Tarush! natagalan ang UD ko. busy e. pakifollow daw ang @official_PMW sa twitter pati na din ako @aril_daine hihihi. sorry sa UD kung di niyo man trip. gagawa pa kasi ako ng paper e. :p
Chapter 26
“okay” sagot ko sa kausap ko sa kabilang linya.
[okay lang? sorry talaga babe] hindi ko alam kung dapat ko din ba siyang tawaging babe.
“galingan mo” hindi din ako sanay na may chinicheer. Ngayon lang. “babe” habol ko pa.
[yun o! kagabi pa ako babe ng babe ngayon mo lang ako tinawag na babe. Nainspire naman daw ako” sabi niya habang tumatawa.
“mukhang hindi. Tinatawanan mo ako e” umirap ako at saka tumingin sa bus.
“COREEN! Hindi ka ba sasama? Dali na dali!”
[sumama ka na sakanila. Mag-enjoy ka. Kapag may lumapit sayo tawagan mo ako agad!]
“sige na nga. Goodluck sa exam”
[thanks. Ingat ka hah! I love you] mabilisan niyang sinabi at saka ako binabaan.
Binulsa ko na yung cellphone ko at saka pumasok sa bus. Lahat ng mga mata ay nakatingin saakin. Lahat sila parang nagtataka na nandoon ako.
Nakaalis na ang ibang bus at heto nalang ang natitira. Pinagsamang mga babae at lalaki na ang mga nandito. Palibhasa mga late dumating. Halos lalaki nga sila.
“Coreen dali dito tayo!” hinila ako ni Ivy papunta sa upuan kung saan siya nakaupo. Sa kabilang upuan ay si Zydn at ang kasama niya.
“akala ko hindi ka na sasama” nakangiting sabi saakin ni Zydn.
“sabi kasi niya mag-enjoy ako” sagot ko habang paupo na. “so, saan ba pupunta?”
Inaayos ni Ivy ang bag niya. naririnig ko yung mga plastic na laman nito. Malamang chips ang mga yun.
“gusto mo ba kumain?” alok saakin ng katabi ko.
“no thanks”
“gusto mo?” alok din ni Zydn saakin ng kinakain niya. Kahit nasa kabilang side siya parang tabi pa din kami dahil ako ang nasa center aisle at si Ivy naman ang katabi ng bintana.
“Saan pupunta?” this time si Zydn na ang tinanong ko. Busy kasi si Ivy sa kakanguya.
“sa lugar na malamang ay ayaw mong puntahan pero dapat mong puntahan” sa sinabi niyang yun medyo kinabahan ako. Madami akong lugar na ayaw puntahan. Dahil na din sa madaming dahilan. Hindi na ulit ako nagtanong dahil wala silang balak sagutin ang tanong ko kaya naman natulog nalang ako at hiniling na sana naman makayanan ko kung saan man kami pupunta.
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...