Chapter 1 √

464 19 0
                                    

Nagawa kong makatakas sa mansyon. Nasa airport na ako. Nakapag withdraw na rin ako ng kunting pera dahil nagkulang ang cash ko at sa Pilipinas nalang ako mag wi-withraw ulit sana lang hindi pa malaman nila na wala na ako ron. Mag o-open na lamang talaga ako ng bagong account at ililipat ko ron ang pera. Mas okay yun.

Nasa eroplano na ako. This is it. Halo halo ang emosyon ko ngayon. Saya dahil makakalaya ako, lungkot dahil maiiwan ko sila mommy at kaba. Kaba dahil diko alam kong ano ang magiging buhay ko ron.

Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko ron. Pero sana maging okay lang. But for now, I need to rest. Masyado na akong napagod sa araw na ito.

Nagising ako nang may tumapik sa akin. Isang FA. "Ma'am sorry for interrupting your sleep but the plane is landing you need to wear your seatbelt" sabi niya kaya napatango na lamang ako.

Bumalik na sa pwesto ang FA kaya nag seatbelt na ako agad.

Maglalanding na pala. Napahaba tulog ko.

Nang mag landing ang eroplano at makalabas ako ay bumungad kaagad sa akin ang mainit na hangin kaya hinubad ko ang blazer na suot ko.

'Ang init naman' reklamo ko sa aking isipan.

Nagawa ko na ang dapat kung gawin, bago pa napawalang bisa ni daddy ang cards ko ay nalipat ko na ang pera sa ibang account. Sinira ko na rin ang cellphone ko para hindi ako ma trace. Lahat nang communication ko sa kanila ay wala na.

Alam kong ma te-trace nila daddy kung saan ako last gumamit nang card kaya malalaman nilang nandito ako pero gumamit ako ng pera para hindi na nila ma trace yun may kinontact ako para magawa yun, I even dispose my card at ang naiwan na lamang ay ang bago.

"Now, anong gagawin ko?" I asked myself.

Argh, nagpunta ako rito nang walang plano.

'Paano nato? Hindi pa naman ako pamilyar dito.'

'Okay, don't panic Zy, kaya mo to.'

Naglalakad na ako papunta sa may sakayan dito. Malapit pa rin kasi ang lugar sa airport at may mga naka abang naman na taxi sa labasan.

Habang kumakain ako kanina sa malapit na kainan ay nag search ako nang pwedeng mapag stayhan.

I have three choices, first choice bibili ako nang bahay, second choice bibili ako nang condo na mas mura kaysa sa bahay. Or the third choice, I will rent an apartment na mas nakakatipid pero buwan buwan ang bayad.

So I'll go for the second choice, bibili na lamang ako nang condo. Alam ko naman ang mga gawaing bahay so wala na akong problema ron kahit ako lang mag isa.

Kung sa apartment kasi baka may ka share ako nang rooms, na ayoko. And also ayoko nang maraming tao sa isang bahay. Baka may makaalam din sa sekreto ko. It's a very big no.

Kung bahay din kasi ang bibilhin ko malaki ang mababawas sa pera ko at kailangan ko pang mag hire nang mga katulong para maglinis nang bahay dahil malaki laki yun kaysa sa condo kaya mas gastos. So I'll go for condo nalang talaga.

Nakasakay na ako sa taxi at nakapag decide na ako kung saan ako bibili nang condo. Nag search din kasi ako habang nakasakay ako. Na contact ko na rin ang may ari. Bumili na rin kasi ako nang bagong phone. Malayo layo pa raw yung lugar kaya iidlip muna ako. Mabait naman si manong.

Pagkarating namin sa lugar ay kitang kita ko ang magarang gusali. Ito kasi pinili ko for security purposes na rin.

Pagkababa nang mga gamit ko ay nagbayad agad ako sa driver. Dumiretso agad ako sa opisina nang building para makausap nang personal ang may ari. Medyo natagalan pa nang kunti kasi may isang client pa raw siya na kinausap na gusto ring mag occupy nang isang unit.

Pinakita niya pa sa akin ang mga design nang bawat kwarto hanggang sa napili ko ang isang medyo may kalakihang kwarto na mayroon na ang lahat. May iba kasi na ang mag o-occupy pa nang unit ang gagastos para sa mga gamit.

Yun na ang unit na kinuha ko kaya binigay ko na ang card ko para makabayad ako kaagad. Pagod na ako gusto ko nang magpahinga.

Nakarating na ako sa condo ko. Sinamahan pa nga ako kanina nang may ari. Medyo pricey talaga siya kasi maganda yung condo.

Pagkapasok ko rito ay namangha pa ako dahil sa ganda nang loob nito. May dalawang room din. Yung isa ay guest room kaya rin pricey siya.

Mamaya ko na lang aayusin ang mga gamit ko. Nakakapagod ang araw na to. Wala pa akong magandang tulog.

Dumiretso ako sa banyo, naligo at nagbihis. Magpapahinga muna ako. Nakakapagod. I know this time pinaghahanap na nila ako. Sana hindi nila ako mahanap agad, 'Agad' natawa ako sa naisip ko dahil alam ko gagawin ni daddy ang lahat mahanap lang ako at gagamitin niya ang lahat nang koneksyon niya.

Nakaupo na ako sa kama ko habang iniisip ang ginawa ko. 'Ano na ang gagawin ko bukas nito?' 'Makakaya ko bang makisalamuha sa bago kong buhay?' Ang hirap nang mag isa lalo pa at hindi ako sanay pero kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko.

Diko alam na tumutulo na pala ang luha ko. Iniisip ang mga bagay na ginawa ko para sa kanila ni daddy. Sa pagpilit nilang ipagawa sa akin ang ayaw kong gawin, ang pagkontrol sa buhay ko. Kung sana hindi nila ginawa ang desisyon na yun hindi ko to gagawin. Pero ayaw kong habang buhay akong kontrolin nang mga tao sa paligid ko.

Gusto ko ako lang ang kokontrol sa buhay ko dahil buhay ko to. Gagagawa ako nang paraan para hindi matuloy ang kasal, bago ako mahanap nila daddy. Pero ngayong wala pa akong maisip kailangan ko munang magtago.

Nakakapagod mag isip. Humiga na ako sa kama. Hayyy, ang sarap sa pakiramdam. Makakapagpahinga na ako nang maayos.

Bukas ko na iisipin lahat nang bagay. Kung ano ang mga susunod kong gagawin. Kung ano na ang magiging buhay ko simula bukas.

Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod na nararamdaman ko.

---------------------

^_^




Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon