Chapter 24 √

222 11 0
                                    

Here I am in a bar with Ced. Sinamahan niya ako rito, since that day happened, I became so lost. Parang may nawalang parte sa buhay ko.

"Bro, ganito na lang ba ang gagawin mo? Magpapakalasing? Magpapakawasak? Hays, sabi ko naman kasi sayo noon pa-"

"Just shut up Ced, kung tatalakan mo nalang ako diyan umalis ka na lang" sabi ko sa kanya na may halong inis.

Ang sakit na nang ulo ko sa mga sinasabi niya. Tanggap ko na, sana nakinig na lang ako. Pero tapos na eh, nangyari na ang mga dapat nangyari.

He's not just my boss, kaibigan ko siya. Not just a friend but a best friend. Palaging nasa tabi ko sa lahat nang pagkakataon.

"Bahala ka, paano ang trabaho mo?" Aniya.

"Ayoko munang tumanggap nang misyon." Sabi ko sa kanya. Ayoko muna, magpapahinga muna ako sa mga misyon.

"Ikaw bahala, by the way, nagpadala sa akin nang invitation ang kapatid mo para sa kasal nila, pumayag na daw kasi si Ylle eh" aniya kaya napatigil ako sa pag inom ko. Naibaba ko ang baso ko at tumingin na lamang sa kawalan.

Masakit, pero wala na akong magagawa.

"Hm" sabi ko na lamang nang biglang mag text sa akin si Raph. Agad kong tiningnan ang phone ko at binasa ang text niya.

Brother

   Napadala ko na ang invitation sa tinutuluyan mo, be there okay? Dito sa Pilipinas gagawin ang kasal.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Masakit no?" Sabi ni Ced kaya sinamaan ko siya nang tingin na ikinailing niya lang. Alam niya na ang lahat. Well, he's my friend, palagi siyang may alam.

Oo masakit, sobra. Malaman mo lang na ikakasal sa iba ang babaeng mahal mo, sibrang sakit parang gusto kong magwala.

Diko namalayang umiiyak na naman ako. Napatawa ako nang mapakla. Nagiging iyakin na ako sa mga lumipas na araw. Agad kong  pinunasan ang luha ko para hindi makita ni Ced.

"Bro, kailangan na ako sa trabaho, mauna na ako sa iyo. Huwag kang gumawa nang gulo ah" aniya kaya tumango lang ako.

Umalis na nga siya kaya naiwan akong mag isa dito sa bar.

Ilang araw na akong naglalasing, dahil gusto kong makalimot. Gusto kong kalimutan ang sakit na nararamdaman ko pero kinabukasan kapag nawala na ang kalasingan ko ay ganon pa rin, nandoon pa rin ang sakit.

Umalis na lamang ako sa bar, dumiretso ako sa parking lot. Bubuksan ko na sana ang pinto ko nang may humila sa braso ko at dinala ako sa isang tahimik na lugar dito sa parking lot.

Agad kong napagtanto kung sino sila kaya nagpahila na lamang ako.

"Yuan" pagtawag niya sa akin.

"Bakit?" Ginawa ko na namang blanko ang mukha ko.

"Ang tagal naming naghanap sayo na tinakot ko pa yung Ced na yun para lang malaman kong asaan ka. Bw*sit na lalaking yun." Sabi niya na may halong inis.

"Oh? Natakot mo si Ced? Bago yun ah" sabi ko. Gusto ko mang tumawa pero nasa seryosong sitwasyon kami ngayon.

"Okay, just go straight to the point Ayna, gusto ko nang umuwi" pagrereklamo ni Amia kaya napairap si Ayna. Yeah, sila nga.

"Okay, I know that you know ang tungkol sa pagpapakasal ni Ylle diba? Pumayag na siya." Pagsisimula niya, napatango na lamang ako.

I knew it, its about Ylle.

"Hindi mo ba pipigilan? Wala ka bang gagawin?" Pagtatanong ni Ayna, I was taken aback by her question. Bakit? May magagawa pa ba ako?

Hindi ako sumagot, pinanatili ko lang ang blankong mukha ko.

"Argh, ano pa nga ba? Nagsasayang lang tayo nang oras dito Ayna, tayo nalang ang tumulong kay Ylle." Pairap na sabi ni Amia.

"No, may isang tao lang ang kailangang gumawa nun, and it's Yuan" sabi ni Ayna na nakatingin sa mata ko.

