Chapter 20
Humiwalay sa yakap saakin si Zydn nung tumunog ang cellphone ko.
“sagutin mo na” nakangiti niyang saad.
“Ivy?”
[Coreen! Okay ka lang ba? Ahm may ginagawa ka ba? Hindi na ba tayo mag-aaral?]
“I-I’m fine. hindi na ako makakasunod sayo”
[teka! Umiiyak ka ba? Nasaan ka? Pupuntahan kita] nag-aalala siya pero hindi na kailangan
“I said I’m fine. okay lang ako----“
[Ivy! Dali!!! May bibilhin pa tayo!]
[sorry yung kapatid ko. Ahm sure kang okay ka lang? as in?]
“okay lang ako. Don’t worry. I’m with—“ hindi ko nalang sinabi kung sino ang kasama ko “anyway bye”
[okay, sige sabihin mo sakin kung nasaan ka mamaya a. para puntahan kita, may gagawin lang kami ng kapatid ko. Sure ka talagang okay ka hah?]
[Ivy! halika na!]
[oo na!--- Coreen sige a. babye]
“si Ivy” saka ko ipinakita kay Zydn ang cellphone ko.
“narinig ko nga” nakangiti pa din siya. “buti naman at okay ka na din sakanya. Lagi niya akong kinukulit na hwag akong ganun magsalita sayo. Sorry kung---“
“okay lang” tumayo nalang ako para sana iwanan na siya pero bigla niya akong hinawakan “sandali, saan ka nanaman pupunta? Kinakausap pa e. hahaha” ang saya niya talaga kahit kailan. Minsan naman sobrang seryoso niya. Hindi ko alam kung anong binabalak niya sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...