Chapter 2

160K 2.8K 238
                                    

A/N: follow me sa twitter!

@aril_daine :DD

nga pala baka short story lang itechiwaaaaa mwehehehe.  love love, saka na yung special UD sa SL3 :DDD



Chapter 2

 

 

Bagong araw, bagong prospect. Hindi na ako nagsawa sa ginagawa kong ito. Ngayong araw suot-suot ko ang uniporme ko. Dalawang taon akong huminto noon kaya naman fourth year high school palang ako. Ang mga prospect ko ay halos mga college students.

Naglalakad lang ako sa loob ng campus ngayon. Hindi malaki ang school na ito, hindi din gaanong mayayaman ang mga tao dito. Sakto lang, walang arte, walang keme. Wala akong mga kaibigan dito dahil lahat sila ganun din ang tingin nila saakin. Immature B*tch, Psycho and Snob. Call me whatever you want, I don’t care and won’t ever care.

Pero may makulit na babae na laging lumalapit saakin. Kaklase ko siya. Isa din tong walang kaibigan. Katulad ngayon, nakatayo lang siya sa hall at halatang hinihintay ako. Lagi niya akong hinihintay kahit lagi ko siyang hindi pinapansin.

“Hi ate. Heto nga pala yung assignment ngayong araw, tapos heto notes ko aralin mo may quiz kasi tayo mamaya” abot lang siya ng abot saakin ng notes habang sinasabayan niya ako sa paglalakad. Ako naman kuha lang ng kuha. Siya ang reminder ko sa lahat ng activities, quizzes etc. down the line.

“Tapos ate sa PE mamaya pwedeng tayo nalang partner? Kasi ayaw naman nila akong kapartner saka ang sabi makakasabay daw natin ng PE yung mga lalaki mamaya.” Hiwalay ng mga floor ang mga babae sa lalaki. Kaming mga babae dito sa third at fourth floor. Sa second at first floor naman ang mga lalaki.

Kaya pag may PE napaghahalatahang mga sabik ang mga kababaihan. “Alright” sagot ko sa pag-offer ni Ivy bago umupo sa inuupuan ko.

Sa mga mata ng kaklase namin bagay kaming magsama. Isang binubully at isang kinakatakutan. Nalaman ko noon na madalas pala talagang mabully si Ivy pero simula nung bumubuntot na siya saakin hindi na siya nabubully pa. hinahayaan ko nalang din siya sa pagbuntot buntot niya saakin. Nakakabenefit naman ako sakanya at ganun din siya saakin. Ganito naman talaga ang mundo. GAMITAN lang.

Natapos na ang mga klase at PE naman ang kasunod. Ang pinakaayaw ko sa lahat ng subject. Kung tumili ang mga kaklase namin akala naman nila wala ng bukas. Akala nila mauubusan sila ng lalaki. Akala nila seseryosohin naman sila ng mga magugustuhan nila. Sa mga mata ng mga lalaki ang mga babae ay isang test. Isang multiple choice type of test.  Kung sino ang the best sa mga pinagpipilian nila dun sila. Kakaiba pero yan ang mundong nakikita ko.

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon