hindi ka pwedeng umalis Andrea” pigil ni papa
“I’m not welcome here. Ayaw saakin ng pamilya niyo. Isang dumi lang naman ang tingin nila saakin. Isang bastardang anak. Hindi ba tama naman ako?”
“ANDREA!”
“see? Ikaw palang ganyan na ang trato saakin. What more sa pamilyang ni minsan hindi naman ako nakilala” pang-iinis ko kay papa. “Don’t worry. Babalik naman ako dito. Wala naman akong magagawa sa desisyong ginawa mo. But not now. I can’t live here. This house is not my home.”
Nang wala na akong narinig pa sakanila, umalis na ako kaagad. Katulad ng dati wala naman akong pera para makarating sa lugar na gusto kong puntahan kaya naglakad lang ako hanggang makarating sa isang shed.
“Akala ko ba bumalik ka na. sasama ka na ba saakin?” huminga ako ng malalim bago ko sinagot si Andie.
“alam ko galit ka sa ginawa ko. Pero ginawa ko lang naman yun kasi yun lang ang alam kong tama.”
“Andrea maniwala ka. Nung una curious lang naman ako sayo. Kung bakit ka umiiyak noong araw na iyon. Kung bakit ganyan ka. Gusto lang naman kita noon. Andrea, kinilala kitang mabuti hindi dahil sa gusto kita. Kundi dahil alam kong magiging kapatid kita. Pero kasalanan ko bang alam ko din na hindi naman tayo magkadugo?”
Nakatayo lang ako malayo sakanya. Sinubukan niyang lumapit pero huminto din siya. Malamang takot na lalayuan ko lang siya. Na hindi siya kausapin.
“pero mali pa din ang solusyong ginawa mo. Dahil gustuhin man natin o hindi, magkapatid tayo at maling-mali iyon.”
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...