Chapter 47
Ilang araw na din mula nung umalis si Andie. Siguro nga’t may kaunti akong pagsisisi dahil hindi ako nagsisi noong araw ng alis niya pero alam ko sa sarili ko na may limitasyon din naman ako. Na hindi lahat pwedeng ipaglaban at alam ko din na madami akong pagkakamali.
“Tingin mo may notes si Zydn? Ilang araw na siyang absent a. Tinanong ko mga kaklase niya kung napaano siya kaya lang wala din silang alam.” Nagpout siya saka muling nagsalita. “Ikaw? Kailangan mo din ba ng notes? Absent ka kahapon e. Ipapaphotocopy ko kasi itong isa para kay Zydn. Baka gusto mo din?”
“Okay.” Sagot ko nalang habang nakatingin sa ibang direksyon. Kanina ko pa tinitignan si Zydn sa labas ng building na nagpapabalik-balik at mukhang iniisip kung papasok ba siya o hindi. Tinawagan ko siya para sana tanungin kung anong ginagawa niya sa labas pero pagtingin palang sa cellphone niya agad na niya itong pinatay saka ibinulsa at lumakad papalayo.
“Umiiwas siya.” I assumed.
“Sino?” Hindi ko alam na nasa tabi ko pa din si Ivy na nangongopya ng assignment. “No one.” Pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit ako iniiwasan ni Zydn pero kung ako nga talaga ang iniiwasan niya. Bakit? Dahil ba sa kaibigan niya o dahil ba akala niya binabalewala ko siya?
Nauna na akong umuwi kay Ivy nung natapos ang klase. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta dinala nalamang ako ng mga paa ko sa lugar kung saan ko nakitang unang umiyak si Zydn.
Ako ba ang tinutukoy niya noon o si Henessey?
“Andrea?” Hindi ako humarap sa taong tumawag saakin. Masyadong familiar ang boses niya para magulat pa ako. “Anong ginagawa mo dito? Bumibili ka din ba ng fishball at kwek kwek?” Halos siya lang din naman ang tumawa sa sinabi niya.
“A-anong ginagawa mo dito?” Nanatili lamang akong nakaharap sa puno at inalala lamang ang sinabi niya noon.
“alam mo ba kung paano ko nalaman na mahal ko siya?”
“kasi masakit dito”
“Kaya ikaw Andrea kapag naging tanga ka na sa isang tao, in love ka na SA-KAN-YA”
“Siguro nga tanga din ako, Zydn.” Dahil pinakawalan ko si Andie. Dahil natakot ako sakanya. Dahil masakit nga talaga.
“Pinilit kong hwag maniwala sa pagmamahal dahil natatakot akong masaktan.” Umupo ako at sumandal sa puno saka ako pumikit. “Lagi niyo nalang akong tinataliwas at pinapatunayan na mali ako.” Siguro nga masakit pero siguro nga ito din talaga ang hinahangad ko.
“Andrea.”
Siguro nga hindi ako ang pinakamaswerteng babae. Siguro nga medyo minalas lang ako sa tadhana pero ang mga tao sa paligid ko ang nagtuturo saakin mag-enjoy at pakawalan ang nakaraan. Siguro nga kaibigan ng taong nasa harapan ko ngayon ang sumira sa pagkatao ko. Siguro nga natakot ako at naghiganti sa kung kani-kanino pero tiniruan nila akong magtiwala ulit. Hindi man buo pero kahit papaano ay marunong na din.
“Zydn.” Pinagmasdan ko ang gulat na ekspresyon niya nung tawagin ko siya.
“Thank you for everything.” Tumayo ako at saka ko siya nilagpasan.
“Kahit alam kong nilalayuan mo na ako.”
Huminga ako ng malalim para mawala ang kaba na nararamdaman ko.
“Andrea!” Hindi ko napansin na madami na palang tao ang nakatingin saamin ngayon. Siguro dahil ngayon lang nila ako nakitang nagpapasalamat sa isang tao. Sino nga ba ako sa tingin nila? Isa lang naman akong psycho na madaming lalaki. Slut at bitch kung tawagin.
“Hindi kita nilalayuan.” Nagbubulungan ang lahat at gumagawa ng kanya-kanyang kunklusyon. Siguro daw wala na kami ni Zydn. Siguro daw may iba daw ako. Siguro daw nagsawa na si Zydn saakin.
Hindi ko sila maintindihan kung bakit ang dudumi ng mga isip nila. Pero wala naman akong pakialam sa kung anong sasabihin nila dahil hindi naman nila alam ang katotohanan.
“Andrea, hindi kita nilalayuan.” Huminga ulit ako ng malalim hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagyakap niya saakin. “Nahihiya ako sayo Andrea. Nahihiya ako sa mga nalaman ko.” Huminto siya at saka siya kumalas sa pagkakayap saakin.
“Andrea, I’m sorry.” Unti-unti siyang lumuhod at hinawakan ang mga kamay ko. “I’m sorry.” Hindi ko maintindihan kung bakit siya humihingi ng tawad. Kung bakit siya umiiyak. “I’m sorry.”
Patuloy siyang umiiyak habang nakaluhod sa harapan ko. Ni isa wala akong maintindihan. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan ang paghingi niya ng tawad pero sa ginagawa niyang iyan, pinapaiyak niya na din ako.
“I’m sorry. Andrea I’m sorry. Kasalanan ko.” Halos humagulgul na siya sa paghingi niya ng tawad saakin. “Andrea I’m sorry dahil minahal kita. Kasalanan ko ang lahat.”
Sa mga narinig kong iyon wala akong ibang nagawa kundi hilain ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumakbo habang umiiyak.
Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Dahil ba pagkatapos nito lalayuan na din niya ako? Dahil ba unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtanggi niya saakin?
Hindi ko na alam. Ayaw kong lumayo silang lahat saakin.
Ayaw kong mawala ang mayroon ako ngayon. Tama na ang pag-alis ng isa. Tama na.
***
malapit na ang pagtatapos! >:)))
basahin niyo LOST DIARY! Promise pampatanggal BV yun *O*
magvote at comment! Hindi ako makapili ng magandang comment sa last update! Sa dami ng mahahaba at may sense na comment doon deserve niyo lahat maging detective prover!!! Mahal na mahal ko na kayoooo *O*
May trabaho na ako kaya hindi ko alam kung madalas pa din ang update. oo Madalas na ito para saakin XD Anyway INGAT!
sorry sa UD!!! Vote at mag-iwan ng comment! PLEASE? lumitaw na mga silent reader!!! Natutuwa ako sa mga nagcocomment na SR e! Ang hahaba magcomment! hahahaha
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Ficção Adolescente[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...