Chapter 29 √

223 10 0
                                    

Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito, na wala akong magawa para makalabas sa isang mahirap na sitwasyon.

Noon ay nagagawa ko lang paglaruan ang lahat para makalabas kaagad ako sa isang hindi inaasahang sitwsyon, pero ngayon wala akong magawa. Na blanko ang isip ko.

"Sa lahat nang tao, bakit ikaw pa Yuan, ikaw pa na kapatid ko" pagtatanong nang kapatid ko sa akin. Nakapasok na sila sa bahay.

Nasa likod ko pa rin si Ylle na nakahawak nang mahigpit sa kamay ko, napakalma naman ako nito kahit kunti sa kabang nararamdaman ko.

"I...... I love her Raph, I ..... -"

"Akala ko ba wala lang sayo ang lahat nang yun, Yuan. Akala-"

"Enough!" dumagundong ang boses nang daddy ni Ylle kaya napatahimik kami kaagad, mas napahigpit din ang hawak ni Ylle sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya para mapakalma siya, nanlalamig at nanginginig kasi siya, halata ang takot at kaba niya.

"Zyrine, let's go home. Ayoko nang maulit pa to," ma awtoridad na sabi nang daddy ni Ylle na kahit na sino ay kakabahan sa tono nang boses.

His aura right now screams power and authority.

"N-no dad, I... I d-don't want to go home, Ayokong magpakasal dad, hayaan niyo na kami" sabi ni Ylle na halata talaga ang kaba sa boses niya na nakakapag pautal sa kanya.

"Pumayag ka na diba? Anong nangyari at nagbago ang isip mo?" Pagtatanong nito sa anak.

Nanatili lang akong tahimik dahil sa tensyon na namamagitan sa amin.

"Dad, ayoko talaga. Please, ayoko. Kapag hindi niyo tunuloy ang kasal dad, babalik ako. Sasama ako sa inyo." Nagsusumamong sabi niya.

"No, ikakasal ka sa akin" finality is being heard in Raphael's voice, I can't blame him, his obsess to Ylle.

"Hindi ako papayag diyan" pagsabat ko sa usapan.

Lalong tumaas ang tensyon sa pagitan namin dahil sa sinabi ko, ang sama na nang tingin ni Raph sa akin.

"HUWAG KANG MAKIKIALAM RITO YUAN!" Sigaw sa akin ni Raph.

"Makikialam ako dahil ang taong mahal ko na ang pinag uusapan natin dito" sabi ko pa.

"Mang aagaw ka, akin lang siya. Sinabi ko na yun sayo, dati" aniya.

"TUMAHIMIK KAYO!" sigaw ni Ylle sa amin, tumutulo na yung luha niya and I hate to see it.

"Please baby, don't cry. I'm sorry." Pagpapatahan ko sa kanya nang makaharap ako sa kanya, nag iwas lang siya nang mukha nang pupunasan ko na sana ang mukha niya at humarap sa daddy niya.

"Ayoko dad please, ayokong magpakasal, hayaan niyo nalang akong gawin ang gusto ko please" pagmamakaawa niya.

"Dad, please" she pleaded.

Nahihirapan ako sa sitwasyon niya ngayon.

"Let's talk about it kapag nakauwi na tayo hija, sumama ka na sa akin, huwag mo nang gagawin to ulit, nag aalala na nang sobra ang mommy mo."

"Dad, just say it. Sabihin mo munang hindi matutuloy ang kasal dad, uuwi ako, sasama na ako sa inyo"

May pagdadalawang isip pa rin ang daddy ni Ylle, makikita ito sa mukha niya ngayon.

"Okay, hindi na matutuloy ang kasal" pagkasabi nun nang daddy ni Ylle ay nakita ko ang pagkislap nang mata ni Ylle sa tuwa. Lalapit na sana siya sa daddy niya nang magpaputok nang baril si Raph.

"NO, HINDI AKO PAPAYAG DUN, IKAKASAL KA SA AKIN YLLE. AKIN KA LANG! AKIN KA LANG!" Pagsigaw ni Raph, agad naman akong kinabahan kaya nahigit ko si Ylle para yumuko.

Ginawa kong panangga ang katawan ko sa kanya.

"STOP THIS RAPH!" pagsigaw nang daddy ni Ylle.

"NO, YOU! Old man, bawiin mo yunh sinabi mo, matutuloy ang kasal" sabi niya at dinuro nang baril ang daddy ni Ylle.

"Dad" halata sa boses ni Ylle ang takot at kaba sa nangyayari.

"Shhh, don't look. Akong bahala, walang mangyayaring masama sa daddy mo" pag a-assure ko sa kanya.

"Tumigil ka na Raph" sabi ko kaya nalipat sa akin ang atensyon niya.

Tumawa siya nang pagak bago dinuro papunta sa akin ang baril niya. Medyo kinabahan ako dahil baka makalabit niya iyon, nasa likod ko pa naman si Ylle.

I'm not worried about my safety but for Ylle's safety.

"TRAYDOR KA! INAGAW MO SIYA SA AKIN, KAPATID PA NAMAN KITA! MANG AAGAW KA!"  Aniya na nakaduro pa rin sa akin ang baril niya.

Napalakas na ang hikbi ni Ylle dahil sa takot niya.

"Put the gun down Raph" pag uutos ko sa kanya.

Umiling iling lang siya. Dahan dahan akong lumalapit sa kanya.

"Puntahan mo muna ang daddy mo" utos ko kay Ylle.

Agad naman siyang tumakbo sa kinaroroonan nang daddy niya at nang tumingin sa kaniya si Raph ay agad akong tumakbo sa pwesto niya para agawin ang baril sa kanya.

"Argh" pagdaing niya nang mahawakan ko ito nang mahigpit.

Hindi niya binitawan ang baril kaya ang resulta ay nag aagawan kami ngayon.

Kung saan saan na natutok ito at kinakabahan ako kapag natututok ito sa pwesto nila Ylle.

"TAMA NA! TIGILAN NIYO NA YAN!" pagsigaw ni Ylle habang yakap siya nang ama niya. I saw how scared she is right now.

"Tumigil ka na Raph, nababaliw ka na ba? Hah? Makukulong ka sa ginagawa mo" Nanggagalaiting saad ko. Naiinis na ako, baliw na siya.

"TUMAHIMIK KA!" Sigaw niya sa akin.

Patuloy lang kami sa pag aagawan nang baril na yun.

*BANG*

Agad akong kinabahan dahil don lalo na at nakatutok ito sa pwesto nila Ylle.

Tumingin ako sa pwesto nila at nakita ko ang pagtulo nang dugo sa braso ni Ylle kaya nagpanic na ako.

"YLLE" tanging naisigaw ko.

Kaba at takot ang nangingibabaw sa sistema ko ngayon. I can't lose her.

Dahil nawala na ako sa sarili ay di ko namalayan ang nangyayari sa pag aagawan namin nang baril ni Raph.

*Bang*

Nabalik na lamang ako sa katinuan ko nang marinig ko ulit ang putok nang baril na iyon.

Napaigtad na lamang ako nang makaramdam ako nang kirot sa bandang tiyan ko, agad ko itong tiningnan at nakita ko ang pagdaloy nang masaganang dugo ko sa tiyan ko.

Napaluhod na lamang ako nang makaramdam ako nang pamamanhid sa bandang tiyan ko hanggang sa mamanhid na ang buong katawan ko.

"YUAN" narinig ko pa ang sigaw na iyon ni Ylle bago ako nawalan nang malay.

------------------

^_^



Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon