Chapter 23 √

213 10 0
                                    

I'm so f*cking stupid, I'm so stupid. Pinagsusuntok ko yung pader na nasa kwarto ko. Nang mapagod ako kakasuntok at dumudugo na yung kamay ko ay huminto na ako at napaupo na lamang sa kama ko habang nakahawak sa ulo ko.

Hindi ko matanggap na nasaktan ko siya. Tahimik na lamang akong napaiyak.

Ang sakit sakit.

"I hate you"

"I hate you"

"I hate you"

Paulit ulit lang yun na nag p-play sa utak ko.

Matagal ko nang alam ang tungkol sa pagkatao niya na hindi na ako nagulat na pinagtapat niya sa akin na tungkol don.

Namangha lang ako sa angking ganda. Sinabi ko pa sa sarili ko na ang swerte swerte ko dahil nakita ko ang ganda niya. Ang swerte swerte ko dahil pinagkatiwalaan niya ako.

Pero ito ang ginawa ko, I broke my promise, sinira ko pa yung tiwala niya. Ang sakit sobra.

May rason ako, I have a reason para gawin yun at dahil yun sa mommy ko.

I need money for her surgery, kulang yung pera ko para sa gagawing surgery sa kanya, she have a breast cancer and she needed an immediate surgery para hindi mag spread ang cancer sa katawan niya especially sa utak niya.

Kaya kailangan ko ang pera sa misyon ko sa kapatid ko, malaki ang binigay niyang pera na sapat na para ma-operahan si mommy. Ayokong humingi sa daddy ko, dahil kapag nanghingi ako sa kanya ay makapalit yun.

Ayokong iwan si mommy dahil sa kapalit na yun. Ako nalang ang meron siya. I won't ever leave my mom. Never.

Matagal nang tinatago ni mommy sa akin ang sakit niyang to at hindi niya alam na alam ko dahil kasabwat ko ang doctor niya, who always gives me an update about my mom's condition.

And now nagpapahinga na si mommy dahil nagawa na ang surgery niya and I'm thankful she survive even if the situation is too risky for a surgery.

I need to pretend, I need to act that I'm not affected, even though I'm breaking into pieces.

Ang sakit, gusto kong bawiin ang lahat nang sinabi ko sa kanya.

Hindi lang laro ang lahat, oo nung una. Nung una laro lang yun, pero habang tumatagal ay hindi ko namamalayan na nahuhulog na ako.

Talo ako, una pa lang talo na ako sa laro na ginawa ko.

Kapag nakikita ko siyang kinakabahan dahil sa presensya ng mga tauhan nang daddy niya kapag lumalabas kami, gusto kong saktan ang sarili ko dahil ako yung may kagagawan nun.

Sinabi ko na nandito siya, dahil ayokong maghinala sila kung bakit matagal kong nagagawa ang misyon ko that is very unusual.

Kaya nagdesisyon akong bigyan sila nang lead, na nandito siya, at sobrang pinagsisihan ko yun. I'm also in the stage of indenial that time, I'm confused about my feelings towards her.

Pero nang marealize ko kung ano na tong nararamdaman ko, ayoko nang sabihin na nahanap ko na siya, I want to be selfish, gusto kong sa akin lang siya.

Kahit matagal ko nang alam na nahanap ko siya ay hindi ko talaga sinabi sa kapatid ko. Ayokong makuha siya, ayoko na siyang mahanap pa siya dahil ayokong malayo siya sa akin, hindi ko matatanggap na kapag nalaman nila na nahanap ko na siya at makuha nila ay ipapakasal na siya sa iba. Ayoko nun. Pero ang lupit nang tadhana. Kahit ayokong sabihin ngunit kailangan, dahil misyon ko yun, at kailangan ko ng pera. Pera para sa mommy ko.

Kung hindi lang dahil kay mommy, wala akong sasabihin. Ititikom ko ang bibig ko para hindi siya mapunta sa iba.

Pero ang lupit lupit nang tadhana, siguro karma ko na rin to sa mga nasaktan ko noon dahil sa larong ginagawa ko.

