Chapter 15
“Andrea, saan ba ang bahay niyo” umiling ako dahil ayokong umuwi saamin.
“sige ganito nalang. Isasama muna kita sa apartment ko, pero kapag okay ka na. ihahatid na kita agad ah? Baka mag-alala magulang mo”
…
Sinubukan kong tumakbo ulit pero nahatak ako. Nakakatakot siya. Hindi sya yung kaklase kong may maamong mukha. Nakakatakot sya. Pilit kong hinihila paalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero lalong humigpit ang hawak niya saakin.
“please” iyak ko sakanya. Napatingin ako sa labas ng classroom at nandun pa ang kaibigan ko. Nanlalaki ang mga mata niya a-at natatakot “CELINE!”…
“Andrea!”
Lumayo siya. Lumayo siya na tila walang nakita.
“ANDREA!”’
“Andrea”
“hwag mo kong hahawakan!” nanatili akong nakapikit. Nanginginig ako sa takot. “hwag mo akong hahawakan. please” mahina at halos mawalan na ako ng boses sa pagkakasabi ko.
“Ako to Andrea. Ako ‘to. Tama na hwag ka ng matakot.” Naramdaman kong niyakap niya ako.
“hindi mo ako iiwan?” habang nakapikit ako ngayon, nakikita ko nanaman ang paglayo niya saakin. CELINE!
“hindi. Dito lang ako Andrea” unti-unti akong umupo para mayakap ko din siya. Natatakot na akong maiwan mag-isa.
“tahan na. hindi bagay sayong umiiyak e” pabiro niyang sabi saakin habang pinupunasan ang mga luha ko.
“umiiyak ako?” ewan ko ba kung bakit ko natanong yun. Para akong wala sa sarili.
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...