"Ano ba talagang gusto niyo?" Nababagot na tanong ko. Tulungan si Ylle? Sa alin? Sa ano? Saan siya tutulungan?

"Alam mong ayaw ni Ylle sa kasal na yun, alam mo yan Yuan. Ang gusto ko lang naman ay gumawa ka nang paraan para hindi matuloy yun" sabi ni Ayna sa akin na hindi pa rin tinatanggal ang seryosong tingin niya sa akin. Oo nga pala, kaya nga siya tumakas eh. Ang tanga mo Yuan.

"Bakit ako?" Pagtatanong ko. Wala na akong magagawa ron.

"Kasi alam kong mahal mo siya" mapanghamong sabi ni Ayna sa akin.

Napatiim bagang na lang ako.

"Rinig mo naman ang sinabi ko noon diba? Nandoon ka,saksi ka sa mga sinabi ko, sabi ko laro lang ang lahat nang yun" pagtatanggi ko sa katutuhanang sinabi niya.

"Don't lie to me Yuan, I know deep inside you, your hurt. Alam ko Yuan, dahil kitang kita ko ang mga kilos mo kapag kasama siya, you're being you when she's with you. I know you love her and your in pain right now because of what you've done" siguradong sabi niya.

Napailing na lamang ako at pekeng tumawa. Tama siya, tamang tama siya pero diko kayang aminin.

"Paniwalaan mo ang mga pinapaniwalaan mo, pero lahat nang yun ay laro lang" sabi ko at akma nang aalis nang mapahinto ako sa sinabi niya.

"Then, sabihin mo nga sa amin na hindi mo siya mahal. Paniwalain mo kaming hindi mo talaga siya mahal at titigilan ka na namin" mapanghamong sabi niya.

Napakuyom nalang ako sa kamao ko. Gusto kong itanggi, gusto kong itanggi pero walang lumalabas sa bibig ko dahil iba ang sinasabi nang puso ko.

"Bakit hindi mo masabi? Ano? Hindi mo siya mahal? Sabihin mo nga. Iparinig mo sa amin." Dagdag pa niya.

Mas lalo kong diniinan ang pagkuyom nang kamao ko dahil sa inis sa sarili ko. Ang hirap, ang hirap sabihin dahil alam nang puso ko ang totoo.

"Ano? Sabihin mo na. Ang bilis lang sabihin nun oh, ang bilis lang. Bakit di mo masabi? Hah? Dahil mahal mo siya, tama ako diba? Tama-" nag init na ang ulo ko at pinutol ko ang sinasabi niya.

"Oo na, tumigil kana. Oo na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya, sobrang mahal ko siya pero anong magagawa ko? Wala. Wala nang magagawa ang pagmamahal ko Ayna. Nasaktan ko na siya, ikakasal na nga siya diba!" pagpapakatotoo ko sa kanila. Naramdaman ko pa ang pagtulo nang luha ko. Ang sakit pa rin talaga.

Nakita ko ang awa sa mata nila kaya nag iwas ako nang tingin.

"May magagawa ka pa, may magagawa ka pa Yuan. Mahal mo siya diba, ipaglaban mo siya, patunayan mo sa kanya na mahal mo siya. Alam mong mahal ka rin niya." Aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong magagawa ko?" Tanging naitanong ko nalamang. Sumibol sa dibdib ko ang kunting pag asa sa puso ko.

"Edi itakas mo siya" suhestisyon ni Amia kaya napakunot ang noo ko.

"Yeah, run away. Run away with her. Tumakas kayo, itago mo siya. Yun pa lang ang naiisip na paraan namin ngayon para hindi matuloy ang kasal sa susunod na araw" sabi ni Ayna.

"Paano kung hindi siya sumama? Tsaka saan naman kami pupunta?" Pagtatanong ko.

"Tutulungan ka namin, we have a private place. Kami lang ang nakakaalam nun maliban sa dating may ari. We have an Island, you both can stay there, basta ikaw na ang bahala para maitakas mo si Ylle don" sabi ni Ayna kaya mas nabuhay ang pag asa sa puso ko.

"Thank you," tanging nasambit ko nalamang.

"I know hindi magiging madali ang lahat but please, kayanin mo, kayanin niyo. I'm counting on you Yuan, bukas mo na sa gabi gawin ang pagtakas mo sa kanya, maghihintay kami ron. I will just send you the exact location" aniya kaya napatango na lamang ako.

Just wait for me Ylle. I promise, I will get you there.

---------------

^_^

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon