si Ivy ang nasa gilid XD
Chapter 21
“Oh and please, don’t call me Dee. I’m Andrea. Coreen Andrea Singson, Zydn. Remember that. Please kalimutan mo na kung anong alam mo at kakalimutan ko na din na nag-usap tayo tungkol sa nakaraan ko”
***
Pagkatapos naming mag-usap iniwan ko na siya.
Ilang araw din kaming hindi nagkikita o nagkakasalubong man lang sa school. Same through with Andie, hindi na kami nakakapag-usap dahil na din siguro sa ginawa ko noong nakaraan.
“Coreen paano na ito? Wala pa akong damit para sa party” iyak saakin ni Ivy. Nandito kami ngayon sa bahay nila, sa kwarto niya, naghahalungkat ng damit na maisusuot niya.
“Coreen!” natataranta na siya kaya naman lumapit na ako sakanya at ako na ang naghanap ng damit niya.
“heto” kuha ko sa itim na dress niya.
“ayoko nito. Masyadong revealing Coreen” arte talaga. “o heto” hinagis ko sakanya yung corset dress na may flower design sakanya.
“sa kambal ko ‘to Coreen. Hala! Lagot na talaga ako”
“isuot mo nalang. Hindi ba nagpapahiram ang kambal mo?” iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto nilang magkapatid.
“kung ayaw mo edi heto nalang” itinaas ko yung red dress na kanina ko pa hawak hawak. Akin ito, pero ayaw niya dahil masyado daw maiksi. Ang arte. Pinapahiram na nga.
“heto na nga lang” kinuha niya yung corset dress ng kapatid niya na kulay violet at may design na flowers pa sa ibaba.
May party sa school. Hindi ko alam kung para saan pero excited ang lahat dito. Sabi nila, doon lang kasi pinapayagan ang mga lalaki at babae na magkasama talaga. Para siyang JS prom pero hindi naman. High School day kung tawagin nila. Walang teachers, walang magsusupervise. Student Council lang.

BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Ficção Adolescente[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...