I'm so excited today na gumising pa talaga ako nang maaga. Bumungad ka agad sa akin ang text message nila Ami sa akin.
They greeted me a happy birthday. Napangiti na lamang ako. Well, excited na excited na talaga ako. Nung isang araw pa, buti nalang hindi nahalata ni Yuan.
Pero nagtataka lang ako kasi this past few days parang balisa si Yuan, nakatulala, hindi nakikinig sa mga kwentuhan namin, parang nasa iba ang iniisip niya.
Tinanong ko naman siya kung ano ang problema, sabi niya okay naman daw siya. Huwag ko na lang daw siyang alalahanin.
Tapos kahapon, hindi siya pumasok sa school. Nag text pa nga ako sa kanya at tumawag pero hindi siya sumasagot.
Kanina lang siya nakapag reply sa mga message ko. Emergency lang daw.
Nakapagtanong na rin ako kung papasok ba siya ngayon, sinabi naman niyang papasok siya so.... matutupad ngayon ang plano ko.
Nag ready na ako papunta sa school, may program ngayon kaya sa school grounds lahat pupunta ang mga students for the opening of the program.
Nakarating ako sa school, at hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. Gosh, kinakabahan na ako.
Pagkapasok ko nang gate ay bumungad kaagad sa akin si Ayna.
"Kyaaahh girl, happy birthday" bati niya sa akin sabay beso.
"Shhh, huwag ka maingay." Pagsaway ko sa kanya. Baka may makarinig, malaman pa ni Yuan.
"Ano? Nasaan si Ami?" Pagtatanong ko.
"Iwan ko ba, wala pa eh. Hintay na lang tayo." Aniya. Ngayon lang kasi ako nauna kay Ami eh, siya pa naman ang nag presentang magdala nung prinepare namin.
Maaga lang talaga siguro ako.
Gosh, nanlalamig na ang kamay ko.
Ilang minuto na kaming naghintay, umabot pa nang isang oras, pero walang Ami ang dumating kaya kinabahan na ako, di pwedeng mapurnada tong surprise ko.
"Saan na ba kasi siya?" Pagtatanong ko.
"Wait tatawagan ko." Sabi ni Ayna at kinuha ang phone niya para tawagan.
Ilang minuto rin silang nag usap bago nag end.
"Girl, ma le late daw siya ngayon, wala ang driver nila, nag day off. Mag co-comute siya ngayon, on the way na daw siya." Sabi niya, hayys bakit ngayon pa.
"Tara, sa school ground nalang tayo maghintay, kailangan na nating pumunta don" aniya kaya wala akong nagawa kundi ang maglakad na papunta doon.
Nawala tuloy ako sa mood.
"Cheer up girl" sabi ni Ayna at ngumiti sa akin.
"Yeah, yeah" sabi ko na lamang at binalik ang ngiti sa labi ko.
Nakarating kami sa school ground at madami na ang students na nandito.
Naka line up na base sa sections nila kaya nagpunta na kami sa ka section namin.
All are busy chitchatting with their friends. Nag tatawanan, nagkukulitan at kung ano ano pa. Diko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa mangyayari ngayong araw.
Parang may hindi tama na mangyayari. Isinawalang bahala ko na lamang yun dahil siguro kinakabahan lang din ako para sa gagawin kong surpresa.
'Ylle, it's your special day. Huwag mong hayaang masira ang araw na to dahil sa mga iniisip at nararamdaman mo.' pag papagaan ko sa loob ko.
"Are you okay?" May pag aalalang tanong ni Ayna.
Tumango lang ako.
Huminga muna ako nang malalim bago ngumiti ulit.
BINABASA MO ANG
Running Away (Completed)
Roman d'amourRunning away is the only way for Zyrine to escape from all the problems she is facing. Isa sa dahilan ng kanyang pagtakas ay ang kalayaan. Kalayaang gawin ang gusto niya, na walang komokontrol sa kanya. Gusto niyang maging malaya sa kanyang mga magu...