Chapter 40
“pumunta ka daw sa lola mo” dumiretso ako kaagad sa bahay ni papa dahil iyon ang gusto niya. Nandito silang lahat ngayon sa sala, even Andie.
“oo” sagot ko sakanya. Diretso ang mga mata nila sa pinapanuod. Hindi ko alam kung bakit pa niya ako pinapunta dito kung manunuod lang din naman pala ang gagawin.
“kumusta na si Shin?” napansin kong napatingin silang lahat saakin maliban kay Andie. Hindi nila kilala si Shin, pero malamang kilala iyon ni tita dahil siya ang asawa ni papa.
“bakit hindi mo siya puntahan para malaman mo kung anong ginagawa niya at kung kumusta na nga siya. I’m leaving” paalam ko sakanya.
“Next time na magtatanong ka about Shin, puntahan mo nalang siya. Wala naman magagalit sayo. Karapatan mo naman na makita mo siya”
Hindi ako makapaniwalang pinauwi niya ako dito para lang tanungin ang kalagayan ni Shin when in fact pwedeng-pwede naman niya dalawin. Nakalabas ako ng bahay ng hindi naman ako pinapagalitan ni papa. Nitong nakaraan, hindi na siya naghihigpit saakin. Hindi ko alam kung bakit at wala na din akong pakialam pa kung bakit.
“Ihatid daw kita” Napahinto nalang ako sa paglalakad dahil sa boses ni Andie. Hindi ko siya inaasahan ngayon.
“Get in.”
“No thanks. Kaya kong umuwi mag-isa.”
“Gabi na, Andrea.”
Kupara kaninang hapon mas okay na siya ngayon. Kalmado at hindi na nakakatakot. Pareho lang naman kaming nagpapakiramdaman. Awkward na ngayon kumpara noon. Hindi din naman basta-basta ang nangyari. Madaming lihim na naitago. Inaamin ko naman na gagamitin ko dapat siya. Inaamin ko naman na binalak ko talaga siyang saktan. Pero hindi ko binalak ang maging Ventura. Hindi ko din alam noong una na magiging magkapatid kami.
Kung nalaman ko lang sana noong una palang. Kinalimutan ko na sana ang mga Ventura.
“Ano pang ginagawa mo dyan? Sumakay ka na.” Pinaandar na niya ang kotse at ako nalamang ang hinihintay niya.
“Kapatid na kita at kailangang makauwi kang ligtas.” Alam kong ayaw niya itong sabihin. Alam kong masakit pa din sakanya.
Tahimik kaming dalawa habang nasa byahe. Mabigat ang pakiramdam. Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghinga naming dalawa.
“Sino si Shin?” Malumanay lang ang boses niya at nakikita ko lamang siya dahil sa repleksyon niya sa bintana na nakatingin lang sa harapan niya.
“Anak ko.” Narinig ko siyang bumuntong hininga at nakita kong napatingin din siya saakin pero agad din binaling ang tingin sa harapan.
“Madami ka pa bang hindi sinasabi?”
“Wala ka naman dapat pang malaman.”
“Si Zydn? Nililigawan ka?”
“Kailan ba ako nagpaligaw sa lalaki?”
Ilang minuto din ulit kaming nanahimik. Gusto ko din magtanong kung kumusta na ba siya. Kung saan siya nagpunta? Bakit hindi nagpakita saamin ng dalawang buwan. Pero nanatili akong tahimik at hinayaan nalang ang katahimikan na lamunin kami.
Ang katabi ko ngayon ay ang kapatid kong si Andie at hindi ang Andie sa nakaraan. Malamang, ganito din ang iniisip niya. Sa katunayan, wala naman talaga kaming magagawa. Hindi pwedeng ipaglaban ang namagitan saamin. Ang batas ay batas at hindi lahat ng bawal ay masaya gawin.
“Kung sana kaya mo din magtanga-tangahan katulad ko. Kung sana hindi ka marunong sumunod sa mga batas kagaya ko.” tumawa siya ng bahagya at saka nagpatuloy ulit sa sinasabi
“Kaya lang mas pinili mong maging matalino at gawin ang tama. Pero tandaan mo sana na hindi kapatid lang ang turing ko sayo. Dahil hindi ko pa kaya. Lumayo ako dahil akala ko yun ang dapat pero mali ako. Mas nasasaktan ako habang tumatakbo palayo. Kaya magmula ngayon hwag mo akong sisisihin kung parati mo akong makikita, Andrea. Dahil ito ang alam kong paraan para makalimutan ka.”
Hininto niya ang sasakyan dahil nasa bahay na kami.
“Ang makasama ka hanggang sa mawala ang nararamdaman ko.”
“Hwag mo din asahan na ang Andie na kasama mo ngayon ay kapareho pa ng nakilala mo.”
Tinanggal ko ang seatbelt ko at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya. Hindi ko alam kung may dapat nga ba akong sabihin ngayon o mas mabuting manahimik nalang.
Pero kahit ganun pinilit ko ang sarili kong ngumiti bago humarap sakanya at mangpanggap na hindi ako apektado sa mga sinasabi niya.
“Salamat sa paghatid.”
Tumawa lang siya pero agad din nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya.
“Sana maunawaan mong galit ako sayo Andrea.”
******
sorry natagalan ang update T^T
vote and COMMENT! magcomment naman kayo -___- tampo ako HAHAHAHHA
Annyeonghaseyo BTOB-imnida! XD
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Roman pour Adolescents[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...