Chapter 33
Tinititigan ko lang muli ang litrato ng isang pamilya.
“Andrea, nandito ka lang pala” agad kong pinasok sa pouch ko ang litaratong hawak ko at saka nginitian si Zydn.
“nagpapahangin lang ako”
“ano yung hawak mo? Family picture niyo ba yun?” nasa terrace ako ng kwarto ko sa hotel ngayon. Hindi pa din tapos ang party nila kaya naman nauna na ako dito. Supposedly, kwarto dapat ni Zydn ito pero dahil kasama niya ako, ako nalang daw ang gagamit at sa kwarto na lamang siya ng pinsan niyang si Jack.
“halika, hinahanap ka nila tita. Akala yata talaga nila girlfriend kita” sabi niya habang nagkakamot ng ulo.
“hayaan mo silang isipin kung ano ang gusto nilang sabihin.” Nilagpasan ko siya at saka nauna na ng lumabas sa kwarto. Nasa tabi ko na siya nang makarating kami sa reception.
“ayan! Buti nandito ka na hija! Dapat kayong sumayaw ni Zydn.” Tuwang-tuwang pagkasabi ng tita ni Zydn.
“HAH? Tita! Kung anu-ano nanaman sinasabi mo. Akala ko ba gusto niyo lang siyang nandito. Kaya ko nga---“
“Tara” inabot ko ang kamay ko kay Zydn at hinintay siyang hawakan ito at sabay pumunta sa gitna. Halos lahat ng nasa paligid namin nakatingin saamin. Ngumiti nalamang siya at saka inabot ang kamay ko para magsayaw.
“ayun oh! Sabi na girlfriend mo talaga e! hindi ka naman nagdadala ng babae noon!”
“kaibigan ko nga!”
“sus! Ang sabi, ang mga nagdedeny daw mahal na yung babaeng dene-deny kung sakaling ‘di mo nga talaga siya girlfriend” nagtawanan sila at ngumiti naman ako para asarin si Zydn.
“gusto mo pala ako a, too bad. I’m taken” nasa gitna na kami ngayon. Ang mga kamay ko ay nasa balikat niya at ang mga kamay naman niya at nasa bewang ko.
“hwag ka nagpapaniwala sa mga yun. Alam mo namang mga siraulo ang mga yun”
“hindi ko sila kilala para husgahan, Zydn. If you know what I mean” I said smirking.
“crush lang naman” pag-amin niya habang nakatingin sa ibang direksyon. Namumula din siya at saka parang pinagpapawisan.
“gusto mo ang babaeng nagahasa at may anak na? haha. Nakakatawa ka. Kung sa ibang tao ko siguro sinabi ang sikreto kong iyon, tiyak diring-diri na sila” yumuko ako at saka nagpakawala ng isang pekeng tawa.
“may anak ka man o wala, wala akong pakialam” hindi ko naintindihan ang sinabi niyang iyon. Hindi ko din alam kung ano ang dapat kong isipin dahil sa sinabi niya. Basta ang alam ko, napapatunayan kong iba din siya. Hindi siya katulad ng iba. Pareho sila ni Andie, ang pagkakaiba lang… kinamumuhian ko ang isa sakanila.
“gusto mo bang makakita ng fireworks?” nagtaka ako sa tanong niya dahil kahit papaano nakakita naman na ako ng fireworks.
“hindi naman ako ganun kahirap para hindi makapanuod ng fireworks sa tanang buhay ko” tumawa lang siya na narinig naman ng iba.
“hindi!” sabi niya habang tumatawa pa din. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at saka tumingin siya sa kanyang orasan “Sht! Mag-uupisa na” bigla nalang siyang tumakbo habang hawak pa din ang kamay ko na dahilan kaya naman tumatakbo na din ako kasama niya.
“teka! Saan ba---“
“haha! Manunuod tayo ng fireworks!”
Patakbo kaming bumaba sa hagdanan, kahit papaano natutuwa ako ngayong gabi. Kahit papaano nakakalimutan ko ang mga dati kong iniisip. Ang pagtawa ng tulad ngayon ay ngayon ko nalang ulit nagawa. Nakakapagod pero masaya.
Pagkarating namin sa hardin sakto naman ang paglipad ng samutsaring kulay sa kalangitan. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya naman napatingin ako sakanya. Nung una seryoso ang mukha niya pero agad din naman itong nawala dahil sa ngiting ipinapakita niya saakin ngayon.
May sinasabi niya pero hindi ko siya marinig dahil maingay ang mga tao sa paligid, hindi ko din mabasa ang bibig niya dahil madilim. Pero alam kong sinadya niyang sabihin ngayon ang sinasabi niya para hindi ko marinig, sumeryoso din kasi ulit ang mukha niya.
***
“yung baby ko, nasa lola ko” nakaupo siya ngayon sa kama at nakatayo naman ako sa harapan niya. Umayos siya ng upo at tila gusto pang marinig ang mga katuloy ng kwento ko.
“para sakanya, isa akong maduming babae. Dahil para sakanya, madumi ang tatay ko. Lumaki akong walang kinikilalang ama. Malaki na ako nung nakilala ko siya, nung una masaya ako, pero di naglaon kinamumuhian ko na siya. Ayon kay lola, ang mga magulang ko ay madumi kaya naman katulad nila, isa din akong maduming babae. Ang natatangi niyang apo na hindi niya kayang tanggapin.” Tumalikod ako at saka ibinaba ang zipper ng dress ko.
“t-teka Andrea, kung magbibihis ka lalabas na a---“
“ang sugat na ito” ipinakita ko sakanya ang sugat sa likuran ko. isang peklat na nakatatak na saakin habang buhay “ay gawa ng gumahasa saakin” WHORE ang nakalagay sa may bottom right ng likuran ko. “Gamit niya ang isang swift knife noon kaya naman hanggang ngayon nakatatak pa din saakin ang peklat na ito.” Malalim at masakit ang sugat na ito noon kaya naman hanggang ngayon kitang-kita pa din ang peklat na ito.
Naramdaman ko ang pagkayap niya saakin mula sa likuran. “Stop. Stop it, Andrea. Hindi ko na kayang pakinggan pa”
Ang tangi ko nalang naalala nang gabing iyon ay ang pagkawala ng init na nakayap sa katawan ko saka ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko.
*****
A/N
follow niyo ko sa twittah! @aril_daine haha. sa mga nag p-pm pala saakin di pa ako nakakapagreply pero nabasa ko na lahat, mabagal kasi net ko ata busy kaya di makareply :|
mehehehe malapit na ulit ang ANDREEN moments! kaya hwag magsaya ang mag ZYREEN dyan!! undecided pa ako nu! XDD saka may purpose ang lahat ng nangyayari sa chapters! maliit mab o malaki, ito ang kumukumpleto sa PMW *O* ayt ayt?
VOTE and COMMENT! love love :***
CTRL + Q to Enable/Disable GoPhoto.it
CTRL + Q to Enable/Disable GoPhoto.it
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...