para sa mga nagtatanong ng cast. ayun nasa right side saka sa cover mwehehehe
Chapter 7
Katulad niya natigilan din akong maglakad.
“anong sinasabi mo?” humarap ako sakanya ng may pagkatataka.
“ang sabi ko, nakita na kita noon”
“line ng playboy” sagot ko. Hindi kasi siya kapanipaniwala.
“hahaha. Ganun ba yun? Linya agad ng playboy?” naglakad na siya papalapit saakin hanggang sa pansin kong naglalakad na kami ng sabay.
“Oo mga ganung hirit kasi mga line ng babaero” sabi ko ng nakangiti sakanya.
“paano kung totoo?”
“edi kung totoo, wala na akong magagawa. Isa pa hindi ko maalalang umiyak ako sa park na yan” kahit sa totoo lang, umiyak na nga ako dyan. Pero hindi ko siya matandaan dahil ni minsan wala naman lumapit saakin para kausapin ako nung mga panahon na yun.
“hindi ka ba hahanapin ng girlfriend mo?” naalala ko lang kasi na magkasama sila kanina. Baka mamaya hanapin pa siya. Ayokong masabunutan ngayong araw. Wala ako sa mood.
Pumara siya ng taxi saka ito binuksan at pinauna akong pumasok sa loob saka ako tinabihan.
“hindi ako hahanapin nun, busy siya sa research nila ngayon”
“wala kang klase?” tanong ko pa
“ayaw mo ba akong kasama?” tumingin nalang ako sa labas para umiwas sa tanong niya. marahil ayaw ko lang siyang kasama dahil sa nabanggit niya kanina. Bakit ba kasi hanggang ngayon may nagpapaalala pa saakin nun? Matagal ko ng kinalimutan ang bagay na yun.
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...