Chapter 14
“anong problema Andrea?” iyan agad ang tinanong saakin ni Andie pagkakitang-pagkakita palang niya saakin.
“Your gray T-shirt suits you; I like your hair style today too. Well, are you seducing me Andie?” I asked smirking.
Pumikit lamang siya at saka huminga ng malalim, yung tipong ang laki kong problema. Yun ang naging dating saakin.
“tama na yan” inagaw niya ang hawak kong glass of beer. “hwag ka ng uminom. Sabihin mo sakin”
Umiling lang ako. Ayokong sabihin sakanya. Kinakabahan lang ako, naguguluhan. Hindi naman dapat pang pag-usapan pa.
“wala nagyaya lang naman ako uminom kasi parang may problema ka” lihis ko. Kahit hindi ko alam kung meron nga ba talaga. Wala naman akong pakialam kung may problema siya o wala.
Sinubukan kong kalimutan yung nakaraan, sinubukan kong mamuhay ng hindi iniisip yun. Sinubukan ko. Pero hanggang ngayon nasa nakaraan pa din pala ako.
Pilit nilang binabalik saakin ang nakaraang ayoko ng maalala. Sinubukan kong kalimutan pero hindi ko magawa. Hinayaan ko nalang.
“Andrea what’s wrong?” umupo siya at hinawakan ang pisngi ko. Mali, hindi niya hinawakan ang pisngi ko, pinunasan niya ang tumulong luha galing sa mata ko.
“I’m just tired of this fucked-up life Andie. Sa pamilya pati na din sa mga araw-araw na pangyayari. Paulit ulit nalang”
“sshhh tama na” niyakap niya ako at pinapahintong umiyak. Bakit ba kapag nakayakap siya saakin ang gaan gaan ng pakiramdam ko? Bakit ngayon ko lang naramdaman ‘to?
“bakit hindi mo ako nilapitan nung nakita mo ako?” gusto kong malaman. Bakit hindi niya ako nilapitan noon? Bakit hindi niya ginawa ang ginagawa niya saakin ngayon?
“bakit ngayon ka lang dumating Andie?” pilit kong pinupunasan ang kung anong dumadaloy sa mga pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Prove Me Wrong
Teen Fiction[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging ganito ako. Ang pagiging iba sakanila, ang ugaling taglay ko at ang paniniwala ko ang tanging mayroon ako para maprotektahan ang sarili ko. Hind...