And now I really hate myself, I hate myself for hurting her, for betraying her, for breaking her trust. For hurting the woman I love.

I admit it, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya at ngayon ko lang to naramdaman nang ganito.

Ngayon ko lang naranasang tumawa at ngumiti na walang dinadalang problema, ngayon ko lang naranasang magmahal nang ganito pero d*mn, ang tanga tanga ko dahil nagawa ko siyang saktan. I betrayed her.

Ang sakit sakit makita sa mga mata niya ang pagsusumamo na bawiin ko ang sinabi ko. Gusto ko, gustong gusto kong bawiin ang mga sinabi ko dahil una palang na sinabi ko sa kanya na mahal ko siya ay totoo ang lahat nang yun. Mahal ko siya.

Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit sa panahong yun, gusto kong iparamdam sa kanya na mahal ko siya, pero ayaw kong ipakita na natalo ako. Natalo ako sa laro ko and I'm so stupid for doing those things.

Dapat hindi ko yun sinabi sa kanya at dapat hindi ko siya sinaktan. Mas nagulat pa ako nang nalaman ko na birthday niya.

Ang tanga tanga ko. Nagawa ko siyang saktan sa mismong espesyal na araw niya.

Ang unfair lang para sa kanya dahil nung birthday ko ay nagawa niya akong pasayahin, isa yun sa pinakamasayang araw nang buhay ko, but her, I made her special day her worst day. I ruined her day.

Nang sabihin niya sa aking mahal niya ako, may parte sa akin na naging masaya pero nangunguna ang sakit sa puso ko dahil nasaktan ko siya. Ang swerte ko na sana eh, ang swerte swerte ko na dahil minahal niya ako. Kung sa ibang pagkakataon lang sana, I will became the happiest man in the world dahil minahal niya ako but I hurt her, I betrayed her, I broke her trust.

And now I'm so broken too. Karma ko na talaga siguro to. Sana nakinig na lang ako kay Ced noon. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Nasaktan ko siya, nasaktan ko yung taong mahal ko. Ang tanga tanga ko.

Sa araw na yun, na sinabi niyang pagsisisihan ko ang ginawa ko. Tama siya, sising sisi na ako. Sising sisi ako sa mga ginawa ko. And I think I deserve it, I deserve it for hurting her.

Hindi sapat yung pagsampal niya at pagmumura nang mga kaibigan niya sa akin na naging kaibigan ko na rin dahil sa nagawa ko sa kanya. I deserve more, I f*cking deserve more.

" D*mn you Yuan, pinagkatiwalaan ka namin para kay Ylle. Sinabihan ka na namin na huwag mo siyang saktan."

"D*mn you, P*utangina ka! Bakit ngayon pa? Sinira mo yung araw niya. Yung araw na sasagutin ka na sana niya."

"Nasayang lang yung effort namin, t*ngina ka!"

"Pinagkatiwalaan ka namin eh. Pero anong ginawa mo? Sinira mo. Sinira mo ang tiwala namin sayo. Ang tiwala ni Ylle sayo."

Yun ang mga katagang binitawan ni Ayna nang makaalis si Ylle. Ang sakit, dahil naging kaibigan ko rin sila.

Sila ang tumulong sa akin para mas mapalapit kay Ylle. But, I also broke their trust.

Ang sakit pala nang kapalit nang ginawa ko. Ang sakit pala, hindi ko alam na ganito pala kasakit yun.

I know I really deserve more, more painful, painful than what she is experiencing right now.

Ayoko na munang maging matatag ngayon, gusto ko munang maging mahina. I think hindi naman yun masama hindi ba? Hindi naman masama na maging mahina ako kahit ngayon lang. Tao rin naman ako, may damdamin, nasasaktan.

Gusto ko lang ilabas yun mag sakit na nararamdaman ko ngayon, kahit ngayon lang.

Hindi na man porke lalaki ako palagi akong matatag. May pakiramdam din naman ako eh. Nasasaktan din ako.

Sa gabing to, ang tanging pag iyak ko lang ang nagawa ko hanggang sa napagod na ako.

Hindi ko na lamang namalayan na nakatulog na pala ako.

------------

^_^

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon