Chapter 18 √

207 13 0
                                    

Sa mga lumipas na araw, linggo at buwan ay mas nagiging comportable na ako kay Yuan.

Hindi katulad nung araw na hinalikan niya ako, ilang araw akong naging ilag sa kanya nun dahil sa pagkailang na nararamdaman ko. Hinding hindi ko talaga nakalimutan ang araw na yun. May 25, his special day.

Ang dalawang kaibigan ko naman ayon todo push na sa akin na sagutin ko na raw. Iniisip ko na naman yun eh.

Sa halos anim na buwan ko rito sa Pilipinas, kontentong kontento ako sa buhay ko rito. Naging malaya ako, naging masaya ako.

Napangiti na lamang ako sa naiisip ko

Mag a-apat na buwan na rin palang nanliligaw sa akin si Yuan.

Ilang date na rin ang nagawa namin, ilang takas na rin tuwing lunch break para sa labas kumain.

"Oh, anong nginiti ngiti mo diyan?" Pang uusisa ni Ami.

"Naiisip ko lang, mag aanim na buwan na pala ako rito sa Pilipinas" pag amin ko.

"Oo nga noh, masaya ka naman diba?" Sabi ni Ayna.

"More than happy" sabi ko at nginitian sila.

"Sino ba namang hindi magiging happy, todo effort yung manliligaw" sabi ni Ami.

"Speaking of" sabat naman ni Ayna na nakatingin sa likod ko.

"Itatakas na naman yang kaibigan natin for sure" sure na sure na sabi ni Ami.

Napailing na lamang ako.

Lilingon na sana ako sa likuran ko nang may humila na sa akin.

"Tara, sa labas tayo mag lunch" sabi niya sabay hila sa akin patayo. Hays, wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya. Bumabalik din naman kami bago mag start ang class eh.

"Mamaya nalang girls" pagpapaalam ko sa kanila. Tumango lang sila sa akin at kumaway.

Ito na naman ang mga matang nakatingin sa amin. Well, alam na naman nila ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Yuan.

Noong nalaman nila yun, may iba pang binash ako, kesyo daw ang panget ko na nga lumalandi pa, at kung ano ano pa sinasabi nila.

May iba rin namang masaya para sa amin, katulad nang mga kaklase ko.

Mga inggitera lang naman ang nangba bash. Hehe. Tsaka hindi ko nalang sila pinapansin, sila Ami na lang ang rumeresbak sa akin.

Sino ba naman kasing hindi maiinggit diba, kung ang panget 'daw' na tulad ko 'kung alam lang nila', ay may manliligaw na gwapo. Hindi lang gwapo, gwapong gwapo.

Napapailing na lamang ako sa naiisip ko.

Nakasakay na ako sa kotse ni Yuan, syempre pinagbuksan ako. Kilig na naman ako.

Agad siyang sumakay sa driver's seat at nagmaneho na sa kung saan man kami pupunta.

"Saan na naman tayo, this time?" Pagtatanong ko sa kanya. Last kasi sa mamahaling restaurant pa kami nagpunta, ang sosyal lang eh.

"Hmm, ikaw? Wala akong maisip eh. Gusto ko lang naman lumabas kasama ka." Aniya na tumingin pa sa akin nang mapanukso. Tsk.

"Ayon, lalabas labas wala namang pupuntahan. Fast food na lang tayo. Miss ko na fast food." Suggest ko sa kanya.

"Sige ba." Aniya at nagmaneho na papunta sa isang fast food chain.

Nakarating na kami sa Jollibee, papasok na sana kami ron nang makita ko ang isa sa tauhan ni daddy.

Agad akong napatigil sa pagpasok, nagsimula na ring manginig ang kamay ko.

D*mn, bakit sila nandito?

"Hey, are you okay?" Pagtatanong ni Yuan kaya nabalik ako sa wesyo.

Agad ko siyang hinila palabas nang akmang titingin na siya sa tinitingnan ko at naglakad pabalik sa kotse.

"Hey, what's happening?" Tanong niya.

Huminga muna ako nang malalim bago ako lumingon sa kanya na may pekeng ngiti na.

"Ahm, mas gusto ko sa McDo, doon nalang tayo." Sabi ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"Mas bet ko yung BTS meal, kaya tara na" sabi ko at sumakay na sa kotse niya.

"O....kay" nasabi na lang niya at sumakay na rin.

Buti at hindi na siya nagtanong pa. Nakahinga na ako nang maluwag nang nakalayo na kami sa lugar.

Sa mga buwan na nagdaan, mas marami na akong nakikitang tauhan ni daddy dito, at kinakabahan na ako sa presensya nila.

Nakarating na nga kami sa McDo pero ang isip ko ay lumilipad sa kung saan.

Hindi ako umiimik sa buong kain namin, nag iisip na ako nang kung ano ano, kung paano kapag mahanap nila ako.

Nasa kotse na kami at pabalik na sa school. Nang huminto na sa garahe nang school ay lalabas na sana ako nang pigilan ako ni Yuan.

"Hey, kanina kapa tahimik, di ako sanay sa pagiging tahimik mo. What's bothering you? You know, you can tell me" seryosong sabi niya.

Mabilis namang nangilid ang luha ko.

"I'm just.... I'm just tired, tired of thinking what if, malaman na nila kung nandito ako? Pagod na pagod na rin akong magtago.........  I don't know..... Diko na alam... " Pumiyok na ako nang bigkasin ko ang huling salita. Tuloy tuloy na rin ang pagdaloy nang luha ko.

Pagod na ako, araw araw na lang akong nagtatago, iniisip na baka nahanap, mahanap nila ako. Pagod na pagod na ako, oo malaya ako dahil nakatakas ako sa pagkontrol nang magulang ko sakin, pero ngayon ko lamg narealize, hindi naman talaga ako nakalaya sa kanila, kasi patuloy pa rin akong nagtatago.

Naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya sa akin kaya mas lalo akong naiyak. I need this one. Kailangan ko ang yakap na to.

"Ylle, huwag mo munang isipin yan. Ang ngayon muna ang isipin mo. Masaya ka ngayon dahil sa mga kaibigan mo, masaya ka dahil kahit papaano malaya ka. Don't stress yourself with those thoughts. Just remember this, I'm always here okay? When you're not okay, just call for me. Darating ako, pangako yan." Sabi niya na nakapagpalundag sa puso ko.

'I'm so thankful that I meet this man.'

"Thank you" sabi ko.

We stayed hugging for a minute bago ako kumalas. Humupa na rin sa pagtulo nag luha ko.

Nagpunas na ako nang luha at huminga nang malalim bago lumabas nang kotse.

Natapos ang class namin kanina na tahimik lang ako. Napansin yun nila Ami kaya nagtanong sila, sinabi ko naman sa kanila ang dahilan. Hindi na nila ako ginulo pa nang masabi ko iyon, hinayaan na nila ako mag isip.

Nakarating ako sa condo ko ay agad akong napahiga sa kama.

Naisip ko na lamang ang mga ginawa ni Yuan para sa akin. Napangiti na lamang ako sa naiisip ko.

Siguro panahon na para sabihin ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

Napatingin ako sa cellphone ko na ang lock screen ay ang picture naming dalawa ni Yuan nang minsan kaming lumabas.

Napangiti na lamang ako.

Panahon na para malaman mo ang totoo kong nararamdaman para sayo Yuan. So I decided na sabihin ko na sa kanya, on my special day.

August 25, I marked my calendar. On that day, next week. My birthday, gagawin kong mas especial ang araw na yan. Gagawin ko ang araw na yan na espesyal sa aming dalawa ni Yuan.

Ngumiti ako sa naiisip ko. Ayaw ko na kasing  patagalin pa ang panliligaw niya, tama na ang halos tatlong buwan.

I just realized pareho pala kami nang birth date, 25.

May siya while I'm August. Ang random na nang naiisip ko. Napailing na lamang ako.

Nakakabaliw pala kapag in love, lahat nang impormasyon sa taong mahal mo, kahit maliit lang na info, nabibigyan mo na nang pansin.

But yeah, 25 is my lucky number.
And.....
I'll make that 25 special to us.
Cause
I will make him mine in that day.

--------------------------

^_^

Running Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon