"MANLOLOKO KA, PINAGKATIWALAAN KITA! I HATE YOU! I Hate you!' sigaw ko nang pahina nang pahina ang boses dahil sa paos na boses ko. Iyak lang ako nang iyak.
Nandito na ako sa mansyon namin sa Pilipinas, dito kami dumiretso ni daddy pakatapos nang eksinang yun sa school.
Nasabi na rin sa akin ni daddy ang tungkol kay Yuan, na kapatid siya ni Rapha sa ama kaya Ville ang gamit niyang apilyedo at hindi Gibson. Dahil yun ang apilyedo nang mommy niya.
At totoo ngang agent siya, he's done attending school, sa misyon na lang talaga yung lahat. Para akong tanga. Hindi rin totoo na 21 na siya, he's 25. What a great actor.
Lahat nang makita ko sa kwarto rito ay winawasak ko, inilalabas ko lahat nang galit ko. Ang sakit, ang sakit eh.
Pinagkatiwalaan ko siya, tapos laro lang pala lahat nang yun para sa kanya. Para hindi siya ma bored sa misyon niya sa akin. P*tangina niya.
Napaupo na lamang ako sa sahig ko na puno na nang bubog dahil sa dami nang nawasak ko. Wala na akong pakialam kung nagkanda sugat sugat na ako.
I burst out into crying again when I remembered what he said to me.
I'm crying and I didn't notice my mom's presence behind me. I just noticed it when she hugged me so tight that I felt so comfortable.
"M-mom" pagtawag ko sa kanya.
"Hush baby, mommy's here." Paakasabi niya ron ay mas lalo akong napaiyak.
"I'm sorry mom. I'm sorry." Nasabi ko na lamang.
Dahan dahan niya akong tinayo sa pagkakasalampak ko sa sahig at inalalayang maupo sa kama ko.
"I hate him mom, I hate him" parang batang pagsusumbong ko kay mommy.
Sumbong lang ako nang sumbong kay mommy sa araw na yun. Hindi ko na lamang namalayan na nakatulog na pala ako.
Sa bawat araw na lumipas ay parang naging manhid na ako nawala na yung nararamdaman kong sakit, but once na bumabalik sa isip ko yung sinabi niya ay bumabalik din yung sakit.
Hindi pa kami bumabalik sa States for business reason.
Minsan ay naririnig ko sila mommy na nag aaway because of the wedding na tinututulan ni mommy.
-----
"Leandro, huwag mo na kasing pilitin ang anak mo sa gusto mong pagpapakasal. Malaki na siya, hayaan mo na siyang magdesisyon sa buhay niya." Dinig kong sabi ni mommy kay daddy noong isang araw na narinig ko sila.
"Helen, alam mong para rin sa kompanya ang ginagawa ko. Para rin ito sa kinabukasan niya." Rinig kong sabi naman ni daddy.
"Huwag mo siyang itulad sa atin-" hindi ko na tinapos pa ang pag aaway nila at bumalik na lamang sa kwarto.
--------------
Wala akong ganang kumain sa bawat araw na lumipas, pero kumakain naman ako para hindi ako magkasakit.
Ayoko namang pabayaan nang ganon ang sarili ko. Ayokong masira ang buhay ko dahil dun, pero ang sakit pa rin kasi.
Hindi ko namalayan na tumutulo na yung luha ko.
Ang sakit sakit pa rin.
Siguro tama nga si daddy. Para rin sa future ko yung ginagawa niya. Para na rin sa ikabubuti ko at nang kompanya.
Siguro hayaan ko na lang, pagod na akong tumakas. Pagod na rin akong magtago.
Siguro naman ay matututunan ko ring mahalin si Rapha pagdating nang panahon diba?
Kahit anong gawing pahid ko sa luha ko ay hindi ito maubos ubos.
Ang sakit pa rin talaga.
May kumatok sa pinto kaya agad ko itong pinuntahan. Binuksan ko ito at bumungad sa akin si mommy na may dalang pagkain.
I force a smile to her.
"Anak, huwag mong piliting ngumiti kung hindi pa talaga kaya, okay? Breakfast in bed?" Aniya at ngumiti sa akin.
Tumango tango lang ako at pinapasok siya.
Inilapag niya ang dala niya at nagsimula na akong kumain. Tahimik lang akong kumakain habang si mommy naman ay nakatingin lang sa akin.
"Mom" pagtawag ko rito.
"Yes baby?" Aniya. She became my shoulder to cry on this past few days at natutuwa ako ron dahil hindi niya ako iniwan.
Hindi rin siya nawawalan nang advice sa akin, sabi niya alam niya yung nararamdaman ko dahil katulad ko ay fixed marriage lang din sila ni daddy.
Nagplano rin daw siyang tumakas nun pero hindi natuloy dahil sa higpit nang security. Pero nag work naman daw ang sa kanila ni daddy. Natuto nilang mahalin ang isa't isa.
So kung gumana nga sa kanila ni daddy, why not sa akin diba.
"Mom, papayag na po ako sa kasal" sabi ko na nagpagulat kay mommy.
"Anak, huwag kang magpadalos dalos nang desisyon, baka pagsisisihan mo yan." Sabi ni mommy sa akin.
Oo may pagdadalawang isip pa rin ako lalo na kapag naiisip ko si Yuan pero buo na ang loob ko.
"Mom, nag work nga ang sa inyo ni daddy diba? Siguro matututunan ko ring mahalin si Raphael diba?" Sabi ko.
"Kung yan ang gusto mo anak, pero kung magbago isip mo, sabihan mo lang si mommy okay?" Aniya at hinaplos ang mukha ko.
Tumango lang ako. Ang swerte ko sa mommy ko.
"I love you mom" sabi ko sa kanya at niyakap siya.
"I love you too baby" aniya at niyakap rin ako pabalik. Hinagkan niya rin ako sa noo kaya napangiti ako.
Nagpatuloy na ako sa pagkain ko at si mommy naman ay lumabas na nang kwarto ko. Sinabihan ko naman siyang ako na ang bahala sa kinainan ko.
"Sana lang ay hindi ko pagsisihan ang desisyon ko."
Pagkasabi ko nun ay tumulo naman ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan.
"Tama na ang iyak Ylle, kalimutan mo na siya."
Alam kong mahirap pero kakayanin ko, pero may parte pa rin sa puso ko na umaasa na sana hindi totoo ang mga sinabi niya. Na sana totoo yung sinabi niyang mahal niya ako. Na sana totoo yung mga pinaramdam niya sa akin noon. Kasi ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya nun eh. Pero di ko na alam. Ayaw ko nang alamin baka mas masaktan pa ako.
Siguro kakalimutan ko nalang siya. Ayoko nang umasa pa, ayoko na. Masyado na akong nasasaktan.
Tatanggapin ko na lang ang kapalaran ko.
--------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Running Away (Completed)
RomanceRunning away is the only way for Zyrine to escape from all the problems she is facing. Isa sa dahilan ng kanyang pagtakas ay ang kalayaan. Kalayaang gawin ang gusto niya, na walang komokontrol sa kanya. Gusto niyang maging malaya sa kanyang mga magu...