Chapter 17 √

208 13 0
                                    

Buong byahe ay naging tahimik lang ako. Naiilang na tuloy ako sa kanya. Arghhh.

Simula kanina ay hindi ko na siya matingnan nang diretso. Naiilang talaga ako. Putek.

Ayoko na nang ganitong feeling. Arghh bakit naman kasi- argh. D*mn.

Diko nakaya ang awkward silence na namamagitan sa aming dalawa ngayon kaya nagsalita na ako.

"Ahm... Kanina/ About earlier.." napakagat ako sa labi ko nang magkasabay pa kami magsalita.

Sh*t, ayoko na pag usapan pa tong nangyari kanina, mas lalo lang akong maiilang.

"Ahm.. kalimutan na natin yun. Ahh... Ano, huwag na nating pag usapan yun. Haha." Mabilis na sabi ko at peke pang natawa. Hindi man lang nawala ang kabang nararamdaman ko kanina, may kunti pa rin akong nararamdaman.

Tumango tango lang siya sa sinabi ko. Mukhang napapansin niya naman na naiilang talaga ako.

Natahimik na naman kami.

"Ahm, diba may sinabi ako sayo nun na may sasabihin ako sayo ngayon?" Tanong ko sa kanya. Pangbabasag ko sa katahimikang lumukob sa amin.

"Yeah" maikling sagot niya. Napatango tango lang ako.

"Sasabihin ko na sayo mamaya. Pwede bang tumuloy ka muna sa condo ko?" Sabi ko.

"Sure, sige." Aniya at tumango tango pa.

Habang nasa byahe ay kinakabahan na ako sa mga sasabihin ko. Ang dami nang what ifs na sumasagi sa isip ko.

What if dahil sa sekreto ko layuan niya ako? What if di niya tanggap? What if- aistt.

Tama na muna ang pag iisip Ylle. Edi kung hindi niya matanggap edi hindi. But think positive Ylle, kung talagang gusto ka niya tatanggapin ka niya.

Huminga na lang ako nang malalim.

"Are you okay? Is something bothering you?" Nag aalalang tanong sa akin ni Yuan.

"Yeah, Im okay. Wala naman" pagsasagot ko sa tanong niya. Kinakabahan ako, pakshet.

Nakarating kami sa condo ko. It's 6 in the evening. Firts time kong magpapasok nang lalaki rito kaya medyo nahihiya pa akong ipakita ang loob.

"Halika, upo ka muna" pag aaya ko sa kanya nang makapasok na kami pareho.

"Nice place" komento niya.

"Ahm yeah. Magbibihis lang ako. Just wait me here" sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa kwarto para magbihis.

Pagkapasok ko ay napaupo muna ako sa kama ko.

"Ylle, kaya mo to. He deserves to know about this. He's been so kind to you eversince I don't know when. Kailangan mo tong gawin para malaman kung kaya ka ba niyang tanggapin." Pagpapalakas ko sa loob ko.

Pumasok na ako sa banyo nang kwarto at nagbihis. Kinuha ko na rin ang make up remover ko bago bumalik sa sala.

Huminga muna ako nang malalim bago ako lumabas nang kwarto.

This is it.

Pagkalabas ko nakita ko siya sa may bookshelf ko na nakatingin sa isang picture ko. Totoong mukha ko ang nandon. Imbes na kunin yun para itago ay hinayaan ko lang siya na pagmasdan iyon dahil malalaman din naman niya.

"Aherm" pag agaw ko sa atensyon niya. Napatingin naman agad siya sa akin at bumalik na sa may couch.

Naghintay ako na magtanong siya tungkol sa picture pero wala siyang sinabi. Hindi ba siya nagtataka kung bakit ako may picture nang isang missing 'kuno' na tagapagmana.

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon