It's been a week since the class started. Okay naman lahat sa school, namamanage ko nang maayos ang schedule ko. Ang hirap sa una lalo pa at kailangang mag adjust pero natuto na akong e-manage nang maayos ang schedule ko at nakatulong talaga ito para maging magaan ang mga gawain ko.
Kung noon pagkauwi ko ay aral pa rin inaatupag ko ngayon trabaho na and it really felt different. Kung noon sakal na sakal na ako sa pag aaral ngayon na e enjoy ko na ang bawat oras nang pag aaral ko.
Walang expectations na dapat lampasan. I feel free, at ito ang gusto ko. Kahit mahirap dahil hindi ako sanay ay nakakaya ko naman mamuhay mag isa. Nakakaya ko na, nasasanay na ako.
Nakarating na ako sa school at bumungad agad sa akin ang pagmumukha nang dalawa kong kaibigan. Sa isang linggong magkasama kami mas lalo kong nakikilala sila, mas lalo na akong napapalapit sa kanila.
Diko na alam kung ano na ang kinalabasan nang paghahanap nila daddy ngayon pero sana hindi pa nila ako matunton.
"Hey Ylle" bungad ni Ayna sa akin.
"Hey" sabi ko lang. "Yow Ami, anong mukha yan?" Tanong ko. Nakabusangot kasi siya.
"Hindi kasi pinansin nang crush niya hahaha" sabi ni Ayna at tinawanan pa kaya nakatanggap siya nang masamang tingin kay Ayna. Natawa na lang ako.
Crush niya ay si Leo, yung tumawag sa akin na bitch, walang hiya lang. Magkakilala din pala sila nung Yuan.
Speaking of Yuan, suplado nga talaga, minsan na namin silang nakasama sa isang group activity and yeah, makapag suplado parang may regla.
Well, change topic.
Pumasok na kami sa room namin nang tumunog na ang alarm. Agad namang pumasok ang ibang students at kasunod nun ay ang prof namin.
Nalipat na rin ang seating arrangement namin base na rin sa mga apilyedo namin. Parang elementary lang.
Nagdidiscuss lang si Prof when someone knock in our classroom.
Binuksan kaagad ito ni Prof ang pinto at mukhang may pinag usapan pa. Nagbasa na lang ako sa topic namin sa libro. Ilang minuto lang ay bumalik na si Prof sa loob nang classroom.
"So class, may gagawin kaming mga teachers. May meeting ang buong faculty staff kaya hindi na matutuloy ang pag didiscuss ko nang topic kaya basahin niyo na lang dahil next meeting ang magpaparecitation ako at magpapaquiz" mahabang paliwanag ni Prof.
May ibang nadismaya kasi recitation na naman daw at may quiz pa. Last week kasi nagparecitation pa siya. Sa side ko naman okay lang sa akin kasi nabasa ko na naman ang topic na yun.
Pag wala na kasi akong ginagawa ay nag a-advance study ako sa mga lessons para kapag may surprise recitation nakakasagot ako kaagad.
"Walang magrereklamo. Okay class dismissed" aniya at naglakad na paalis.
Tatayo na sana ako para lumabas na rin nang makita ko ang mga kaklase kong nakatingin sa akin. Nagtaka naman ako sa mga kinikilos nila.
"Ylle, alam mo namang palagi kang nakaka Ace sa recitations natin eh. Patulong naman kami oh" sabi nang president namin sa classroom.
Napatingin naman ako sa mga iba kong kaklase at nakita ko ang pagtango nila kasama na ang dalawang kaibigan ko.
"Hah, ah... ehhh paano ko kayo tutulungan?" Tanong ko. Hindi naman nila ako binubully unlike sa ibang school na nang bubully nang mga nerds.
"Diba hindi nag discuss si Prof? Pwedeng tapusin mo? Please matagal pa naman ang time eh. Kailangan namin nang tulong mo, hindi kasi lahat sa amin ay natututo sa self study" sumang ayon naman ang iba.
Hindi ko alam. Hindi ko alam kong paano magpa intindi nang lessons sa iba. Pero sa tingin nila sa akin ngayon na nangangailangan talaga nang tulong ay pumayag na lamang ako.
Sa buong time nang subject na yun ay nag discuss ako sa buong topic. I tried my best para maipaintindi sa kanila kahit na nabubulol ako minsan sa tagalog ko.
"Okay, done. I hope naintindihan niyo ang buong topic. Sana nakatulong ako" sabi ko habang nililigpit ang gamit ko.
"Ylle thank you" sabay sabay na sabi nila kaya na shock ako. Tiningnan ko sila at ngiti lang nila ang nakita ko. Ang saya sa feeling na nakatulong ako.
"I'm glad na nakatulong ako" sabi ko.
"The best ka Ylle, next time ulit ah, mas magaling ka pa mag discuss kaysa kay Prof" sinang ayunan naman yun nang iba kaya sinita ko sila dahil baka may makarinig.
"Salamat talaga Ylle, tataas na talaga grades namin dito" sabi pa nung isang kaklase ko.
Nagsilabasan na silang lahat at puro pasasalamat lang nila ang narinig ko.
"Oiii, friend. Ang galing mo ah, may natutunan ako." Sabi ni Ayna sabay tawa. Napailing na lamang ako.
"Nakoooo, ikaw talaga. Tara na nga gutom na ako" sabi ko.
" Totoo naman kasi, natuto ako" sabi naman ni Ami kaya napangiti na lang ako. " Dahil sa ginawa mo, manglilibre ako." Dagdag sabi pa niya.
"Yun oh" sabi ko. Natawa na lamang kami.
Natawa ako sa sarili ko dahil noon ako yung puro libre sa mga kaibigan ko, ngayon naman ay tuwang tuwa na akong malibre dahil nakakatipid ako.
Pagkarating namin sa cafeteria ay bumili na kaagad kami nang pagkain tsaka naupo na.
Nagchichikahan lang kami nang may biglang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Makikiupo lang, wala nang ibang space" napalingon naman ako sa ibang table at wala na nga. "See? Tsk" aniya.
Ang weird nang lalaking to hmp.
"Xyre, bakit hindi mo kasama barkada mo?" Pasimpleng tanong ni ami alam kong si Leo hinahanap nito eh. And yeah you read it right. Si Xyre ang nasa table namin ngayon.
" They're done with their break kaya wala sila" aniya at nagpatuloy sa pagkain. Nagpatuloy na lang din ako sa pagkain ko hindi alintana ang pagtingin nang ibang students sa pwesto namin.
"You did a great job" rinig kong mahinang bulong sa akin ni Yuan bago siya umalis dahil tapos na kumain. Napamaang na lamang ako sa aking narinig.
Kinomplement ba niya ako? Ghad. I can't imagine na magsasabi siya nang ganon. Sh*t, pero bakit parang apektado ako? Yun lang naman sinabi niya ah. Aisst.
"Hey, you okay?" Tanong ni Ayna nang mapansin sigurong napatulala ako.
"Y-yeah" nauutal kong sagot. Gosh napahawak pa ako sa dibdib ko nang bigla itong tumibok nang mabilis.
What's happening to me?
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa next subject namin. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya sa akin. Gosh, Ylle bakit ka ba ganon maka react?
Natapos ang buong araw na binabagabag ako sa sinabi niya.
Minsan lang kasi magsalita kaya siguro ganon na lamang ang impact sa akin.
Umiling iling na lamang ako at umalis na sa classroom. Nauna na kasi sila Ayna.
Nang makarating ako sa condo ay nagbihis lang ako nang damit tsaka na ako dumiretso sa trabaho.
-------------------------
^_^
BINABASA MO ANG
Running Away (Completed)
RomanceRunning away is the only way for Zyrine to escape from all the problems she is facing. Isa sa dahilan ng kanyang pagtakas ay ang kalayaan. Kalayaang gawin ang gusto niya, na walang komokontrol sa kanya. Gusto niyang maging malaya sa kanyang mga magu...