The moment of truth na talaga.
Nakabihis na kami nang pantulog, nakakain na nang dinner, at ngayon nasa sofa na kami.
Both of them is staring at me like a criminal. Grabe naman kasi makatingin ang dalawang to.
"Okay let's start the interrogation" sabi ni Amia. Halah grabe para naman akong criminal. Interrogation talaga ang term.
"Hahaha okay, anong sasabihin mo sa amin Ylle? Huwag mo nang pansinin ang sinabi ni Ami, para kang natatae sa hitsura mo nung sinabi niya yun eh" sabi naman ni Ayna na may patawa tawa pa.
Napailing na lamang ako.
"And by the way, bakit may make up remover tayo rito?" Takang tanong ni Ayna nang mapansin ang make up remover na nasa table malapit sa pwesto nila.
Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.
"Okay, first of all. Paki abot yang make up remover" utos ko sa kanila. Nagtataka man ay inabot naman ito ni Ayna sa akin.
"Hindi ba tungkol sa inyo ni Yuan ang sasabihin mo?" Tanong ni Ami. Napabuntong hininga na lamang ako. Wala talagang oras na hindi napapasok sa usapan si Yuan. Aist, Yuan, Yuan, Yuan.
"Mamaya na yang tungkol kay Yuan" sabi ko na may inis na tono.
Tumango tango lang sila sila sa sinabi ko.
"Okay, huwag kayo magugulat hah, tsaka hayaan niyo muna ako mag explain" sabi ko pa.
"Bakit parang kinakabahan ako diyan ah" sabi ni Ayna.
"Bakit? Aamin ka bang multo ka kaya ayaw mo kaming magulat? O kaya kidnapper ka at palusot lang tong sleep over? Oh gosh." Sabi naman ni Amia. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Grabe ang imagination nang babaeng to.
"Talaga lang Ami ahh, sa tanda mong yan. Naniniwala ka pa sa multo and kidnapper? My ghad Ami. Yang imagination mo paki sara muna" Sabi ni Ayna na kulang nalang ay tawanan si Ami.
"Aist basta. Sige na Ylle" sabi ni Ami na nakabusangot na. Napailing na lamang ako sa kakulitan nang dalawa.
Kumuha ako nang bulak at nilagyan ito nang make up remover. Kita ko ang pagtataka sa mukha nila nang ginawa ko yun. Tinanggal ko muna ang salamin ko.
"Okayyyyyy...." React ni Ami.
Sinimulan ko nang ipahid yun sa mukha ko. Tinanggal ko rin ang mga fake pimples ko at fake braces ko. Narinig ko ang pagsinghap nang dalawa nang gawin ko yun.
Alam kong gulat na gulat sila, kitang kita sa reaction nila pero hindi sila nagsalita hinayaan lang muna nila ako.
Natapos ko ang ginagawang pagtatanggal nang make up ko at isa lang ang reaction ang nakikita ko sa kanila. Pagkamangha, nakanganga pa.
"So..... What can you say?" Nag-aalinlangang tanong ko.
"Holy freaking sh*t" sambit ni Amia. Lutong nun ah.
"What the f*ck, oh my gosh" react naman ni Ayna.
"So.... Naaalala niyo pa ba yung mukhang to sa Social media, sa mga balita. Almost three months ago?" Tanong ko.
" I don't remember anything. Your so pretty bakit mo tinatago?" Sabi ni Ayna. Napangiti na lamang ako nang alanganin sa papuri niya.
"Oh ghad, oh ghad. Y-yung missing? Yung Zyrine?" Gulat na gulat na bulalas ni Amia. Napatango naman ako.
"Missing? Oh sh*t" mukhang naalala na niya. Puro mura na lamang ang narinig ko sa kanila.
"Ikaw yun?" Pagkokompirma ni Amia.
BINABASA MO ANG
Running Away (Completed)
RomanceRunning away is the only way for Zyrine to escape from all the problems she is facing. Isa sa dahilan ng kanyang pagtakas ay ang kalayaan. Kalayaang gawin ang gusto niya, na walang komokontrol sa kanya. Gusto niyang maging malaya sa kanyang mga magu...