Chapter 37
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahil ba hindi ko naman ginusto ang posisyon ko ngayon o dahil ba ayaw ko talagang pumunta?
“anak alam mo naman siguro ang pamilya ng papa mo” umirap ako saka tumingin sa salamin. Wala na akong pakialam sa iisipin pa ng iba.
“ikaw sigurado ka ba sa ginagawa mo? Pinamimigay mo na ako?” naglagay ako ng pulang lipstick saaking mga labi.
“Hindi! Narinig mo naman ako kanina hindi ba? Ayaw ko din naman ang ideya ng papa mo na doon ka titira!”
“kung ayaw mo, hindi mo na dapat pa siya hinayaang ibigay ang apelyido niya saakin”
“Pero anak, yun lang naman ang paraan para magkaroon din tayo ng halaga sakanya. Hindi lang basta---“
“talaga? Halaga? Nasaan siya ngayon? Nasa pamilya niya hindi ba? Ni hindi nga niya ako inaasikaso. Kung tatawag man siya magpapaalala lang yun ng mga gagawin. Ganun naman siya hindi ba? Perfectionist?” I said cynically
Humarap ako sa human-sized na salamin ko. Nakasuot ako ng itim na dress at saka pulang heels.
“Hindi ko alam kung uuwi pa ako dito mamaya ma. Baka kasi may mangyaring gulo mamaya sa party nila papa” sabi ko ng nakangiti.
“anong sinasabi mo?”
“not your business” bulong ko pa saka ko inayos ang damit ko.
“bakit nasaiyo ang litrato ng papa mo?” tinutukoy niya ang family picture na nakalapag sa lamesa ko ngayon.
“naiwan niya kaya malamang tinignan ko para kahit papaano kilala ko ang pamilyang kukupkop saakin, hindi ba?” sagot ko saka ngumisi.
Iniwan ko na siya pagkatapos. Hindi ko alam kung handa na ba talaga ako sa gagawin ko. Ang umpisa ng pagtanggap saakin ni papa ang siya namang umpisa ng patapos na relasyon namin ni Andie.
***
Nandito ako ngayon sa isang silid sa bahay ni papa. Malaki ito at malayong-malayo sa bahay namin ni mama. Ang buhay nila ay hindi katulad ng buhay na dinadanas ko. Iba ang buhay ni Andie sa buhay ko. mag-isa lang ako ngayon dito at hinihintay si papa. Wala rin si Andie kaya nakakahinga pa ako ng maluwag.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae. Ang half-sister ko. Mas bata lamang siya saakin ng siguro tatlo o dalawang taon.
“ikaw daw ang ate ko?” lumapit siya saakin at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi na agad ko namang tinapik para tanggalin.
“s-sorry. Hindi ko alam na ayaw mo ng nahahawakan. Sorry a-ate”
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...