Chapter 48

48.3K 944 160
                                    

Chapter 48

 

“Bakit hindi kayo nag-uusap? Nag-away ba kayo?” Nagtatakang tanong saakin ni Ivy. Nag-away nga ba kami? Humihingi siya ng tawad saakin pero hindi ko alam kung para saan ito. Dahil ba sa kaibigan niya?

Hindi ko naman sinisisi si Zydn sa nangyari dahil alam ko na wala siyang kinalaman dito. Imposible talagang madawit siya at kung oo man, anong nagawa ko sakanya?

“Coreen.” Malungkot na tawag niya saakin. “Nag-away ba kayo? May ginawa ba siya sayo?”

“Wala.”

“Kung ganun bakit?”

Naglakad ako papalayo kay Ivy. Hindi ko din alam kung bakit hindi ko siya kinakausap. Dahil ba ayaw kong malaman ang dahilan ng paghingi niya ng tawad?

“Andrea! Natatakot ka ba?” Napahinto ako at saka ko siya tinignan. “Natatakot nga ba ako?” Alam kong nabigla siya sa tanong ko. “Natatakot nga ba ako, Ivy?” Ulit ko pa. “Umalis na yung pinsan niya. Pwede mo na siyang kausapin. Kaya lang naman umiwas siya sayo dahil sa pinsan niya e. Coreen. Mag-usap na kayo.”

“Hindi ko maintindihan kung anong kinalaman ng pinsan niya sa sitwasyon namin. Kung ayaw akong kusapin ni Zydn then let him be.”

“BAHALA KA! Lagi nalang ikaw ang iniintindi! Minsan dapat intindihin mo din siya! Ni minsan nakita mo ba ang ginagawa niya para sayo?” Agad siyang tumakbo nang sabihin niya saakin ang mga iyon. Ni minsan nakita ko nga ba?

Nakita ko pero natakot ako noong una dahil sakanya na mismo galing na kaibigan niya ang gumahasa saakin.

Naglakad-lakad ako hanggang marating ko ang museum kung saan nakalagay ang painting ni Zydn.

“Nababalewala ko ba ang mga ginagawa mo para saakin? Nasasaktan ka ba sa mga ginagawa ko?” Matagal kong pinagmasdan ang painting. Sa tutuusin isa siya sa mga unang nakakita ng tunay na ako. Mas marami siyang nalalaman kaysa kay Andie. Si Zydn, siya ang tumayong best friend ko tuwing kailangan ko ng kaibigan. Lagi siyang nandyan para tanggapin kung sino man ako. 

Kahit alam kong nasasaktan siya sa mga sinasabi ko, nandyan pa din siya. Kahit alam kong masasaktan ko siya sinasabi ko pa din sakanya. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi niya akong kayang iwanan.

“Anong ginagawa mo dito? Masasaraduhan ka ng school kung hindi ka pa uuwi.”

“Galit ka ba saakin?” Nanatili kong pinagmasdan ang painting sa harap ko.

“Andrea…”

“Mahal ko si Andie. Nasasaktan ka ba tuwing sinasabi ko yan?” Napakagat ako ng labi ko. Hindi ko alam kung bakit ko tinatanong ang mga ito.

“Mahal mo ba ako o sadyang naawa ka lang?”

“Andrea please. Stop.” Tahimik ang paligid kaya kahit na halos bumubulong nalang siya ay naririnig ko pa din. Sapat na para malaman kong nasasaktan nanaman siya.

“Kung naawa ka man. Tama na.” Humarap ako sakanya kaya naman nakita ko ang luhang pumapatak sa mga mata niya. “Hindi ko kailangan ng awa Zydn.” Umiwas ako ng tingin.

Lumapit siya saakin at saka hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng museum.

“Hindi ako naaawa sayo.”

“Teka, saan tayo pupunta?”

“At oo nasasaktan ako kapag sinasabi mong mahal mo si Andie.” Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

“Zydn, saan tayo pupunta?”

“Dahil mahal kita.”

Napatigil siya sa paglalakad. Naririnig ko ang paghinga niya ng malalim.

“Mahal na mahal kita kahit na alam kong wala akong pag-asa.”

“Pinilit kong kalimutan ka. Pinilit kong itigil ang nararamdaman ko. Pinilit kong maging isang kaibigan lang.” Binitiwan niya ang kamay ko.

“Pinilit ko naman Andrea. Kaya lang hindi ko talaga kaya.”

Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya mula. “Kung niyayakap mo ako dahil naawa ka saakin, katulad mo hindi ko din kailangan ng awa Andrea.” Umiling ako at mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya. “I am not taking you for granted.” I said. “I like you a lot.” I explained. “I really do.” I continued to assure him.

“But you don’t love me.” He laughed bitterly.

“You know I can’t,  Zydn. I don’t want to use you.” Unti-unti niyang tinanggal ang mga kamay kong nakayakap sakanya at saka humarap saakin.

“Andrea.” Hinawakan niya pareho ang magkabila kong pisngi at saka iniharap ang mukha ko sakanya.

“Gustuhin mo pa kaya ako kung malalaman mong…” muli siyang huminga ng malalim at pinilit niyang ngumiti.

“Na pinsan kong buo ang kaibigang nang-iwan sayo. Si Celine.”

********

sorry lame TToTT May WB ako!!!! hahahahaha

sorry natagalan pero sana vote and COMMENT pa din. dami kong silent reader T________T

Prove Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon