Chapter 26 √

222 9 0
                                    

Katahimikan, yan ang bumabalot sa amin ngayon. I'm driving right now papunta sa Island nila Ayna, may susundo lang daw sa amin na Yacht pagdating namin sa dalampasigan.

Napapayag ko siyang sumama sa akin,   and it's like a very big achievement for me.

Tahimik lang siyang nakamasid sa daan, ni hindi nga lumilingon sa pwesto ko.

Nasasaktan ako kasi hindi ko na nakikita ang dati niyang malawak na ngiti sa labi na nakakapagpangiti rin sayo kapag nakita mo.

Wala na ang ngiting yun, and I know I'm the reason. I hurt her, and I'm so stupid for hurting her and now I'm begging for forgiveness? Napatawa na lamang ako naiisip ko, I think I'm crazy.

Walang salita ang namutawi sa pagitan namin, nakita ko na lamang siyang nakatulog sa pwesto niya kaya napangiti na lamang ako.

Hindi ko alam kung bakit, hindi man lang ako dinadalaw nang antok ngayon, it's 3 in the morning, at hindi talaga ako inaantok.

I just continue driving, it's 5 in the morning when we reached our destination, gising na rin si Ylle, pinarada ko ang kotse ko at bumaba na, mabilis akong umikot para pagbuksan sana siya pero naunahan na niya ako, nakalabas na siya nang puntahan ko.

Nag inat inat na lang muna ako, ang sakit nang katawan ko.

Nakarating kami sa may dalampasigan at sumakay sa yate na nakaabang doon.

Agad ko siyang inalalayan nang paakyat na nang tinabig niya lang ang kamay ko, nakaramdam ako na parang may kumurot sa puso ko.

Hindi ko na lamang yun pinansin at umakyat na rin sa yate. Pinaandar na kaagad ito nang makapasok na kami.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang makarating nga kami sa isang pribadong isla. Agad akong napahinga nang malalim nang malanghap ko ang sariwang hangin.

Nakita ko naman ang pagngiti ni Ylle kaya napatitig ako sa kanya.

'Oo nga pala, she loves nature.'

Napansin niya siguro ang pagtitig ko kaya napatingin siya sa pwesto ko at dahan dahang nawala ang ngiti sa labi niya at bumalik ang malamig na pagtingin niya sa akin kaya napaiwas na lamang ako nang tingin.

Nakadaong na kami at agad akong bumaba para matulungan siya bumaba pero iniiwasan niya talagang mapalapit sa akin at kinaya niyang bumaba mag isa.

Napayuko na lamang ako at napabuntong hininga.

"Kaya mo pa, kayanin mo Yuan" pagbo-boost ko sarili ko.

"Kyahhhhhhh, Ylle" Agad naman akong napalingon ng marinig ko ang tili na yun. At hindi nga ako nagkamali si Amia ang tumili.

"Ylle, na miss kita" agad din namang sabi ni Ayna nang makalapit siya. Ngumiti pa nga siya sa akin nang mapadako ang tingin niya sa akin.

" Na miss ko rin kayo, thank you for doing this guys, I appreciate it. But, ayokong madamay kayo rito." sabi naman ni Ylle na may maliit na ngiti sa labi.

"Ylle, we're friends right? Ano ba ang ginagawa nang magkakaibigan?" Sabi ni Ayna.

"Yeah, but-"

"No buts, lets go. Sa loob tayo magchikahan. Magpahinga na rin muna kayo, alam kong pagod kayo" sabi ni Ayna.

Naglakad na nga kami papunta sa tutuluyan namin, pagkapasok namin ay agad akong namangha sa ganda nang interior nang bahay.

"Sige na magpahinga na muna kayo, Ami, samahan mo si Ylle sa kwarto niya" utos ni Ayna rito

Tumango lang naman si Amia at iginayak na si Ylle sa taas.

Nang mawala na sa paningin namin sila Ylle ay agad namang humarap sa akin si Ayna.

"Paano mo siya napapayag?" Pang uusisa niya kaya kinwento ko na lamang sa kanya ang mga nangyari.

"Don't worry, tutulungan ka naming makipagbati kay Ylle, alam kong kunting push na lang niyan magiging okay na kayo, na explain mo na eh. Hindi pa lang niya siguro matanggap" aniya.

"No, ako nang bahala, ang laki na nang naitulong niyo sa akin. Kaya ko na to, I promise hindi ko sasayangin ang pagkakataon na to" sabi ko sa kanya.

"Oh sige, ikaw bahala. Bukas na bukas aalis kami, kayo na bahala rito hah, magpapadala na lamang kami nang supplies niyo" aniya kaya tumango na lamang ako sa kanya.

"Thank you Ayna" sinserong sabi ko.

Nang matapos ang usapang iyon ay agad akong umakyat na ako sa sinabi ni Ayna na magiging kwarto ko.

Nang makapasok ako ay agad akong nagpunta sa banyo para maligo at magbihis.

Nang matapos ako ay agad akong sumampa sa kama ko at doon ko lang naramdaman ang pagod ko.

Naalala ko ang mga nangyari kanina. At isa lang ang gusto kong gawin, gagawin ko ang lahat para maging okay ulit kami ni Ylle.

I will do my best para mabuo ulit ang nasira kong tiwala niya. Kahit ilang beses pa niya akong ipagtabuyan, hinding hindi ako susuko sa kanya.

Dahil na rin siguro sa pagod na nararamdaman ko ay agad akong nakatulog.

Nang magising ako nang kinagabihan ay bumaba ako para kumain dahil nagutom ako.

Pagkababa ko ay nakita ko sila sa sala nagtatawanan kaya dumiretso na ako sa kusina.

Nag handa ako nang makakain ko, mukhang ako na lang naman kasi ang hindi kumakain.

Natapos akong magluto ay agad akong kumain at nang matapos ako ay agad kong hinugasan ang mga nagamit ko at pinunasan.

Nang matapos ako ay agad akong naglakad paakyat not minding them, pagod na pagod pa ang katawan ko eh, gusto ko pang magpahinga.

Nang makarating na ulit ako sa kwarto ko ay nagsipilyo lang ako at naghilamos. Pagkatapos ay agad akong sumampa sa kama ko.

Hindi na ako nag isip pa nang kung ano ano dahil hanggang ngayon ay parang pagod na pagod pa rin ang katawan ko.

Bukas ko na lamang iisipin lahat nang aksiyong gagawin ko upang mapalapit ulit kay Ylle, kailangan kong gumawa nang paraan para mabalik ko ang tiwala niya sa akin.

Gagawin ko ang lahat mabalik ko lang ang magagandang ngiti sa labi niya, gagawin ko ang lahat maparamdam ko lang sa kanyana totoo ang pagmamahal ko sa kanya.

"I love you Ylle, at gagawin ko ang lahat bumalik lang tiwala mo sa akin ulit." Anas ko.

Ilang minuto lang ay nakatulog na ulit ako.

---------------------

^_^

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon